Restart

63.5K 748 37
                                    

Naging mabilis ang biyahe namin. Hindi nga ako makatulog dahil iniisip ko ang nangyari mula kanina. Alam kong hindi pwede iyon. Hindi na ako nakatiis pa at kinausap ko na si Terrence.

"Terrence, matagal pa ba tayo? parang dulo na ng Pilipinas ang pupuntahan natin." Tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Pupunta tayo ng Albay. Lalayo muna tayo sa siyudad siguro naman hindi na nila tayo makikita dito agad." Bumaling naman ako sa kanya nakita kong nakaharap pala siya sa akin kaya sinita ko siya. Napaka!

"Terrence, eyes on the road!" Paano kung maaksidente kami sa pinang- gagawa niya.

"Kunghindikalangnapangasawani Travisliligawannakita." Bumulong ito pero hindi ko naman marinig.

"Ano?" Nakakunot noo akong humarap sa kanya.

"Wala. Para ng mga bingi bukas, sumama ka. Atsaka wag ka ngang magkunot noo ang pangit mo! HAHAHAHAHA." Inirapan ko lang siya kahit kailan talaga naku!

Hindi ko na lang pinansin ang pinang gagawa at pinag sasabi niya nang aalaska na naman kasi siya.. Itinuon ko na lang sa paligid ang paningin ko. Napapamangha ako ng mga tanawin na nakikita ko. Napaka ganda ng mga tanawin sa bawat lugar na dinadaanan namin.

Malayong-malayo ito kumpara sa Maynila. Malayo sa magulong mundo sa Maynila. Ibang iba ang makikita mo dito, marami kang makikita na green trees habang sa Maynila naman ang makikita mo mga nagtataasang gusali. Siguro sa Albay may fresh air pa samantalang sa City puro usok hindi lang basta usok kundi itim na usok ang nakapaligid sa iyo. Humarap naman ako sa anak ko at hanggang ngayon ay tulog parin ito.

Napaharap naman ulit ako kay Terrence dahil muli itong nagsalita.

"Let's start a new life here. You & I and of course with your son." Seryoso at matigas na pagkakasabi niya.

"How about your career? Isa kang Doctor Terrence! Iiwan mo ang pagiging doktor mo para sa amin? Hindi naman ata fair para sa'yo yon." Hindi pwede, ayokong pati ang kanyang pangarap ay masira dahil sa amin.

"It's okay. Makakapag turo naman ako dito. Remember, Pwede din akong magturo. Mag hahanap ako ng trabaho wag mo ng intindihin iyon. May pera ako para mabuhay ko kayo." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko habang patuloy parin siya pagmamaneho.

"Per---" Agad naman niyang pinutol ang sasabihin ko.

"No, buts." Humarap na siya ng tuluyan sa akin.

Nakangiti siya makikita mo ang pantay pantay niyang mapuputing ngipin para ito modelo ng isang toothpaste.

"Nanay? Nasaan tayo?" Sa pagkabigla ko ng magsalita ang anak ko mula sa likuran ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Terrence sa kamay ko.

"Malayo sa Maynila, Anak. Sa Albay tayo malapit na tayo." Sagot ko at nakita kong tumango tango lang siya sa sinabe ko.

"We're here na." Huminto kami sa isang malaking gate.

"Dito ba tayo titira?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oo, bahay ito ng lola ko ay dito ako lumaki." Bumaba na kami ng sasakyan.

Pumasok kami sa loob ng bahay at malaki talaga 'to. Malayo sa mga taong humahabol sa amin. Mas gusto kong tumira dito kesa mapunta kami kay Travis at lalong ayokong tumira sa Cebu baka makita nila ako. Tama si Terrence kailangan nga namin magsimula muli.

Forget
Reformat &
Restart

** Barbara Palvin as Morgan at the multimedia

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now