Chapter 43

45.5K 549 60
                                    

Chapter 43

May 2016 - Seoul, South Korea

Anim na buwan na ang nakakaraan simula ng pumunta kami dito para sa operasyon ni Terrence. Terrence operation was successful. Naalala ko pa dito pa kami nag celebrate ng New Year. At hindi naman pala ganon ka importante sa kanila 'yon dahil iba ang sinusundan nilang tradisyon.

Sa loob ng anim na buwan marami ang nagbago dahil sa nangyare kay Terrence. Aminado ako na kahit nandito kami sa Seoul hindi parin sila tumitigil sa pag ta-trabaho. Puro sa e-mail nila sinesend ang mga paper works nila. Alam kong pati sila ay nahihirapan na, pero ayaw lang nila na iwanan ang kaibigan nila.

Ang mga bata ay lalong naging malapit sa isa't-isa. In-enroll na din sila ni Travis sa isang paaralan dito at kahit na Hangul ang salita dito, ang teacher ng mga bata ay isang filipina. Hinanap talaga namin 'yan para hindi manibago ang sina Trevor at Trem. Habang tumatagal hindi naman daw sila nahihirapan. They know how to speak in English, ang problema iilan lang din sa mga kaklase nila ang nakaka-intindi ng English.

Tungkol naman sa mga kaibigan ni Travis. Naging mas seryoso sila sa buhay. Simulan natin kay Trin na kahihiwalay lang sa girlfriend niya. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kaya hindi ako naki alam sa kanila. Saka problema nila 'yon bilang magkasintahan kaya labas na ako do'n. At sa totoo lang hindi din naman ako nasisiyahan sa mga pinan-gagawa niya. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit sila nag hiwalay. Nagulat na lang nga ako na isang araw ay biglang nag paalam sa akin ang kasama niya na uuwi na lang daw ito. Hindi ko na siya tinanong kung bakit kasi privacy na nila yun. Ayoko man na pauwiin siya noon wala naman akong magagawa, kasi desisyon niya 'yon.

Si Tyron naman iba't-ibang babae ang kasama niya. Ano pa bang aasahan ko diyan --- wala. Walang alam kundi manakit. Palibhasa pinaglihi sa sama ng loob.

Habang si Troy ay naka stick lang sa kasama niya. Natatawa na lang nga ako minsan sa kanila. Nag-aaway na pala hindi pa namin nahahalata dahil ang sweet pa rin nilang tignan. Hahahaha!

I sighed. Bago ako pumasok ng kwarto ni Terrence. Walang kasiguraduhan ang lahat ngayon. Ang kundisyon niya walang makakapag sabi kung kailan siya gigising o gigising pa ba talaga siya. Maraming nagbago at isa do'n ang samahan nilang magkakaibigan. Nag dadamayan na talaga sila. Masaya ako dahil kinalimutan nila ang mga alitan nila kahit papaano.

Lahat nang masamang ala-ala na nangyari sa amin last year ay iniwan na namin lahat 'yon sa Pilipinas. Nandito kami para mag simula muli.

Pagbukas ko ng pintuan ay si Travis agad ang nakita ko. Ngumiti ako sa kaniya.

"Travis ako na muna magbabantay sa kanya." Naka upo siya ngayon malapit sa hospital bed ni Terrence.

Salitan ang pag babantay namin.

"Napuyat ka kagabe kaya matulog ka na lang muna." He said without looking at me. Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Okay lang. Saka nga pala may nag e-mail sayo. About sa finance sa company mo." Sagot ko habang inaayos ang mga bulaklak na nasa tabi ng higaan ni Terrence.

Nabasa ko kasi sa isang libro na mabisa daw ang mga bulaklak sa mga pasyente na may sakit, kaya araw-araw akong nag dadala.

"Mamaya na lang 'yon. Wala parin daw bang pagbabago?" He's now asking about Terrence's condition. Well wala naman daw.

"Ganun parin daw e." Pagkatapos ko nag ayos ng mga bulaklak ay umupo na ako. "Any plans?"

"Uhuh." Tumayo naman siya at ninakawan ako ng halik. Napapikit naman ako sa ginawa niya. "Wifey, Namsan Tower hihintayin kita. 8pm okay? I love you." Lumabas na ito kaagad.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now