Chapter 31

60.3K 748 25
                                    

Chapter 31- Change is good

Maaga akong nagising ngayon umaga. May naramdaman ako na kakaiba kagabi na pilit kong sinasabi na panaginip lang ito, pero pakiramdam ko ay totoo 'yon.

Napaginipan ko Travis na hinalikan ako nito sa noo at sinabi na "goodnight wife." Kung may makakaalam lang na kakilala ko at naging saksi sa pinagdaanan ko kay Travis sasabihin na "Ang tanga mo pati ba naman sa panaginip nagi-ilusyon ka na tatawagin ka na wife ng Travis na 'yon? Poor Morgan, you're hopeless. " may parte na gusto kong maniwala na totoo yon, pero alam ko sarili ko na hindi yon totoo.

Kahit na maaga akong nagising hindi ko parin nadatnan ang anak ko. Siguro'y maaga nanaman siyang ginising ni Nay Donna. Four weeks na rin kaming nakatira dito simula ng umalis kami sa manila. Gusto kong sabihin kay Terrence na I want to live her for good. Pero naisip ko na napaka ipokrita ko naman kung gagawin ko iyon ako na nga ang pinatira ako pa ang may balak na tumira ng mas matagal dito. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang ID caller

Trin's Calling

"Good Morning, Trin." Mabilis kong sinagot ang tawag nya at binati sya.

"Good Morning din, Morg. How are you? Okay ba ang pagtira niyo d'yan?" Sasabihin ko ba sa kanya hindi okay at nandito si Travis. Nagtatagis ang isipan ko na sasabihin ba ito pero sa huli ay sinabi ko na din. Kailangan niyang malaman ang totoo.

"Four weeks ago, maayos naman pero kagabi bangungot." bumuntong hininga muna ako bagao nagsalita ulit. "Nandito na siya. Travis is here, ang ama ng anak ko." Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

"Morg, sa tingin ko oras na din 'to para harapin mo ang realidad na kahit anong mangyari si Travis pa din ang ama ng anak mo. Ito na din ang pagkakataon mo para makausap mo siya ng maayos. Alam kong malakas ka. Wag mong hayaan na kontrolin ka ng emosyon mo." Handa na ba akong harapin ito.

"Hindi ko naman balak na itago ang anak ko o kahit ang sarili ko sa kanya. Alam ko naman darating ang araw na makikita nya kami at malalaman nya ang totoo." Hindi ko inaasahan na kahapon pala ang araw na kinakatakutan ko na mangyari.

"Maging matapang ka, okay? Sabihin mo kay Trevor namimiss ko na siya. Take care pupunta din kami d'yan. I know everything will be okay." Gusto kong ma settle ng maayos 'to without their help.

"No need Trin, I can do it. Kailangan kong tumayo sa sarili kong paa. At ipakita sa kanila na hindi na ako ang Morgan na inapi nila." Its show time.

"Always remember God is good." Indeed He is.

"All the time." I smiled

"Good. I need to go may kailangan pa akong gawin. Goodbye." Alam kong busy siya kaya nagpaalam na din ako.

"Sige. Goodbye din." At pinatay ko na din ang tawag.

Nag ayos ako ng sarili. Kailangan kong ipakita na malakas ako at hindi na ako ang mahinang Morgan na nakilala niya. Nag suot ako ng black na t-shirt at naglagay ng konting face powder. Hindi ko na kailangan mag lipstick dahil natural ang kulay ng mga labi ko. Lumabas ako ng kwarto at tumungo ako sa hagdan nahagip agad ng mga mata ko si Travis na prenteng naka upo. Kapal ng mukha.

"Good Morning." Tumayo ito sa kinauupuan nya at lumapit sa akin.

"Anong good sa morning kung makikita ko yang pagmumukha mo." Nilagpasan ko lang siya at tumuloy na sa kusina wala naman ang mga kasambahay marahil ay pumunta ang mga ito sa bayan.

"Hindi mo ba alam na blessing 'to? Kung ganitong mukha ang masisilayan mo." Sumunod pala ito sa likuran. Sa tagal ng panahon na hindi namin pag uusap ganito parin siya, hindi nagbago ang pagiging self-proclaimed niya na gwapo siya.

"What? May sinasabe ka ba kung meron paki lakasan mo hindi yung binubulong mo." Inirapan ko ito at ngumisi

"Feisty." Nakipagtitigan pa siya sa akin.

"Whatever." Tinalikuran ko na lang ito at kumuha ng makakain sa ref.

"You've change." Dahil sa'yo, so face it.

"Change is good." Iniwan ko na ito ng tuluyan ano bang pake nya. Kung ayaw nya malaya syang umalis.

Nag uumpisa pa lang ako travis. Wala pa ito sa kalingkingan ng ginawa niyo ni Ann.

***
Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now