C H A P T E R - T W E L V E

65.7K 942 39
                                    

CHAPTER 12 -
Am I right

Hindi na lang pinansin ni Travis ang pangalan na binigay ng mga kaibigan niya at pilit din niyang kinukumbinsi ang sarili niya na mag-kaibang tao siguro sila. Hindi lang naman siya ang may pangalan na Morgan sa Pilipinas. Pinagpatuloy na lang din ng magka-kaibigan ang pag-iinuman at ang asaran nila.

"Pare, mag-usap nga tayo lalaki sa lalaki. Minahal mo ba si Morgan? Kahit konting katiting lang?" Tanong sa kanya ni Tyron, silang dalawa na lang din ang naiwang magkasama.

Ang na-unang umalis sa kanilang apat ay si Trin dahil nag text na ang kanyang nobya niya na kailangan na daw niyang umuwi sa bahay. Habang si Troy naman ay kaka-alis lang din nito ang dahilan naman niya ay may klase pa siya para bukas.

"Hindi ko siya minahal kahit kailan." Diretsong sagot ni Travis sabay higop ng alak sa kanyang kopita, napangiwi na lang din siya mapaklang lasa ng alak.

"Iyon naman pala, bakit mo pa siya hinahanap? Kung hindi mo naman pala siya minahal kahit minsan." Balik na tanong sa kanya ni Tyron.

"Ang anak ko ang gusto kong makita hindi siya. Kahit kailan ay hindi ako naging interesado kay Morgan, I already have Ann." Napailing na lang si Tyron sa kanyang sagot.

"Kahit na iniwan ka ni Ann noon at pinagpalit ka niya para sa pangarap niya? Pare, ganon mo ba siya kamahal na handa mong iwanan ang mag-ina mo sana para sa babaeng nang-iwan sayo?" Naka-ngising tanong sa kanya ni Tyron. Konti na lang mababasag na ang basong hawak niya at kung mas hi-higpitan niya pa lalo ang pagka-kahawak ay mawawasak niya na ito ng tuluyan.

"Iniwan niya ako dahil sa kanila. Tyron, alam mo kung gaano ko kamahal si Ann! Handa kong iwan ang lahat para sa kanya." Sagot nito saka bumaling sa ibang direksyon.

"Ikaw handa mong iwan ang lahat para sa kanya, pero siya anong ginawa niya sayo? Sinira ka niya, Travis. Iniwan ka niyang wasak, tapos bumalik siya na para bang walang nangyari. Si Morgan ang muling bumuo sayo pero anong ginawa mo, winasak mo siya." Tama siya, aminin man o hindi ni Travis alam niyang tama ang lahat ng sinasabi ng kanyang kaibigan. He chuckled again. "How much do you love Ann?"

"Alam niyong lahat na first love ko si Ann, at malaki ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. Binigay ko lahat ng meron ako, Tyron."

"Pero, mas pinili niya na iwan at saktan ka."

"Tigilan na lang natin ito dahil wala namang patutunguhan ang usapan natin na ito."

"Bakit, Travis? Ayaw mo na bang marinig na kami at si Morgan ang karamay mo ng mga panahon na halos mawalan ka ng kumpiyansa sa sarili mo. Morgan, deserves to be happy and fortunate you're not that person. Itigil na natin ang imbestigasyon na gusto mo, hayaan mo na sila." Sagot ni Tyron at tumayo sa kanyang upuan niya.

"Hindi ko naman talaga siya mahal. Ang habol ko lang sa kanya ay ang anak ko." Napahinto sa paglalakad si Tyron dahil sa naging sagot niya.

"Anak? Pinalayas mo siya na parang basura, tapos gaganyan ka? Tama nga si Terrence gago ka pala talaga." Umiling lang siya saka nag salita ulit. "Travis, you're just in love with the idea that you still love Ann but the truth is, it was never been her." Pagkasabi niya ng mga katagang yon ay umalis na agad si Tyron. Naguluhang naiwan si Travis sa loob ng bar.

This Chapter is now edited and more updated scenes. 03/29/2019

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon