C H A P T E R - N I N E

71.7K 947 69
                                    

CHAPTER 9 -
H-hey!

TRAVIS POV

Nagmadali akong hanapin ang anak ko na si Tremendoux ng hindi ko siya makita sa tabi ko. Pinagtanong-tanong ko na din siya sa mga sale's lady at iisa lang ang sagot nila HINDI nila nakita ang anak ko. Hindi ko maiwasan na magmura pag sina-sabi nila na hindi nila ito napansin.

Hanggang sa dinala ako ng sarili kong mga paa sa isang children's wear parang may kung anong humahatak sa akin lugar na ito.

"Tremendoux?" Sigaw ko, nagba-baka sakali akong marinig niya ako. "Trem? Son, where are you?"

"Dad, I'm here. I'm with someone and don't worry she's a lady, Hurry up." Narinig ko naman siya na sumagot. Agad akong pumunta sa kinaroonan niya. Mahigpit kong bilin sa kanya na don't talk to strangers. Hindi naman pala niya sinusunod ang sinabi ko sa kanya.

"Trem! Nasaan na ngayon yung kausap mo?" Agad kong tanong sa kanya saka ko lumuhod harapan niya. Ayokong mawala ang anak ko sa paningin ko, hanggat maari ay gusto kong nasa tabi ko lang siya lagi.

"Ayun po siya, her name is Morgan." Sagot niya. Laking gulat ko ng sabihin niya na Morgan ang pangalan ng babae na kausap niya, mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Itinuro ni Trem sa akin ang direksyon niya, agad akong tumayo para sundan ito.

"Wait! Morgan!" Sigaw ko. Luckily, narinig niya ako at huminto sila. May kasama siyang batang lalaki. Siya na ba ang anak ko, ang laki na pala niya kung ganon.

"No, Morgan wag kang lilingon." Bulong niya sa sarili niya at saktong lang sa pandinig ko.

Kinuha ko ang pagkakataon na yon para makalapit ako sa kanila. "H-hey!" Bakit bigla akong nautal? Tangina. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ang kanyang braso parang nakuryente ako sa naramdaman ko.

Humarap ka lang please. Gusto ko siyang yakapin pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin ito. Bigla akong na excite na ewan. Dapat wala akong nararamdaman na ganito para sa kanya.

"Honey, Let's go!" Narinig ko na sumigaw ang asawa ko kaya nabitawan ko si Morgan, lumingon ako kay Ann at nakita ko na kasama niya na si Trem.

"Morgan! Wait lang!" Sigaw ko pero hindi na siya tumigil sa paglalakad at mas lalo pang bumilis ang paglalakad niya.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nandun na, kaso pinakawalan ko pa. Alam kong si Morgan iyon ang natural na amoy at wavy ng buhok niya. Ang height at ang slim na pangangatawan niya, alam na alam ko na siya yon. Inaamin ko na mas lalo siyang sumeksi pero napansin ko na naging morena ang kulay niya ibang iba noong mga panahon na kasama ko pa siya.

"Travis!" Muling sigaw ni Ann kaya lumapit na agad ako sa kanila.

"Um. Let's go?" Pag-aya ko, wala ako sa mood para makipagtalo sa kanya ngayon.

Buti naman at wala na siyang ibang tinanong pa, knowing Ann she's a possessive bitch. Kung sino lang makita niya na kasama ko tanong na siya ng tanong. Salamat naman at naki ayon siya ngayon. Mabilis din kaming nakapunta sa parking area at naging okay naman ang biyahe namin pauwi. Buong biyahe namin kanina ay sila lang ang nasa isipan ko. Tangina kasi kung hindi lang ito sumigaw alam kong makikita ko na din sila.

Kung hindi tayo ngayon magkikita sisiguraduhin ko na susunod na magkita tayo ay hindi ko na kayo papakawalan pa.

This Chapter is now edited and updated scenes. 03/29/2019
Ngayon ko lang napansin na may nagtatanong pala sa inyo kung paano bigkasin ang pangalan ng mga bata. Si Tremendoux/Trem-end-ó/ Trevor /Tre-vó/

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now