C H A P T E R - F I F T E E N

67.3K 957 50
                                    

CHAPTER 15 -
Encounter

Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang ihatid si Trevor sa school niya. At nag promise din ako sa kanya na bago kami parehong pumasok ay ibibili ko siya ng chocolate. Isa ito sa mga namana ni Trevor sa ama niya, parehas silang mahilig kumain ng chocolates, dark chocolates pa nga ang gusto nila.

Naaalala ko noon kapag kami lang dalawa ni Travis ang magkasama ay lagi niya akong binibilhan ng dark chocolates. Kaya akala ko tuloy noon dahil sa pagkain ko ng dark chocolates ay magiging kasing kulay din iyon anak ko. Nagpapasalamat pa din ako dahil hindi ganon ang kinalabasan ng kulay nila.

Mag kamukhang-magkamukha silang dalawa ika nga nila Terrence ay mini version ito ni Travis. Kaya sa tuwing pinagmamasdan ko ang anak ko ay kinikilabutan ako lalo na kapag nakatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko maiwasan na magbalik lahat sa akin ang ginawa niya. Kaya lahat ng pagma-mahal na binuhos ko para kay Travis noon, ay ginagawa ko na ngayon para sa anak ko. Dahil ayokong maramdaman niya na may kulang sa pagkatao niya. Handa akong maging NayTay para sa anak ko. Tinuturuan ko din ng tamang asal habang lumalaki siya ay gusto ko na maging magalang siya at may takot sa Diyos. Ayokong maging tulad siya ng ibang bata na ganito na nga ang sitwasyon nila sa buhay ay gumagawa pa sila ng hindi maganda.

"Nanay, aalis na po tayo?" Tanong ng anak ko habang inaayos ko ang pack lunch niya at pati na rin ang para sakin.

"Oo, tara na. Saan mo ba gustong bumili ng chocolate?" Nakasara pa kasi ang shop na binibilhan ko sa may kanto kaya baka sa supermarket na kami makabili. Alas nueve na din ng umaga at ang pasok ng anak ko ay alas dies katulad ng akin.

"Sa SM po sana Nanay!" Siguradong pabibili na naman ito ng marami.

"Okay, sige. Sa SM tayo bibili pero promise mo na hindi mo lahat kakainin, isa-isa lang." Sunod-sunod naman siyang tumango sa akin. Kasalukuyan kaming nag-a-abang ng kami ng jeep papuntang SM.

Nang makasakay kami ay naging okay naman ang biyahe, ten minutes lang ang tinagal at nakarating na kami. Pag dating namin sa SM ay agad itong pumunta sa supermarket at tumatakbo siyang pumunta sa chocolate stalls. Mula dito ay kitang-kita ko na masaya ang anak ko sa ginagawa niya. Masaya ako dahil kahit sa ganitong paraan ay napapasaya ko siya. Ayokong sirain ang mababaw na kasiyahan niya para lang bawalan siya na huwag kumuha ng marami. Agad itong lumapit sa akin saka binigay ang basket na hawak niya.

"Ito na ba yun? Babayaran ko na kung wala kanang ipapabili pa." Tumango lang siya sa akin. Pumunta naman na ako sa counter para magbayad at nang mapansin ko na wala ang anak ko ay kinabahan ako. Agad naman pumasok sa isipan ko na baka bumalik lang ulit siya sa chocolate stalls.

Sa kabilang banda naman ay abala si Travis sa pagpili ng mga chocolates na bibilhin niya. Gusto kasi niya kumain ng dark chocolates lalo na kapag na-i-stress siya, katulad ngayon ay na-i-stress siya sa mga nangyayari. Kukunin na sana niya ang Hershey's dark chocolate na kanyang paborito ng mapansin niya may maliit ding kamay na nakahawak don.

"Kiddo?" Tumingala sa kanya ang bata. Laking gulat niya ng humarap ito sa kanya, para lang siyang nagsalamin dahil sobrang mag-kamukha sila noong bata pa siya. Alam niyang nakita niya na ang bata pero nakalimutan niya kung saan iyon.

"Hello po. Mister, pwede po ba na akin na lang po ito." Wika niya kanya. "Oh God! Kamukhang kamukha ko siya at ni Trem!" Bulong ni Travis sa kanyang sarili.

"Sure, before that can i ask your name? Anyway, I am Travis." Tanong niya sa bata saka niya nilahad ang kanyang kamay.

"Ano ba 'yan, hindi ko naman po kayo maintindihan." Kamot ulong sumagot ang bata sa kanya.

Agad na lumuhod si Travis sa bata at muling nilahad ang kanyang kamay "Ako si Travis. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Ah! Yun lang pala, ako po si Trevor. Thank you nga po pala dito, Mister Travis." Nakipag kamay naman ito sa kanya at agad itong tumakbo para pumunta sa Nanay niya.

"Nanay, ito pa po binigay po ni Mister Travis sa akin kasi po gusto ko din po ito." Pagkasabi sa akin ni Trevor ay binayaran ko agad 'to atsaka mabilis kaming umalis.

I'm not sure, if it's really Travis Montefalco.

This chapter is now edited and more updated scenes are added. Kindly leave a comment and vote. 03/29/2019

 03/29/2019

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yehey! May bagong book cover tayo, sinipag po kasi ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yehey! May bagong book cover tayo, sinipag po kasi ako. Advance graduation gift ko sa inyong readers ko yung cover. HAHAHA! Bago ako mag graduate target ko na tapusin 'to. Pati yung Catch Me If You Can & A Heartless Winter ita-try kong pagsabayin. 05/07/19

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now