C H A P T E R - T E N

79.2K 923 88
                                    

CHAPTER 10 -
Mahal Parin Kita

Morgan's POV

"Gusto ko ng umuwi." Simula nang makita ko ni Terrence kanina ay agad niya kaming inalis sa lugar na yon. Ang sakit, sobra-sobrang sakit. Nasa parking lot kami ngayon at tulog na din ang anak ko, gabi na din kasi.

Pinaandar ni Terrence ang sasakyan at hindi na nagsalita pa. Mabilis ang naging biyahe namin, isa lang ang dinadalangin ko yon ay ang makauwi agad kami.

"Hey! Nandito na tayo." Hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng bahay ko. Huminga ako ng malalim, ganon na ba kabilis ang oras para hindi ko mapansin na nakarating na pala kami.

"Terrence, mauna kami. Salamat ulit." Kinuha ko agad ang anak ko na nasa passenger seat pagkatapos ay pumasok na ako ng bahay. Narinig ko na umalis na rin ang sasakyan ni Terrence, pag-pasok namin ay dinala ko agad ang anak ko sa kwarto niya. Kahit mahirap lang kami ay may sarili itong silid.

Inayos ko ang gamit niya at sinigurado na tulog na nga siya saka ako pumasok sa silid ko. Pagpasok ko sa loob ay masaganang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ganon? Ang sakit parin pala, akala ko okay na ako. Kanina na nakita ulit siya, akala ko wala na siyang epekto sa akin dahil sa ginawa niya sakin dati. Pero akala ko lang pala yun.

Mahal parin ko parin pala siya kahit na sobrang sinaktan niya na ako. Some says love is war, paano ko siya ipaglalaban kung siya na mismo ang nagtaboy sa amin. Nung mga panahon na kailangan ko ng makakasama sa pagbubuntis ko wala siyasa tabi ko. Ilang beses akong bumalik sa bahay niya pero hindi ko siya naabutan. Minsan iniisip ko na ipalaglag na lang ang bata noon dahil naawa ako pag lumaki na siya, alam kong wala siyang kinabukasan paglumaki siya sakin. Kaya pagka-panganak ko ay pinili ko si Trevor kaysa sa kanya dahil alam ko na mas mabibigyan niya ng pansin ang pangangailangan niya.

Pero nawala na lang siya bigla.

Naging mapaglaro sa amin ng anak ko ang tadhana, hindi ako tinatanggap sa kahit anong trabaho na ina-applyan ko hanggang sa napagpasyahan ko na pumasok na waitress sa isang bar pero nagsara din agad ito. Noong mga panahon na iyon ay iniisip ko na baka karma ko na nga siguro ito dahil sa ginawa ko. Kaya ng makita ko sila kanina ay gusto ko siyang yakapin kaso iba na, iba na ang panahon. Kung ibang panahon siguro kami nagkita at nagka anak ay mamahalin niya din ba ako? Katulad ng pagmamahal ko sakanya. Patawarin mo ko kung bakit mas pinili ko na magtago, ngayon na paliit ng paliit ang mundo natin hindi ko alam kung handa na ba ako na harapin lahat.

Mahal na mahal kita Travis pati narin ang kambal natin.

Umiiyak lang ako buong magdamag hanggang sa dinapuan na ako ng antok.

Barbara Palvin as Morgan at Multimedia• This chapter is now edited and updated scenes. 03/29/2019

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now