Chapter 24

60.6K 735 12
                                    

Chapter 24- Baby, Please don't

Ilang linggo na din ang nakakaraan simula ng lumipat kami dito. Adjustment? Hindi naman kami nahirapan dahil din siguro mababait ang kasama namin sa bahay. Si Terrence ay maagang umalis dahil maaga pa ang trabaho niya. Isa siyang doctor sa manila pero ng dumating kami dito ay nagturo na lang siya.

Hindi ko naman masabi na wag na dahil malaki ang utang na loob namin ng anak ko sa kanya. At si Trevor naman ay maaga din umalis dahil maaga siyang sinundo ni manong dahil maaga ang pasok ng mga estudyante dito at ako lang ang naiwan sa bahay.

Tumutulong naman ako sa paglilinis pero lagi naman akong sinisita ng Mayordoma na si Manang Donna. Ang sinabe niya pag nakikita niya akong tumutulong sa paglilinis

"Ay naku ere itong bata na ito! Bitawan mo na nga iyan. Ang mga katulong na ang bahala d'yan. Fiancé kayo ni Sir Terrence kaya kami na pong bahala d'yan."

Everyone thought na Fiancé niya ako at anak niya anak ko dahil narin sa pagpapakilala nito sa amin noong araw na pumunta kami dito tanda ko pa ang mga katagang binitiwan nito.

"Ya, Manong, I want you to meet my lovely future wife Morgan." Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong hinapit sa bewang." And this cute little boy is our son Trevor." Hindi naman ako maka-angal sa sinabe nito. Bagkus sinalubong kami ng mga ito ng tawa.

"Ang alaga ko binata na may sarili na rin pamilya." Humarap ito sa akin at ngumiti.

"Opo nay, may aalagaan kayo na bago." Nagtawanan lang ang mga ito.

Nasa terrace lang ako ngayon, dahil wala akong magawa. Mula sa kinatatayuam ko ay matatanaw mo ang buong lugar na nakapalibot dito. Ang kanilang rancho sa dika layuan. Siguro nga ay naging masaya ang childhood days niya dito.

Ina-amin ko naman sa sarili ko na hindi mahirap mahalin at pakitunguhan si Terrence kung sanang natuturuan lang ang puso siguro nga ay masaya na kami ngayon. Kaso mas matimbang parin ang kay Travis.

*ring ring*

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tumungo ako papunta sa kama dahil nakalagay don yon nakalagay.

Unknown Number Calling

Sino naman ito. Hindi ko na lang ito pinansin atsaka pumasok sa banyo. Paglabas ko ay tumutunog parin to at naka ten missed calls na ito. Akala ko prank call lang kaya hindi ko na pinansin. Inabot ko ang cellphone ko at sinagot ito.

"Hello" Panimula ko pero wala akong marinig sa kabilang linya na nagsasalita.

"Hey! Kung sino ka man na tumatawag sa akin wala akong panahon kung trip mo lang ito." Lintanya ko akmang ibaba ko na pero may narinig akong nagsalita sa kabilang linya.

"Baby, please don't." Nagulat ako at pinatay agad ang tawag. What the? Paano niya nalaman ang number ko. No, It's not him. I tried to convinced myself but...

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now