Chapter 26

57.8K 694 37
                                    

Chapter 26- University Part Two

Pagkatapos niya akong ipakilala sa mga estudyante niya. Pinaupo niya ako sa upuan niya, napansin ko ang table niya na may picture namin tatlo kuha ito ng bagong panganak pa lang ako kay Trevor, kung sa tutuusin siya na ang amang kinalakihan ni Trevor, dahil hindi naman kasi laging pumupunta si Trin kaya madalang lang silang magkita ng anak ko.

Pinanuod ko kung paano siya magturo. Magaling siyang magturo, marahil alam niya ang ginagawa niya. Masaya ako para sa kanya dahil sa edad niya na twenty-five years old ay nakamtan niya ang pangarap niya.Kaya swerte talaga ang babaeng mapapangasawa niya. Si Terrence ang perfect figure sa pagiging ama. Dahil nasa kanya na lahat.

Nad-distract siguro siya sa akin dahil panay ang tingin niya sa gawi ko. May umagaw naman ng atensyon naming lahat. Dahil bigla na lang nagsalita ang isa sa mga estudyante niyang lalaki.

"Sir, i believe that you're a good professor. At halata naman na hindi ka marunong magtago ng nararamdaman mo. Mukha kasi kayong in-love. Just saying." Umupo naman agar ito at pinagpatuloy ang pagkopya sa sinusulat ni Terrence. Ganun na ba ako kahalata na tumitingin sa kanya. Si Terrence naman ay napahinto sa ginagawa at sinabihan ang kanyang estudyante na

"Really? After niyong kopyahin lahat ng lecture natin ngayon ay makakaalis na kayo. Kailangan kong samahan ang asawa ko at sunduin ang anak namin." Pumunta naman siya sa pwesto ko.

"Son? May anak na kayo Sir?" Tanong ng babaeng naka reading glass.

"Yes." Sagot naman niya na nakangiti.

'Sayang talaga.'

'Tsk. Nahuli ako kay Sir.'

'Ang ganda kasi ng asawa kaya siguro inanakan na ni Sir.'

'Sir. Hihintayin ko na lang yung paglake ng anak niyo.'

Ikinatawa ko naman ang huling narinig ko. Seriously ganun na ba karami ang humahanga sa kanya?

Ilan lang yan sa mga komento na narinig ko galing sa mga estudyante niya. Agad din naman natapos ang mga estudyante niya sa ginagawa nila at nagpaalam na uuwi na ang mga ito. Tumango na lang si Terrence sa mga 'to.

Paglabas nila ay inayos muna niya ang kanyang gamit, bago niya ako niyayang umalis. Buti na lang at ito na ang kanyang huling klase para sa araw na 'to. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa hallway.

Habang dumadaan kami ay may grupo ako ng kababaihan na nakita binu-bully nila ang babaeng tumulong sa akin kanina. Agad ko naman silang pinuntuhan. Narinig ko na tinawag pa ako ni Terrence pero hindi ko na siya ni lingunan pa.

"Nerd ka. Feeling mo naman kasi magkaka gusto sayo si Sir. May asawa na siya nakita mo? Walang sinabe yang itsura mo." Palatak ng babaeng naka mini skirt siguro ito ang leader nila. Hindi pa siya nakuntento dinuro duro niya pa 'to

"Miss excuse me. Pwede bang iwan niyo na siya." Nilapitan at yinakap ko agad ang babaeng tumulong sa akin.

"She's a bitch. May gusto po yan sa asawa niyo. Araaa-y!" Humarap naman 'to sa taong humablot sa kamay niya.

"Say it again. Baka gusto mong kalimutan ko na babae ka at isa ka sa mga estudyante ko." Tiim bagang na nakaharap si Terrene sa babaeng nagsasalita kanina.

"But, Si-iiir." Lalo lang siyang napangiwi sa ginawa ni Terrence ng makita ko na mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

"Thankyou po." Bulong sa akin nung babae.

"Wala iyon tara na." Tumayo kaming pareho. Atsaka ko siya inalalayan.

"Go!" Galit na sagot ni Terrence at pa gewang gewang naman na umalis ang babaeng sinigawan nito habang ang grupo niya ay binalingan ulit nila ng matalim na tingin ang babaeng yakap ko.

"Sir, thank you po mauna na po ako. Ingat po kayo." Nakayuko niyang sagot.

"Ingatan mo ang sarili mo. Please." Hinawakan niya ang kamay ng estudyante niya agad din naman niyang inalis ng tumingin ito sa akin.

"O-po." Tuluyan na nga itong umalis sa harapan namin.

Sumakay din agad kami ni Terrence sa BMW niya na sasakyan. Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa school ni Trevor. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang babaeng iyon.

**
Lucky Blue Smith as Terrence. 💕

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now