C H A P T E R - T H R E E

89.1K 1.1K 17
                                    

--

CHAPTER 3 -
PINKY SWEAR

MORGAN'S POV

"Nanay, sino po yung babae na kausap niyo kanina?" Tanong ng anak ko sakin, siguro ay nakita niya ako na kausap ko kanina si Nanay Mila.

"Uhm. Wala may tinatanong lang siya kanina." Pag si-sinungaling ko sorry, anak.

"Ganun po ba." Tinuloy niya na lang ang pag-inom niya ng softdrinks. Mas mabuting wala ka munang alam sa ngayon.

"Tara na? Pagluluto ka na ni Nanay para mapa-enroll na kita. Diba, promise ni Nanay na mag-aaral kana? Tara na." Lumuhod ako sa harapan niya at nakita ko ang pagkabigla niya.

"Talaga po?! Pero po, Nay, hindi po ba wala pa tayong pera okay lang po na sa susunod na lang po." Mabilis naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Sa totoo lang wala pa talaga akong naiipon na ganun ka dami pero sapat naman ang naitabi ko para sa kinabukasan ng anak ko.

"Akala ko bang gusto mong maging Doctor para matulungan mo si Nanay paglaki mo?" Gusto kasi niyang matulad sa lalaking tumutulong sa amin.

"Nay! Gusto ko nga po pero ayokong nahihirapan kayo, kaya nga po tinutulungan ko kayo diba? Kasi big boy na po ako." Matalino ang anak ko gaya ng ama niya na matalino din pero hindi ko hahayaan na lumaki siyang maging katulad ni Travis .

"Mag e-enroll ka na at uuwi na tayo para makakain na tayo. Okay? Tara na." Tumayo na ako kinarga ko siya sakto lang naman ang timbang niya para sa edad niya.

"Nanay, pag nakita ko si Tatay hindi ako sasama sa kanya. Mahal po kasi kita kahit mahirap lang tayo. Sabi nga ni Daddy Doc wag na wag kitang iiwan kasi ma swerte po ako na may Nanay ako na maganda na at mabait pa. Kaya promise ko na hindi talaga kita iiwan. Nanay, Pinky swear tayo dali!" Naiyak ako sa sinabe ng anak ako, kahit sa murang edad niya ay alam niya na lahat ng nangyayari sa paligid niya.

"Talaga? Promise yan? Pinky swear." Inabot ko agad ang maliliit na daliri niya, karga-karga ko parin siya kaya nakita ko na naiiyak din siya.

"Nanay, wag ka na pong iiyak pa-pangit ka po niyan." Natawa naman ako sinabi niya.

"Maganda na ba ulit si Nanay?" Pinunasan ko agad ang aking luha.

"Ayan po! Opo, Nanay. Maganda kana po ulit. Joke lang po yung kanina. Syempre kayo po ang pinaka magandang Nanay sa buong mundo." Ang anak ko talaga kahit kailan.

"Nay, nandyan na tayo baba niyo na po ako." Nandito na kami sa harap ng bahay namin.

"Pasok kana dali." Binitawan ko siya at agad naman itong tumakbo papasok.

"M-morgan?"

-⚜-

Barbara Palvin as Morgan at Multimedia03/29/2019
This chapter is now edited and updated scenes. Thank you!

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon