Chapter 49

36.1K 484 67
                                    

NOTE: THIS CHAPTER IS EDITED. MAY MGA SCENES NA DAGDAG AT NABAWAS ANG PANGALAN SA NAUNANG NA-IPOST KO NOON AY NANDITO PA DIN. KUNG PERFECTIONIST KA PO AY HANGGAT MAARI PO AY SASABIHAN KO NA KAYO NA MAY TYPO AKO SA MGA NAUNANG CHAPTERS NA NA-IPOST KO. PASENSYA. THANK YOU. GOD BLESS.

CLUE #1

Chapter 49

T R A V I S POV

"A-akin ang batang 'yon." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Positive. Anak ko nga ang batang sinasabi ni Ann.

Kahit na positive ang nakalagay dito, hindi ko pa rin maramdaman ang lukso ng dugo sa batang 'yon. Iba ang naramdaman ko dati kay Trevor 'yon ang tinatawag nila na lukso ng dugo. Dahil simula nung araw na nakita ko siya, nakaramdam ako ng pangungulila at hindi ko ma explain kung bakit hindi ko na siya maalis sa isipan ko noon.

"Yes. Sa'yo nga, bakit parang hindi ka makapaniwala? Naka buntis ka ba ng iba bukod kay Ann?" Bakas sa tono ng boses ni Xander ang pagkalito. Sino nga ba naman ang hindi malilito sa reaksyon ko.

"Wala." Matipid na sagot ko.

"Ah. Mauna na ako mag ra-rounds pa ako. Tsaka alam mo na." Naka ngising sagot niya.

Napailing na lang ako sa kanya at tumango. "Maawa ka sa sarili mo, may anak na 'yon."

"Ay sus. Pare, alam ko naman na gwapo ako sa inyo pero wag mo naman ipahalata na may gusto ka sa akin." Tinapik-tapik niya pa ang balikat ko.

"Don't me."

"Shut up na lang ako." Humalakhak siya tsaka lumabas.

Nag stay muna ako ng ilan minuto at lumabas na din. Pupunta muna siguro ako sa bar. At i-inom ng konti pagkatapos at uuwi na din ako. Sobrang daming nangyari ngayon araw na ito.

Pag punta ko sa bar. Ingay, usok ang sumalubong sa akin. Umupo ako sa harap ng bar counter.

"One Martini." Order ko ng makalapit sa akin ang bartender.

"Sir, ngayon lang kayo ulit napadaan at hindi niyo pa kasama ang mga kaibigan niyo." He said. At ibinigay sa akin ang order ko. Madalas kaming mag-ka kaibigan dito. Dito, na din ang tambayan namin.

"Wala sila." Tugon ko.

"Problema sa Misis niyo, Sir?" Hindi ako kumibo sa tanong niya. "Sir, wag mong mamasamain ang sasabihin ko. Ang mga babae pagnag-asawa na po kasi sila. Gusto nila, sila lang ang laman niyan. Ayaw nila ng may kahati. Kahit sino naman po siguro ayaw maramdaman na may kahati sila sa atensyon at pagmamahal. Kung talagang mahal mo siya, kahit gaano siya kasama matatanggap mo pa din siya. Kahit gaano pa kasakit ang nagawa niya, mapapatawad mo pa din siya. Nagmahal ka lang at patuloy ka pa din nagmamahal."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Para siyang babae kung mag-isip.

Tinignan ko siya at tinanong. "Bakla ka ba?"

"Si Sir naman. Hindi po, kasi yan lagi ang naririnig ko sa Tatay ko kapag naba-busted ako o kaya kapag hindi kami magka-intindihan ng girlfriend ko na misis ko ngayon." Pagpapaliwanag niya. "Normal lang na ma-offend ka sinabi nila. Kasi sa ganon way lang nila napapakita na ayaw ka nilang mapunta sa iba. Magulat ka kapag hindi ka na niya dinadakan. Baka sakali na may iba na yon."

Tumayo ako at nagbayad sa kanya. Binigyan ko pa siya ng tip at nagpasalamat.

Lumabas ako ng bar at kinuha ang sasakyan ko sa parking area. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon -- ang umuwi at makasama si Morgan at ang mga anak namin.

Pag uwi ko sa bahay nakita ko na nakabukas pa ang ilaw ng kwarto ni Ann. Sinilip ko ito at nakita ko ang bata na natutulog na at walang kasama. Hindi ko na sinarado ang pintuan para kung umiyak man siya ay mari-rinig ko. Ang sunod kong pinuntahan ay ang kwarto nila Trem at Trevor. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. Tulog na din sila. Tinignan sila ng mabuti at napangiti ako dahil magkayakap silang natutulog. Hindi na din ako nagtagal.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now