Real Chapter 54 - Compelete

27.8K 349 11
                                    

Click the video

Chapter 54

MORGAN POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa likuran ko. At naramdaman ko din ang ginagawa ng isang kamay ni Travis na kasalukuyang gumagawa ng maliliit na bilog sa likuran ko. Minulat ko ang mga mata ko kahit sobrang inaantok pa ako.

Hindi ko na alam kung anong oras kaming nakatulog ni Travis.

"Ayos ka lang ba, wifey? Do you feel sore?" he asked me. Napakayap lang ako sa kanya.

Nakadantay ang ulo ko sa dibdib niya. Tumingala lang ako at marahan na tumango.

"Yes. Gusto ko ng kumain." I replied. Nagugutom na talaga ako.

"Nagpaluto na ako kay Nanay Mila kanina pa. Ikaw na lang ang hinihintay kong magising." sagot naman niya atsaka ngumisi ng nakakaloko.

Hinampas ko ang braso niya. Hinuli niya lang ang kamay ko at niyakap ako. I am now above him. Napayuko naman ako sa nararamdaman ko. Because I felt his buddy on my belly.

"Tayo na tayo." Pagyaya ko sa kanya at lalo naman siyang napangisi.

"Kanina pa nakatayo wifey." he said with husky voice.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabe niya. Kaya tumayo ako at ipinalupot ang kumot sa katawan ko.

Pagtayo ko, nagulat na lang ako ng bigla niyang hinila ang kumot, kaya ang ending napahiga ulit ako sa kanya at naalis ang kumot sa katawan ko.

"Travis ano ba. Wag kang magbiro ng ganyan dahil hindi nakakatawa." napalabi na lang ako dahil nakangiti parin siya kaya tumalikod ako sa kanya at lumayo.

Naramdaman ko na gumalaw ito at niyakap ako patalikod.

"Nakita ko naman na yan wifey. Natikman atsaka I'm sure may baby na dyan." confident niyang sagot.

Wala pa naman Twenty-four hours. Pero umaasa talaga ako na sana meron nga. Para may kasamang lumaki si baby.

Makapag kunwari nga na ayoko muna. Hahahaha! Great! Evil plan, Morgan! "Ulol! Umiiral na naman yang kalibugan mo!" humarap ako sa kanya at sinapok siya.

"Ngayon ka pa ba mahihiya wifey. Kaya nga malakas ang loob ko na meron ng laman yan. Tiwala lang. Bawal mag mura pag narinig pa kita hahalikan kita." hahalikan? not a bad consequence pag nagkataon.

"I kiss mo nga ako nagmura ako eh." nakangiti ako atsaka pumikit.

Hindi naman nagtagal naramdaman kong nakadampi na ang mga labi niya sa labi ko. Kaya lalo akong napangiti.

"I love you." he said between our kisses.

"I love you too." I replied and hugged him.

Travis & I will never be apart. Ang ko-kontra at magsasabi ng walang forever ipasasama ko sila sa biyaheng Mars at doon sila maghasik ng lagim. Kung makakapaghasik sila.

Tumayo si Travis at kinuha ang mga damit namin. Binihisan niya ako atsaka niya pinausot ang t-shirt niyang sinuot kagabe.

Pagkatapos ay binuhat niya ako palabas ng kwarto. Habang nasa hagdan kami ay nakita ko na ang mga bata na naglalaro.

"Daddy, bakit buhat mo si Mama? May masakit ba sa kanya?" inosenteng tanong ni Trem

"Tsaka po bakit iba suot ni mama? Bakit suot niya yung damit niyo?" sinundan naman ni Trevor ang pagtatanong.

"Diba gusto niyo ng baby? So gumagawa kami." walang pakundangan na sagot nya.

Walang hiya talaga ito. Nakangiti lang si Nanay Mila habang hawak si baby.

"Okay po." sabay na sagot nila.

"Hoy Mister! Ibaba mo nga ako. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa harap ng mga bata." he just shrugged at dumertecho kitchen.

"Misis kumain kana." binaba niya ako at kumuha siya ng pagkain namin.

Akmang tatayo na ako ng mapangiwi ako sa sakit. Travis is a beast.

Pinanuod ko na lang sa ginagawa niya. I wonder kung ganito rin ba ang ginagawa niya kay Ann.

Pagtapos niyang mag ayos, kumain kaming sabay. Susubuan niya pa sana ako ng pigilan ko ito. Baby na baby ako sa kanya.

"After nito, gusto ko ng maligo." Tumango naman siya sa akin. "Maligong mag-isa."

Natapos din kami agad. Akala ko makakapag lakad na ako dahil gusto ko ng maligo, pero inunahan niya ulit ako. Kaya ang siste ay buhat buhat niya na naman ako. Dinala niya ulit ako sa kwarto. Dahil nagpaalam ako na maliligo.

"Samahan na kita, wifey. Alam kong hindi ka pa okay." Pamimilit niya sa akin. Anong akala niya makakalusot siya sa akin? Nahhhh.

"Ayoko. Alam kong hindi lang pagligo ang nandyan sa isip mo. Kaya manahimik ka, Travis." Atsaka ko isinarado ang pintuan.

Mag isa akong naligo kahit gusto niyang sumabay sa akin. Mga paraan ni Travis, akala niya makakalusot. Ayoko din kasing matagalan kami. Makakapag hintay naman siguro siya mamaya.

Oh! Mamaya!

Paglabas ko ng banyo. Agad akong nag-ayos at sinuot ang black dress ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at makita ko na bagong ligo rin si Travis. Baka naligo ito sa kwarto ng mga bata.

Lihim akong napangiti dahil todo ang pag-aalaga nila kay baby. Hindi ata nila napansin ang presensya ko kaya binuhat ko si baby.

Humagikgik naman siya sa ginawa ko. Kagabe ko lang siya hindi nahawakan pero parang napaka tagal na non. Namiss ko agad siya. Ako lang ang ina ng bata at sa amin lang siya.

Hindi naman mag-iisip ng iba ang mga taong makakakita sa kanya dahil pareho kami ng kulay ng mata.

"Baby, inaaway ka ba nila Kuya?" ngumiti lang ito na para bang nagkakaintindihan kami.

"No po / Hindi po" sabay na sagot nila.

Kung minsan ako din ay napapa-isip kung kambal ba sila. Pero alam ko sa sarili ko na malayong mangyari yun.

"Hindi daw baby. Si Daddy inaaway ka ba?" lumingon ako kay Travis.

"You're crazy, wifey." sagot namin ni Travis.

Napatawa na lang ako. Ang sarap nilang pag tripan. Napailing na lang ang mag - aama ko.

Nilapitan nila ako at yinakap. Nag group hug kami. This is my home.

Ang pamilyang binuo namin ni Travis. Kahit na anong pag subok pa ang dumating sabay sabay namin itong haharapin.

Hindi man naging maganda ang nakaraan namin dahil pareho kaming nasaktan. Pero ito kami ngayon sama-sama.

God is the center of our relationship. Kung gusto mo ng mas matibay na pundasyon unahin mo na mahalin Sya kesa sa iba. Dahil Sya hinding hindi ka iiwan.

"Thankyou Morgan for making my life complete." bulong ni Travis sa akin.

"Ikaw lang Travis ang lalaking mamahalin ko tandaan mo yan. Kung makalimutan mo man araw-araw kong ipapa alala sayo na mahal mo ako at nag mamahalan tayo. Hindi ako magsasawa na mahalin kita. Ikaw lang ang una't-huli kong mamahalin." mas humigpit ang yakap nya sa akin.

Ang pamilya ko ang tanging lakas ko. Kung noon naging mahina ako ngayon hindi na ang mga taong nagmamahal sa akin sila lang ang nagbibigay lakas sa akin.

"You're not my first love -- hindi ikaw ang una ko sa lahat pero ikaw naman ang huli ko. I want you to be my last. I hope I am your last too?" magkatapat ang mga noo namin.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"You're my last. Ikaw lang Travis Montefalco."

×××
SHZMCD's Note: Epilogue next! 🙂

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now