Chapter 25

58.6K 781 30
                                    

Chapter 25 - University

Pagkatapos ng nangyari kanina ay agad akong nagpaalam kay Nay Donna para puntahan si Terrence sa university na pinagta-trabuhan niya. Hinabilinan naman ako ni Nay Donna.

"Sige na, Anak. Mag-iingat kayo at puntahan mo na lang si Tay Cardo mo diyan sa garahe at magpahatid ka sa kanya." Pag papaalala niya sa akin at tumango ako sa kanya atsaka nag paalam na.

"Bye nay, uwi na lang po kami mamaya." Sumakay na ako sa kotse at sinabihan si Tay Cardo na sa university kami pupunta. Di naman nagtagal ang biyahe namin.

Pagbaba ko ng sasakyan bumungad sa akin ang ilan estudyante. At marami din pala nag aaral dito. Maraming tumitingin at napapatingin sa gawi ko. Nakakailang ang titig ng mga estudyante na nakakasalubong ko.

Wala naman mali sa suot ko naka dress ako na may kulay black at cream color ito na bagay naman sa skin tone ko atsaka lang ako may hawak na pink wallet. Hindi ko din tinext si Terrence dahil gusto ko siyang supresahin. Sayang at wala ang anak ko hindi bale dadaanan na lang namin siya pag umuwi na kami.

Tinignan ko ang bawat classroom at hindi ko siya nakita. Sa huli ay tinanungan ko ang isang babae na mag-isang nakaupo. Mukha naman siyang mabait pero wala itong kasama.

"Hi." Umangat ang ulo nito ng marinig niya ako.

"Yes." Mahina ang boses niya sakto lang para marinig ko ang sagot niya.

"Pwede bang magtanong?" Syempre malay mo bigla nalang akong barahin nito at mapahiya pa ako. Tumango lang siya kaya pinagpatuloy ko na. "Alam mo ba kung saan ang room na 'to?" Pinakita ko ang message ni Terrence sa akin tungkol sa room number niya matagal na ito pero nagba-bakasali lang ako na nandon siya ngayon. Dati pa kasi ito, tinext niya sa akin 'to ng matanggap siya sa trabaho.

"Ahh. Si Sir. Terrence po pala hinahanap nyo. Opo alam ko po 'yan, hatid ko na lang po kayo. Kaso ang pagkakaalam ko po, may klase po siya ngayon." Isa siguro siya sa mga estudyante niya pero hindi ko maiwasan na tumaas ang aking kilay kaya nagsalita muli siya. "Estudyante niya po ako sa biology." yumuko lang ulit siya.

"It's okay. By the way, I'm his wife." Nanlaki ang mata nito. Pati ako ay nagulat sa naging sagot ko. Wtf morgan. You're being possessive.

"W-wife?" Nanginginig ang boses niya at ang reaksyon ay para bang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Uh. Yes." Pagkasagot ko ay hindi na muli siyang sumagot pa. Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa huminto kami sa room na sinasabe nga ni Terrence noon. Kumatok ito at pinagbuksan din agad siya.

"Hi." Nagpakita ako at nagulat sa akin si Terrence.

"You're here!" Gulat na turan ni Terrence. "Come here, Morgan." Pinapasok niya ako at hinapit ako sa bewang.

"Class, I want you to meet my wife. The love of my life." Hinalikan pa niya ako sa pisngi at narinig ko namang naghiyawan ang mga lalaki na estudyante niya at napa 'ahh' at 'sayang' naman ang ibang estudyante niyang babae. Napangiti ako ng lihim sa ginawa niya. Tumingin ulit ako sa pintuan pero wala na ang babaeng tumulong sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at muling humarap kay Terrence.

***
Chapter 26 soon.
Kinikilig ako. Hahaha. Anyways thankyou po sa pagbabasa ng story ko. Feel naman ni Morg na husband and wife talaga. Pahelp naman po gumawa ng cover na magkasama si francisco at barbara thanks. PM po ako. :)

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now