C H A P T E R - T W O

104K 1.3K 25
                                    

--

C H A P T E R 2 -
IF

MORGAN'S POV

"Nanay, Tara na po" Tawag sa akin ng anak ko.

"Sige. Tara na." Pag-aya ko sa kanya.

"Nanay, bili tayo ng friedchicken ah! Naubos ko lahat ng tinda ko, ikaw din po ba naubos mo Nay?" Pagtatanong niya sa akin, naaawa ako sa anak ko dahil nararanasan niya lahat ng paghihirap. Wala akong magawa kundi magtiis.

Gustohin ko man na bigyan siya ng magandang buhay pero ni isa ay wala naman tumatanggap sa akin sa mga pinag-applyan ko na trabaho. Pinilit kong ngumiti sa anak ko.

"Ang galing naman ng anak ko! Oo naman, Si Nanay pa ba? Sakin ka kaya nagmana." Ginulo ko ang buhok niya.

"Nanay buhay pa si Tatay?" Napahinto kami sa paglalakad dahil sa tanong ng anak ko.

"Bakit mo naman na tanong yan?" Nakayukong tanong ko sa kanya.

"Naka-kainggit po kasi yung bata kanina sa park kumpleto ang magulang niya tapos binili pa ng Tatay niya yung tinda ko po." Gusto kong sabihin na anak Tatay mo rin siya kaso wala akong karapatan para sabihin iyon. Simula ng umalis ako sa bahay na iyon ay umalis na din ako sa buhay ni Travis.

"Anak may mga bagay talaga na mas okay na kahit hindi mo na malaman pa." Lumuhod ako sa harap niya at yinakap siya, masakit para sa akin ang lahat ng ito. Kung masakit ito para sa anak mas doble ang sakit na nararamdaman ko. Hanggat maari ay pinupunan ko lahat ng pagkukulang ko.

"Nanay, tara na po para makauwi na din tayo." Tumango na lang ako sa kanya at muli kaming naglakad.

Habang naglalakad kami ng anak ko ay hindi ko maalis sa isipan ko kung paano kaya kung hindi kami umalis sa bahay noon at paano kung pinagsiksikan ko parin ang sarili ko sa kanya noon? Siguro kahit papaano ay mas ayos ang pamumuhay namin, kahit ang anak ko na lang ang mahalin niya huwag na ako.

"Nanay, pumili kana para makapagluto kana po." Napatigil ako sa pagmumuni ng marinig ko na nagsalita ang anak ko. Nandito na pala kami sa harap ni Aling Pasing, isang matadera na nagtitinda ng manok at baboy dito sa palengke.

"Gutom kana ba, Trevor?" Tumango naman siya sakin. "Aling Pasing, isang kilo nga po ng manok at dalawang crispy fry tapos isang bote ng mantika po. Magkano po lahat non?" Marami-rami narin ito tsaka dalawa lang kaming kakain ng anak ko.

"240 lahat, ganda." Mahal ang bilihin ngayon dibale mas gusto ko naman na mabusog ang anak ko, ayoko siyang magutom.

"Ito po ang bayad ko, salamat po." Sakto lang ang binayad ko at niyaya ko na din ang anak ko na umalis.

Pakanta-kanta pa siya ng bahay kubo habang naglalakad. Natawa naman ako kanya. Napaka-bibong bata. Magka-hawak kamay kaming naglalakad, kahit ganito lang ang buhay namin ay masaya na ako kasi kasama ko ang anak ko.

"Ma'am Morgan!" Pamilyar ang boses ng taong iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Tuloy-tuloy lang kami ng anak ko at mas binilisan pa namin ang paglalakad namin. Dahil na-uuhaw na daw siya kaya pina-una ko na siyang bumili ng softdrinks.

"Ma'am!" Hinila niya ang braso ko ng maabutan niya ako.

"Ano ba! N-anay M-mila?!" Pumiyok ang boses ko ng makita ko si Nanay Mila.

"Ay! Naku! Ma'am kanina ko pa po kayo tinatawag at hindi nga po ko nagkamali na kayo nga iyan. Pero noong una akala ko hindi po kayo yan, kasi ibang-iba na po kayo ngayon." Kawaksi siya sa bahay ni Travis noong nakatira pa ako sa kanya, siya din ang nagbabantay sa akin at ang bukod tanging nakaka-usap ko. Sa maiksing panahon na pamamalagi ko don ay masasabi ko na mabait si Nanay Mila.

"Nay Mila, hindi na po ako ang Ma'am niyo. Morgan na lang po." Pag-papaliwanag ko at pag-tatama ko na din sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Ma'am, masaya talaga ako kasi nakita ko ulit kayo." Hindi parin talaga nagbabago si Nanay Mila.

"Nay, ako din po pero kailangan na po namin umalis. Sige po, mag-ingat po kayo." Pag pa-paalam ko sa kanya. Ayoko ng may koneksyon pa kami ni Travis.

"Sige po, Ma'am. Ingat po kayo." Umalis na din si Nanay Mila. Nang masiguro ko na malayo na siya ay binalikan ko ang anak ko, nakabili na din ito ng softdrinks at kasalukuyan umiinom.

--

TRAVIS' POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na nakauwi na din sa wakas si Nanay Mila sa bahay dahil kanina ko pa siya hinahanap.

"Nay, bakit ngayon lang kayo?" Sumalubong naman ako kanya at kinuha ang bitbit niya.

"Travis, nakita ko kasi si Ma'am Morgan. Kaso nagmamadali daw sila." Masayang turan niya at nagulat ako sa sinabi niya. Pagkatapos ay umalis din siya sa harap ko.

"Sila?" Bulong ko, I want to see her. What if she's with my son.

--

This Chapter is now edited and updated. 03/29/19

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

Catch Me If You Can
(Montefalco Series)

Catch Me If You Can (Montefalco Series)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A Heartless Winter
(Montefalco Series)

A Heartless Winter (Montefalco Series)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Please read "ONE DAY" Thanks!
P.S Kasabayan siya ng story nila Winter.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now