Chapter 33

58.1K 730 36
                                    

Chapter 33

MORGAN's POV

Today is another day. Maganda ang mood ko ngayon dahil walang Travis na manggu-gulo sa amin, umalis na daw kasi ito kaning umaga sabi ni Nay Donna. Nagpaalam lang daw ito sa kaniya at mukhang galing daw ito sa pag iyak. Nakonsensya naman ako sa kinuwento sa akin ni nanay.

Dahil namumula daw ang mga mata niya ng makita niyang lumabas ito sa kwarto ng anak ko. Ako na siguro ang pinaka masamang babae ngayon. Pinagkait ko ang pagkakataon na lumaki ang anak ko na makasama ang tunay niyang ama.

Pero anong magagawa ko? Kung nasasaktan parin ako sa katotohanan na mahal ko pa rin talaga si Travis at patuloy ko pa rin na hinihiling na sana mabuo kami, pero alam kong malabo ng mangyari iyon. Na sana ma-celebrate namin ang Birthday, Christmas, New Year at syempre ang Family day na ginagawa sa eskwelahan nila Trevor ng sama-sama.

Sa mga oras na 'to pakiramdam ko ako na ang pinakamasama at sakim na babae dahil pati ang damdamin ng anak ko'y nasasaktan ko. Para lang ma-protektahan ko ang sarili ko.

"Nanay." Tawag sa akin ng anak ko, wala itong pasok ngayon.

"Bakit po?" Lumapit ako sa anak ko at kinandong ito. Hinilig naman niya ang kanyang ulo sa aking dibdib.

"Totoo po ba?" Humarap ito sa akin. Malapit na itong umiyak base sa ekspresyon ng mukha niya, namumula na din kaniya mga mata.

"Ang alin?" Gusto kong malaman ang iniisip nito.

"Ang totoong tatay ko po ay iyong lalaking dumating dito? Yung kaibigan ni Daddy Doc. ? Yung nagpaligo po sa akin nung tulog kayo. Yung lalaking bumili ng tinda ko sa park. Yung.... lalaking nagbigay ng chocolate sa mall. Siya po ba?" Umiiyak na tanong niya sa aki. Hindi ako makapag salita dahil nasasaktan ako para sa anak ko. Patuloy parin siya sa pag iyak kaya yinakap ko siya ng mahigpit.

Huminga ako ng malalim at muli siyang tinitigan. "O-oo anak. I'm sorry, kung hindi agad sinabi ni Nanay." Yinakap ko siya ng mahigpit dahil gusto kong maramdaman nyang safe siya.

Hindi parin siya tumigil sa pag iyak hanggang sa pumasok nasi Terrence sa kwarto at agad kaming dinaluhan.

"What happen?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Alam niya na." Napagulgol ako lalo parang gusto ko ng sumuko sa mga oras na ito.

Kinuha niya ang anak ko mula sa akin. Bigla namang tumigil sa pag-iyak si Trevor ng may binulong ito.

"Tahan na, Okay? May pupuntahan lang ako." Tumango ako dito at hinalikan niya naman ang noo namin ng anak ko.

Terrence POV

Mabilis akong lumabas at kinuha ang cellphone. Alam ko na maagang umalis kanina si Travis. Hindi na nga ito nagpaalam sa akin pero nakita ko siya na nanggaling sa kwarto ng anak niya. Kahit ngayon lang, kailangan kong aminin na kahit na anong gawin ko. Hindi parin matutumbasan ang pakiramdam na buo kayo sa pamilya.

I want to make it right and be a man enough. Papunta ako ngayon sa Airport para sunduin si Travis 'The Great Fucker in town'.

Ilang araw na lang at Pasko na. Gusto kong maranasan din nila na mabuo sila sa espesyal na araw gaya ng Pasko. Pupunta din sina Trin dito, kasama nila si Tremendoux. Dahil dito kami mag ce-celebrate ng Christmas at New Year.

Nang makarating na ako sa Airport ang una kong ginawa ay pumasok sa local area pinakita ko pa ang passport ko at agad din nila akong pinapasok ako. Hinanap ko si Travis sa buong sulok pero hindi ko siya makita. Saan naman kaya nagtatago ang gago na iyon.

Nagtanong-tanong din ako kung may nakaalis na ba na flight pang Manila. Ang sabi wala pa naman daw. Napahinto ako sa pagla-lakad nang makita 'to sa isang sulok na umiiyak, nilapitan ko siya pero hindi niya ata napansin ang presensiya ko. Hawak niya ang cellphone niya at seryosong nakatingin lang sa picture nila Morgan at ni Trevor na natu-tulog. Marahil kuha itong picture na ito noong una niyang nakita sa Morgan sa bahay.

"Pare." Humarap naman siya sa akin at pilit na ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang tinatago niya ang kanyang cellphone.

"Akala ko bang pumunta ka dito para sa mag-ina mo?" Umupo na ako sa tabi niya at humarap naman siya sa akin.

"Ayaw naman ni Morgan. Hindi ko na dapat pinagsisik-sikan pa ang sarili ko sa kanila. Tama naman siya, e, niwan ko sila noon para kay Ann. Napaka laking kamalian ang ginawa ko sa mag-ina ko. Ang sama ko di ba?" Pagak itong tumawa. Alam kong biktima din siya ng nakaraan. Kaya naiintindihan ko siya.

"Ipaglaban mo. Mahal mo na ba? Dapat pala sayo pinagse-selos ng matindi at ilayo sila sayo para marealize mo ang halaga nila." Tinapik ko ang balikat nito at sinenyasan na sumama na sa akin.

"Salamat." Yinakap ako nito at lumabas sa airport.

"Wag ka munang magpasalamat dahil baka mag-bago ang desisyon. Atsaka pare pinagti-tinginan tayo. Baka akala nila may bakla sa ating dalawa." Sinuntok niya pa ang balikat ko.

Napailing na lang ako at sumakay na kami sa sasakyan ko. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kaming dalawa. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko.

We are the one who's creating our destiny, and this is my destiny. Ibinaba ko siya sa tapat ng bahay ko at sinabihan na puntahan na niya ang kaniyang mag-ina. Napangiti naman ako habang nag d-drive. I am not coward, I accepted the fact that Morgan is not for me.

I'll wait for my lady even waiting means forever.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now