C H A P T E R - F I V E

82.6K 1K 45
                                    

--

CHAPTER 5 -
Investigation

TRAVIS POV

Kinabukasan ay agad akong nakagising o mas magandang sabihin na hindi talaga ako nakatulog dahil sa sinabi sakin ni Nanay Mila kahapon.

Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari simula ng umalis sila sa bahay ko. Mabilis kong tinawagan kagabi ang kaibigan ko na private investigator para mapahanap agad kung saan nakatira ang mag-ina ko, hindi ko alam kung may karapatan nga ba ako na tawagin na mag-ina ko sila sa kabila ng ginawa ko kay Morgan.

"Hello, Pare." Tinawagan ko ang private investigator ko na si Tyron, Isa si Tyron sa mga pinaka-magaling na private investigator dito sa Pilipinas pero naawa ako sa kaibigan ko dahil sa kabila ng tagumpay niya sa larangan na kanyang pinasukan ay isang tao lang ang hindi niya mahanap-hanap. "Nahanap mo na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, pare. Walang nakalista na Morgan Montefalco sa mga hinanap ko. Tinignan ko din ang picture ng mga kapangalan niya at wala din kamukha si Morgan. Pati na yung mga pictures na binigay mo ni isa walang tumugma." Hindi maaring hindi mahanap nito si Morgan. Malinaw ang mga pictures na yon dahil ako mismo ang kumuha non.

"Pare, paanong wala? Montefalco ang gagamitin ni Morgan dahil alam niyang kasal kaming dalawa. Tsaka ako ang kumuha ng mga pictures na yon, paanong ni isa walang tumugma?" Inis na sagot ko dahil hindi niya mahanap si Morgan.

"Pare, palagay ko hindi na siguro ginamit ni Morgan ang Montefalco dahil alam niyang magagalit ka sa kanya. Bakit ba kasi napaka gago mong siraulo ka." Asik nito sa akin. "Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap."

"Oo alam kong gago ako. Ako na ang pinaka gago pero masisisi mo ba ako na mahal ko talaga si Ann para kalimutan ang lahat." Si Ann lang ang gusto kong makasama at wala ng iba, highschool pa lang kami ay mahal ko na siya.

"Gago! Hindi rason yan para iwanan mo ang mag-ina mo. MAG-INA MO yon! Sabagay kung ako si Morgan hindi ko na hahayaan na may komunikasyon pa ako sayo, pagkatapos ng ginawa mo." Tama nga siguro si Tyron baka nga iniba na ni Morgan ang apelyido niya.

"Hanapin mo na lang ang pinapahanap ko. As soon as possible gusto kong makuha ang resulta." Gusto kong mahanap sila sa mas lalong madaling panahon.

"Sige gago. You owe me for this." Magulang talaga ang isang to.

"Oo, Sige na." Tss umo-oo na lang ako sa kanya at nagpaalam na.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko simula ng makita ko ang batang iyon ay may naramdaman ako na kakaiba parang lukso ng dugo. Ayoko muna pumasok ngayon, ako naman ang CEO kaya ako ang masusunod. Nasa loob ako ng library ko ng biglang pumasok ang asawa ko.

"Hon, malapit na ang pasukan ni Trem hindi ba natin siya ibibili ng gamit? Sigurado ako na naiinip na ang bata." Kailangan kong ituon ang pansin ko sa iba para na din hindi mahalata ni Ann ang mga ginagawa ko.

"Sige." Ngumiti naman siya sa naging sagot ko.

"Thank you, Hon. I love you." Tumayo siya at biglang umupo sa harapan ko. Hinalikan niya ako sa labi at agad ko naman tinugon ang mga halik na ginagawad niya. Hinigpitan ko lalo ang pagka-kahawak ko sa baywang nya.

"Oohh." Umungol ito at agad ko naman pinasok ang dila ko para mapalalim lalo ang halikan namin.

"Hone-y, mamaya na yan. Mag ayos na tayo para makaalis agad tayo." Pinutol niya agad ang halikan namin.

"Fine. Sige na, sabihan mo na si Trem para makapag ayos na din kayo." Nakabihis na ako kanina pa at sila na lang ang kailangan mag-ayos.

"Okay." Mabilis itong tumayo at lumabas.

"Kahit anong mangyare itutuloy ko ang imbestigasyon." Usal ko.

ㅡ⚜ㅡ

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now