Chapter 44

40.4K 538 56
                                    

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

Chapter 44

"Trevor, tignan mo si Nanay at Tatay. Dalian mo! Nilalamon ni Tatay yung lips ni Nanay." Komento ni Tremendous pati ba naman dito sinusundan ako. Alam kong guni-guni ko lang yung narinig ko kaya hindi ko na lang pinansin.

"Hala! Oo nga! Tara lapitan natin. Baka hindi makahinga si Nanay." Tugon naman ni Trevor.

Hanggang sa may naramdaman ako na humihila ng laylayan ng damit ko. Noong una hindi ko nalang pinansin. Patuloy lang kami ni Travis sa paghahalikan. Moment namin to ano ba! Don't us!

Sa sobrang pagka irita ko. I stop the kiss. Humarap ako at nakita ko ang mga anak ko na parang nagtataka sa nakita nila. Namula bigla ang pisngi ko, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Humalakhak naman si Travis na lalong kinapula ng pisngi ko. Jusq!

Ang kaninang akala kong guni-guni lang ay totoo pala! Napahilamos ako ng mukha. Gosh, Anong nagawa ko?!

"Kiddos kanina pa kayo diyan? Sino kasama niyo pumunta dito?" Nakita ko sa peripheral vision ko na lumuhod siya sa mga bata.

"Ang sabi po kasi ni Tito Trin nandito daw po kayo. Ang sabi niya kay Tito Troy wag kaming dadaldalhin dito sa Namsan Tower. Eh sa gutom na po kami kaya pinilit namin siya. Ah! Pati po pala si Tito Tyron sabi niya gagawa daw po kayo ng little sister namin! Yehey!" Sabay pa silang nag papaliwanag at sa inosenteng tono pa. What the? Kung ano-anong tinuturo ng Tyron na iyon sa mga anak ko.

Palibhasa siya walang ginawa kung di magpalit palit ng babae! Parang pagpapalit lang brief ang ginagawa niya.

Tumingin ako kay Travis umiling lang ito. Isa lang ibig sabihin nito, alam na nila itong gagawin niya. Ughhhhh!

"Alam niyo mga anak. Wag kayo masyadong didikit diyan sa Tito Tyron niyo. Kung ano-ano tinuturo niya." Pangangaral ko sa mga anak ko.

"Kiddos tignan niyo nagalit tuloy sa inyo si Mommy. Diba gusto niyo ng little sister? Don't disturb us next time.Okay?" Tumango naman sila sa sinabi ng Tatay nila. Isa pa 'to eh.

Sinapok ko si Travis. Kung ano-ano ang pinag sasabi din nito sa mga bata.
"Let's go home na?" I said

Naglakad na kaming magkakahawak ang mga kamay. Sa dikalayuan natanaw ko ang kotse ni Travis.

Sa anim na buwan na nanirahan kami dito naka bili na kami ng kotse. Mahirap kasi ang commute ka araw-araw lalo't na dayuhan ka lang sa paningin nila.

"Dala mo ang kotse mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Pinadala ko lang kay Troy yan. Nag commute na siguro yun pauwi." He said, tumango na lang ako sa kanya.

"Ikaw kahit kailan lagi mo na lang inuutusan yung tao. Pasalamat ka mabait si Troy." Ngumiti lang siya akin at pinagbuksan ako ng pintuan.

Sumakay na kaming mag-anak. Nasa shut gun seat ako ngayon at ang mga bata nasa back seat sila. Nakikinig lang ako sa kanila habang masaya silang nagkukwentuhan, napangiti naman ako dahil hindi iba ang turing nila sa isa't-isa.

Napatingin naman ako sa daan at napaka daming taong naglalakad sa kalsada.

Gabi na din kasi ang mga iba nakita ko ay galing sa trabaho at ang iba naman naka school uniform pa.

Speaking of school uniform may mga university kasi dito na hindi na kailangan ng uniform, at ang mga nagsu-suot lang ng school uniform ay ang mga nag-aaral sa mga private schools. 'Yon ang pagkaka-alam ko.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin. Kaya ng makarating kami sa bahay ay hindi ko muna pinababa ang mga bata. May nakita kasi ako na nakatayo at nakatalikod ito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon. Gusto kong kumpirmahin ang hinala ko.

Kaya hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Travis ng pintuan. Agad akong bumaba sa sasakyan. Habang papalapit ako sa taong nakatalikod ay lalong lumalakas ang pintig ng puso ko.

"S-sino sila?" Pagtatanong ko. Humarap naman agad ito.

Bakit siya nandito? Paano niya kami nakita? Bakit kung kailan maayos na ang lahat saka siya dumating. Babawiin niya ba lahat? 'Yan ang mga tanong sa isipan ko ng makita ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Walang iba kundi ang babaeng mas makati pa sa higad.

"Morgan, Where's my son and my husband?" She said in a serious tone.

"Pardon me Ann?" Pangsa-sarkastiko ko.

Tumaas naman ang kilay niya dahil sa naging sagot ko. Bakit siya lang ba ang may karapatan na mag maldita sa amin? Hell no!

"Nasaan sabi ang mag ama ko?!" Nang lilisik ang mga mata nito ngayon. Kung inaakala niya na matatakot niya ako, aba mag isip-isip siya.

"Mag ama ko na sila ngayon. Wala ka ng karapatan dahil hiwalay na kayo ni Travis. Baka gusto mong ipa-alala ko sa iyo na annulled na kayo?" Banayad ang tono ng pananalita ko sa kanya pero may diin ang "annulled" habang sinasabi ko. Ayokong sabayan pa siya sa init ng ulo niya.

Bumaba ang tingin nito sa kamay ko.

"Engaged na kayo kailan pa?" Naka focus parin ang tingin niya sa sing-sing na nasa kamay ko.

"Kanina lang bago kami umuwi na mag-anak. Ang saya na saya kaso bigla kang um-eksena." Sinabi ko na buong tapang sa kanya habang naka ngiti.

Tumingin ako sa gawi nila Travis at papunta na sila sa gawi ko.

"Kailangan kong maka-usap si Travis para sa mga anak namin." Mga anak? Naka drugs ba itong babaeng ito.

"Too damn late. Ako na ang magiging ina ni Trem. Akin lang si--" Naputol ang pananalita ko ng sampalin niya ako.

"Wala kang alam Morgan! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinag daanan ko. I was three months pregnant ng naka process ang annulment namin ni Travis. Hindi ko agad nalaman na buntis ako. At nang malaman ko na huli na pala ang lahat" Pag papaliwang nito.

Parang bombang sumabog ang lahat ng sinabi niya. Hindi ako makapag salita. Three months at isang buwan kaming nasa albay noon. Ngayon naman ay anim na buwan na kami sa Seoul. Ang ibig sabihin nito nakapanganak na siya. Pero bakit parang hindi siya mukhang nanganak. Gano'n pa rin ang pangangatawan niya. Parang kailan lang din nung sinabi niya na buntis na naman siya at ngayon buntis na naman siya. Ano bang sinisingot nito at mukhang malakas ang tama niya.

"A-anong sabi mo Ann?" Hindi ako ang nagsalita kundi si Travis.

Humarap ako sa kanya para makita sana ang reaksiyon niya pero nabigo ako dahil wala siyang pinakita na kahit anong emosyon.

"Let's talk inside." Nang hindi magsalita si Ann. Si Travis na ang nag-initiate na pumasok sa loob.

Una kaming pumasok ng mga bata. Kinuha ko si Trevor sa bisig niya. Tulog na kasi ito at si Trem naka hawak siya ng mahigpit sa akin.

Siya naman ang tinignan ko at nakita ko na naiiyak ito sa nakikita niya. Marahil narinig niya lahat ng sinabi ng nanay niya na demonyo. Napagpasyahan ko na idala ko nalang sila sa kwarto nila. Ibinaba ko si Trevor sa kama dahil kanina pa siya tulog.

"Mo-mmy." Pagtatawag sa akin ni Trem at yinakap niya ako ng mahigpit.

Tuluyan na itong umiyak habang yakap ko siya.

"Baby diba nag promise ka na hindi mo iiwan si mommy?" Sagot ko Habang pinipigilan ang pagluha ko. Iisipin ko pa lang na mawawala si Trevor sa akin hindi ko na kaya paano pa kaya kung actual niya na kinuha sa akin ang bata. Hindi ako papayag.

"Mommy ikaw lang ang mommy ko. Magpapaka bait na po ako lalo. Wag niyo lang po akong ibigay sa kanya. Please." Lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin.

Napaiyak na ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang gustong niyang ipahiwatig. Nilagay ko ang mga kamay ko sa buhok niya at sinuklay-suklay siya.

"Promise ni mommy hindi kita ibibigay sa kanya." Kahit anong mangyari hindi ko hahayaan na mawalay sa amin si Trem.

"I love you mommy." Bulong niya sa akin

Hinarap ko siya sa akin. Pulang pulang ang mukha niya at pinunasan ko ang mga luha niya na masaganang tumutulo sa pisngi niya.

"I love you too son." Hinalikan ko siya sa noo.

Tumabi muna ako sa kanila. Hanggang sa makatulog siya.

MY SON'S ARE MINE ONLY MINE.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon