Chapter 27

60.6K 707 47
                                    

Chapter 27- Little Things

MORGAN'S POV

Hindi na ako nakatiis pa at binalingan ko na sya para magtanong.

"Who's that girl?" Panimula ko, pinilit kong maging mahinahon ang tinig ko pero sa tuwing naa-alala ko yung nangyari kanina naiinis ako. At hindi ko alam kung bakit nai-inis ako.

"Who?" sagot niya at diretcho padin siyang nakatingin sa daan.

"Yung tumulong sa akin kanina. Estudyante mo lang ba siya?" Oo, may utang na loob ako sa babae na 'yon, dahil sa pagtulong niya sa akin. May nararamdaman ako na iba. I know there is something between them and i just want to clarify it.

"Ahhh. She's one of my student and to be specific biology student." Paliwanag niya at humarap siya sa gawi ko at muling nagsalita. "Are you jealous, Wife?" Dini-inan pa nito ang salitang 'wife'. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin.

"I know that, because she told me earlier that she's one of your student. At sakanya din ako nagtanong kanina." Tumigil muna ako sandali sa pananalita at muling humarap sa kanya ng may maisip na ako na alibi. "Ako nagseselos? Tss. Ofcourse --- not!" Arrrrgh. Bakit ba ako nautal? Ngmukha tuloy ako defensive. Narinig ko pa siyang humalakhak sa naging sagot ko.

"Really?" He seems amused. Inirapan ko lang siya, kaya tumigil din ito ka-agad. Hindi na ulit ako nagsalita ba ka ano pang masabi ko.

Hinayaan ko na lang siyang mag drive hanggang sa makarating kami sa pinapasukan na eskwelahan ng anak ko. Do'n lang ulit siya nagsalita.

"We're here, let's go." Agad naman siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Sa dikalayuan natanaw ko agad ang anak ko. At nang makita niya kami ay agad niya kaming sinalubong.

"Nanay!" Niyakap niya agad ako atsaka humalik sa pisngi ko. Humarap naman 'to agad kay Terrence atsaka niya binati. "Hello po! Daddy doc!" Nakipag fist bump pa siya.

"Hello, kiddo." Pagkatapos ng kanilang fist bump ay ginulo niya ang buhok ng anak ko. "Let's go? " Nagyaya na siya.

"Saan po tayo pupunta Nanay?" Tanong nito habang hinihila ang laylayan ng damit ko. Yumuko naman ako para magkasing-tangkad na kami. Makikita mo agad ang pagka-kunot noo niya. Magkamukha-magkamukha nga talaga sila ni Travis.

"Mamasyal tayo. Diba simula ng lumipat tayo dito ay hindi pa tayo namamasyal?" Napalitan naman agad ng tuwa ang ekpresyon niya.

"Yehey! Tara na po." Tumalon pa ito at pumalakpak.

Pagkatapos ay sumakay naman agad kami ng sasakyan, habang na d-drive si Terrence ay nagku-kwento naman ang anak ko.

Kinuwento nito ang nangyari sa buong maghapon niya. Tumatawa naman kami sa kinukwento niya. Ang sinasabi kasi nito ay hindi daw niya maintindihan ang iba sa mga kaklase niya. Kaya minsan hindi na daw ito nakikipag usap pa.

Pumunta muna kami sa malapit na mall dahil gusto kong kumain. Nagyaya din naman si Trevor na pumunta kami sa Toy's Kingdom at binili naman siya ni Terrence ng RC Car binawalan ko nga siya na wag ng bumili dahil napaka mahal ng halaga nito. Biruin mo napakaliit lang nagkakahalaga it ng tatlong libo.

Sa huli natalo din ako dahil pinilit parin nito ang gusto niya. Pagkatapos namin pumunta sa Toy's Kingdom ay nagyaya naman si Terrence na pumunta kami sa Time Zone doon sila naglaro ng iba't - ibang laro.

Hindi pa nakuntento ang mga ito dahil niyaya pa nila akong kumanta. Wala naman akong magagawa kaya lumapit na ako at kumanta kasama si Terrence.

Ang kantang napili niya ay At The Beggining. Nauna itong kumunta, ngayon ko lang nalaman na marunong siyang kumanta. At napakalamig ng boses niya. Jusko. Sa mga taon na nakasama ko siya, ni minsan ay hindi ko siya narinig kumanta. Tumingin naman siya sa akin at sinenyasan na ako na ang kakanta.
Habang patuloy kaming kumakanta ay napapansin ko na dumarami ang mga taong nanunuod sa amin. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang komento nila.

"Hon, tignan mo sila ang sweet nila. Sana tayo rin pagnagka baby ganyan tayo." Sagot ng isang babae.

"Ang cute nung bata. Perfect family sila. Dali picturan natin." Sa pagkakataon na ito mga kabataan naman ang nagsalita.

"Sus! Walang forever." Hindi mo talaga maiiwasan na may nega na tao. Kung minsan ang sarap nilang itapon sa bermuda triangle ng hindi na sila makabalik pa.

"Oo nga." Sang-ayon naman ng isa. No one cares about your opion ate. Kanina ko pa silang gustong barahin.

"Kung walang forever na pinagsa-sabi nyo. Anong tawag nyo sa magulang nyo fling lang?" Pamilyar ang boses ng babae na sumagot sa kanila. Kaya agad akong napaharap. Hinanap ko ang boses kung saan iyon nanggaling pero hindi ko ito makita.

Natapos ang kanta at umalis din agad kami. Magka-hawak kamay kaming naglalakad habang karga ni Terrence ang anak ko. Kumain muna kami sa McDo. Masarap kasi ang fries dito at paborito namin iyon.

Ala sais na ng gabi ng nagpasya kaming umuwi. Walang traffic kaya agad din kami nakauwi sa bahay. Dito lang ata ang walang traffic.

Pag dating namin sa bahay. Pinasok agad ni Terrence si Trevor sa kwarto niya atsaka ko pinalitan ang damit nito sa PJ's. Papasok na ako ng kwarto ko ng bigla akong hatakin ni Terrence at yinakap niya pa ako ng napaka higpit.

"Thankyou for making me happy. I never thought ganito pala kasarap ang pakiramdam ng may anak. Kahit kailan hindi ko naranasan 'to, dahil nawala siya. Thank you for this little things. I love you. Goodnight." Hinalikan niya pa ako sa noo. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Is that true? He said 'iloveyou'

Pumasok na siya ng kwarto at naiwan akong nakatayo sa harap ng pintuan. Gosh! Ilang minuto lang at pumasok na rin ako sa kwarto ko. Napatili ako. I feel like I'm a teenager na pinansin ng crush niya.

***
Lucky Blue Smith as Terrence in Multimedia. 💕

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now