Chapter 38

60.3K 681 22
                                    

Chapter 38

TRAVIS POV

Nasa isang amusement park kaming buong mag-anak dahil nagyaya si Morgan na ipasyal namin ang mga bata. Simula din kasi ng makapunta si Trem dito kasama sina Trin ay hindi pa siya nakakalabas ng bahay kaya sumang-ayon na din na ipasyal sila ngayon. Ito din ang kauna-unahan na aalis bilang isang pamilya. Priceless ang nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na mang-yayari pa ang araw na ito. Sa kabila lahat ng nagawa ko, nagpapasalamat pa din ako sa lahat ng magandang nangyayari ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang Panginoon dahil dininig Nya lahat ng panalangin ko. Hindi ako relihiyosong tao noon, pero ng dumating si Morgan sa buhay ko ay naging isa ako sa kanila. I'm not lucky, I'm blessed.

I'm waiting and still hoping na hindi na matapos ito.

Hindi ko na hahayaan pa na magkahiwalay-hiwalay kami. Lalo na last Christmas binilita sa akin ni Trin na maganda ang proseso ng kaso namin. Alam ko na isang araw ay, ibabalita nito na wala ng bisa ang kasal namin Ann.

Dahil bago ako pumunta dito para mag bakasyon ay nagsampa na ako ng annulment case against Ann. Lalo't na full custody ang pinaglalaban ko. Naniniwala ako na ako ang papaboran ng korte dahil may stable income ako samantalang si Ann wala. Simula kasi ng maging mag-asawa kami, huminto na siya sa pagtatrabaho kaya alam kong wala siyang maipangtutustos sa anak ko. Hindi ko na kailangan problemahin pa 'to. Dahil si Trin na ang bahala.

Ang plano ko pag-umuwi na kami ng Manila ay agad ko silang ipakikilala sa magulang ko. Excited na kasi sila Mama at Papa na makilala si Trevor hanggang cellphone lang daw kasi nila siya nakikita. Kaya natutuwa ako dahil masaya sila. At mas lalong kating-kati na akong makauwi gustohin ko man pero ang gusto kasi ni Morgan ay pagkatapos na ng New Year dahil dito din kasi mag me-Media Noché ang mga kaibigan ko.

"Are you happy?" Tanong ko kay Morgan ng tumabi siya sa akin

"Ofcourse I am. We're a complete family." Nilalaro niya pa ang mga daliri niya, inabot ko naman ang mga ito and we entwined our hands. "Sana hindi na matapos ito . Pero... Sabi nila kalakip ng saya ay ang kalungkutan." Hinilig nya ang kaniyang ulo sa aking balikat at tumingala siya sa akin. "Sana kahit bumalik tayo sa Manila ay magkakasama parin tayo."

"Ayokong mangako because promises are meant to be broken. Syempre hindi na tayo magkakahiwalay." Hinawakan ko ang mukha niya at tinapat ito sa akin. "Papakasalan ulit kita, at this time totoo na. Kung papayagan mo ako." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko para bang prino-proseso muna niya ang sinabi ko. Nang ma-gets niya na ang sinabi ko ay sunod-sunod itong tumango "Is that a yes? I love you" I claimed her lips. Oh! Fu ck! I'm the happiest man alive. Dinaig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya ko.

"I love you too" She said between our kisses.

Pagkatapos ng family bonding namin ay nagyaya na rin si Morgan na umuwi na kami sa bahay dahil hapon na. Bawat ginagawa namin na activities ay kinukuhanan namin ng picture. Our first family picture to be exact. And I believe that no matter what happen on you, memories will last.

Masasabi ko na ito na ang pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko dahil kasama ko ang pamilya ko. Si Morgan naman ay todo ang pag picture sa mga bata, at gustong-gusto naman nila na mas pose tapos in-upload niya daw sa facebook niya.

Ang akin naman ay ipinost ko na sa snapchat ko habang vini-videohan ko sila kanina. Siyempre nilagay ko ng caption na "This made my day, meet my wifey and my two sons." Ito ang kauna-unahan ko na magpost sa snapchat account ko.

I also have SNS accounts pero private ang mga 'yon. Hindi ko nga friend si Morgan sa mga account ko eh. Napangisi naman ako sa naisip ko. Gagawa at gagawa ako ng paraan para hindi ako ma-trap sa "friendzone" na 'yan. May anak na nga kami lahat-lahat hindi parin kami friends. Hindi kasi kami bagay na hanggang friends lang.

Lastly, we're a thing kasi. Kahit pinaglayo kami ng panahon pinagtagpo naman kami ng pagkakataon. I know, i know it sounds gay, but I believe in destiny na kung para sayo talaga babalik at babalik yan. Matuto kang i let go ang mga bagay na hindi naman talaga nakalaan para sa'yo. Well, Morgan is my other half. Pag pinagsama kami, syempre magiging isa kami.

Nang maka-uwi kami tinanong ko agad sa mayordoma nila Terrence kung nakita nyang bumaba ito simula kanina. Ang bukod tanging sinabi naman niya sa akin ay "Hindi pa hijo. Hindi pa nga din siya kumakain ng tanghalian niya. Nag aalala na nga ako sa batang 'yon." Tumango ako at umalis.

Simula kasi ng ibigay ni Morgan sa kaniya ang photobook na 'yon ay hindi ko na siya napapansin na lumabas ng kwarto niya. Terrence is like a younger brother to me. I saw how much he suffered when he knows that Tyra was gone. We'll it's not my story to tell kung ano at paano sila napunta sa gano'n na sitwasyon.

Tumingin ako kay Morgan na abala naman sa pag-aasikaso sa dalawang bata. Balak kong kausapin si Terrence 'boys talk'.

"Wifey, lalabas lang po ako ah? Pupuntahan ko si Terrence baka nagpakamatay na iyon sa lungkot na nararamdaman niya. " Nag okay sign naman siya.

Kaya lumabas agad ako at pinuntahan ang kwarto niya kumatok muna ako bago pinihit ang door knob. Nagtaka naman ako dahil hindi naka lock ang kwarto niya, nakakapanibago. Nang buksan ko 'to nakita ko siya na naka-upo at naka yuko sa isang sulok. Tinabihan ko naman siya.

"Care to share? Sabi ni manang hindi ka pa daw kumakain. Kain kana alam mo naman na hindi kami sanay na ganyan ka." Umiling lang ito at nanatili na nakayuko. Humingi ako ng malalim bago nagsalita ulit. "The last time na nakita kita na ganyan nung kay Tyra." Humarap na ito sa akin this time. Dang! I knew it! Tama ang hinala ko dahil tungkol na naman pala kay Tyra kung bakit siya ganito.

"Sa tingin mo may posibilidad kaya na buhay siya?" Tanong niya sa akin. Naka high ba 'to.

"What?" Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya.

"Nevermind. Kalimutan mo na lang ang tanong ko." Bigla na lang siyang tumayo. I was like okay?

"Don't tell me na hindi talaga siya--" Napaisip kami pareho. Hindi naman siguro gagawa si Tyra ng bagay na alam nyang ikasisira ng lahat.

"I don't know." Nilapag niya sa coffee table niya ang hawak niya na photobook. "Sige na labas ka na. Maliligo pa ako."

" Kung nakalaan talaga siya para sa'yo Terrence babalik at babalik siya. Kung hindi man siya bumalik kailangan mo ng kalimutan. You deserves to be happy. Mamuhay ka sa hinaharap mo. Tyra is part of your past. Hindi ko sinasabi na kalimutan mo siya totally because I know na suya parin ang tinitibok niyan. Magsalita ka man o hindi alam ko. Brother instinct. Set a place in your na lugar ni Tyra pero wag mong hayaan na I-occupy niya lahat 'yon baka masaktan ka lalo."

Lumabas na ako sa kwarto niya at muling bumalik sa kwarto namin. Nakita ko naman na busy si Morgan sa cellphone niya kaya kinuha ko na rin ang pagkakataon na 'to para I-add ko siya . Humarap naman siya sa akin marahil ay nakita niya ang request ko, in-accept niya agad friendrequest ko.

"Ngayon mo lang ako in-add. How dare you!" Napabugha pa siya hangin at namumula ang buong mukha niya. Palihim naman akong natatawa sa itsura niya. "Famous ka pa sa akin at hindi mo man lang ako in-inform na may facebook ka pala! Kinuha mo na nga ang virginity ko,binuntis muna ako at may anak na nga tayo hindi mo man lang sinabi na wifey,may facebook ako--" Naputol ang pagsasalita niya ng humagalpak na ako sa tawa . "Aba! Anong tinatawa mo dyan?! Sa baba ka matutulog wag kang tatabi sa akin." Binato niya pa sa akin ang unan at humiga siya patalikod sa akin.

"Nagbibiro lang naman ako, Wifey." Nilapitan ko siya at yinakap patalikod.

"Travis Ruiz Montefalco, wag mo akong idaan sa haplos haplos mo na yan. Dahil napapaso ako. Pwede ba?! " She's really honest, kaya mas siniksik ko lalo ang sarili ko sa kaniya.

"I'm sorry. Is it too late now to say sorry?" Inamoy ko pa ang batok niya.

"Isa! Ano ba! Nagpapa bebe nga ako pero anong ginagawa mo d'yan. Nang a-ano ka eh" Humarap na din siya sa akin at ngumuso siya and I kissed her.

"I love you." Bulong ko pagkatapos ko siyang hanalikan at yinakap ko siya."Goodnight"

"I love you too. Goodnight" Yinakap din ako niya ako ng mahigpit.

"Thankyou Lord. I'm so happy today."

Nauna siyang nakatulog sa akin kaya pinakinggan ko ang paghilik nito. At nakatulog kami pareho na gano'n ang pwesto.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now