Chapter 29

56.1K 712 31
                                    

Chapter 29 - Who's that pokemon

Morgan's POV

Mabilis na natapos ang maghapon ko. Dahil tumulong ako sa mga gawain bahay, kahit na pinagbabawalan nila ako. Wala naman akong maisip na magandang gawin. Hindi rin nagt-text sa akin si Terrence hindi ko alam kung tumuloy na ba siya sa sinasabe niyang school outing nila.

Hindi ko din naman siya ma-text dahil wala akong dahilan para gawin 'yon atsaka baka maistorbo ko pa sila ng dahil sa akin. Kaninang umaga nag-message naman ako kay Trin para itanong kung siya ba ang tumawag kahapon at kinonpirma niya na tumawag nga siya pero hindi para sabihin na mag babakasyon siya kundi para sa negosyo nila. Hanggang ngayon pala isipan parin sa akon kung sino ang pupunta dito.

Kasalukuyan akong naka upo sa hardin ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Trevor.

"Nay! Nandito na po ako." Masaya siyang lumapit sa akin. Nagmano siya atsaka hinalikan ang pisngi ko.

"What's on that face young boy?" Tanong ko sa kanya atsaka inupo sa tabi sa tabi ko.

"Kaklase ko po pala ang anak na lalaki ni Aling Martha, Nanay. Kanina ako po ang lumapit sa kanya school, kaya daw po pala hindi niya ako nilalapitan ay nahihiya daw po siya." Kwento niya sa akin. Naiintindihan ko ang anak ko dahil bilang ina ay ramdam ko kung gaano kahirap ang mag-isa.

"Mag kaibigan na ba kayo?" Tumingin ako sa kanya at umiling naman siya.

"Hindi ko po alam, pero niyaya niya po ako na maglaro kami sa kanila." Mabuti naman dahil kahit papaano may makakasama na ang anak ko.

"Mabuti naman, kailang daw kayo maglalaro?" Tinayo ko 'to at hinawakan ang isang kamay niya.

"Bukas po." Tumango na lang ako, habang naglalakad kami ay nag ku-kwento siya kung ano ang nangyari sa buong maghapon niya. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi 'to nahihirapan.

Pagkatapos kong paliguan at bihisan ang anak ko. Tinawag na din kami ni Nanay Donna para makapag hapunan. Niyaya ko silang sumabay sa akinn, nung una ay nag aalinlangan pa sila pero sa huli ay napilit ko din sila. Naging masaya ang at maingay ang hapagkainin dahil sa pagku-kwentuhan namin. Bandang alas ocho na namin napagpasyahan na umakyat ng anak ko at matulog sa taas.

"Goodnight, Nay." Turan niya habang humihikab halatang inaantok na siya.

"Goodnight din." Hinalikan ko ang noo niya atsaka kinumutan siya bago ako lumabas ng kwarto.

Kinaumagahan, magtatanghali na ng napagpasyahan kong bumaba at dahil sabado din naman. Wala naman akong masyadong gagawin.

"Nay. Umuwi po ba si Terrence? Si Trevor po nasaan po?" Tanong ko habang pababa ako ng hagdan.

"Hindi pa, Hija. Umalis na ang anak niyo kanina pa. Nga pala nandito na ang kaibigan ni Terrence." Sagot naman ni Nanay Donna.

"Okay po. Saan po siya Nanay?" Sino naman kaya sa apat na kaibigan niya ang nandito.

"Sige. Halika na Hijo." Sinenyasan niya ito na lumapit atsaka pumasok. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko kung sino ang tinutukoy ni Nanay Donna. At mabilis din na umalis si Nanay sa harapan ko.

"Ika--w?" Halos manghina ang tuhod ko ng mga oras na iyon at walang boses na gustong lumabas sa akin.

"It's me." Nag smirk pa siya matagal. Paano niyang nalaman na nandito kami. "Hindi mo man lang ba I we-welcome ang dati mong asawa?" Lumapit siya sa akin.

"W-welcom-e." Umatras ako dahil ayokong mapalapit sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bagay na tumama sa akin likuran ko.

"Paano ba yan wala ka ng kawala pa." Bulong niya sa aking tenga. Mas nagulat sa sunod niyang ginawa dahil hinalikan ako niya bigla sa aking labi na ikina-estatwa ko.

Hindi ako makapaniwala na nandito sa aking harapan ang lalaking matagal ko ng tinataguan.

Travis Montefalco is here. B-U-R-N !!!

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now