Chapter 50

32.2K 462 38
                                    

ZM's Note : Malapit na po tayo #IHUW. Thank you. 😊 Yohoooo! HAHAHAHAHAHAHA.

THIS CHAPTER IS EDITED

CLUE #2

Chapter 50

Umalis din agad si Stella sa bahay noong araw na 'yon. Hindi ko na nga siya naihatid sa labas no'n dahil nagpa-iwan ako sa silid ni baby Margaux.

Tinitigan ko siyang mabuti habang siya'y natutulog. Paano ako maniniwala na anak 'to ni Travis kung hindi naman niya kahawig ang bata. Hindi din siya kamukha ni Ann. Malayong malayo sa itsura niya. Kung totoo nga na anak nila Travis at Ann 'to, edi sana may nakuha siya sa kanilang dalawa man lang. Pero kahit isa ay wala siyang namana. Mas kahawig pa nga niya ang kapatid ko nung bata siya e.

I sighed.

Dalawang linggo na rin ang nakakaraan hindi pa din kami nag u-usap ni Travis. Madalang ko na lang din siyang nakikita, at mas madalas niyang kasama ang mga bata. Minsan nga nagseselos na ako sa mga bata lalo na kay baby. Dahil kapag wala ako siya ang nagbabantay. Kinakantahan niya pa.

May nanapansin din ako na kakaiba kay Margaux. Dahil habang tumatagal mas lalong nag iiba ang itsura ni baby. Pero hindi ko na lang 'yon pinapansin.

Madalas na din siyang umiyak kapag hating gabi at gigising siya ng madaling araw. Minsan nga gigising na lang ako ng hating gabi para ipagtimpla siya ng gatas. Hindi ko na siya iniiwan mag-isa at dito na din ako natutulog. Ipina iba ko ang desenyo ng kwarto at pinaalis ang mga naiwang gamit ni Ann.

Isa sa mga dahilan kung bakit sinunod ko ang pangalan niya kay Xia dahil nakikita ko sa kanya ang nakakabata kong kapatid.

Matagal na panahon na din ang nakakalipas. Simula ng mawala ang nakakabata kong kapatid at simula no'n naging iba din ang pakikitungo sa akin ng akin ng mga magulang ko. Kahit hindi nila sabihin na ako ang dahilan kung bakit siya nawala. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko.

Paano kaya kung hindi ako umalis sa buhay na kinagisnan ko, siguro si Ann talaga at Travis ang nagtuluyan. Hindi din siguro magagawa ni Ann ang lahat ng nagawa niyang kasamaan para lang makuha ang atensyon ng taong mahal niya. Hindi ko din siguro magiging anak si Trevor.

Pero tulad ng lagi kong sinasabi wala akong pinagsisihan.

Iniba ko lahat sa akin simula ng napagdesisyunan ko na pumunta ng Maynila at mag apply. Iniba ko ang apelyido ko para hindi ako mahanap nang mga taong walang tigil na hinahanap ako.

Mas nauna kong nakilala si Terrence.

Alam kong walang lihim na hindi nabubunyag. At matagal ko ng hinanda ang sarili ko para dito.

Napakislot ako ng may marinig ako.

"Morgan, can we talk?" Biglang nagsalita sa likuran ko si Travis.

Mabilis akong lumingon at lumapit sa kanya. Oh holy! I miss him.

"Travis, I'm sorry." Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang Travis ko, nandito siya.

I don't want to cry but my own tears betrayed me.

"I'm sorry din, Baby. Kasalanan ko ang lahat, pagod ako ng araw na iyon. Tapos sinabayan ko pa yung init ng ulo mo." Hinahaplos niya ang buhok ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kanya.

Tumingala ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Wala ng atrasan. Ayoko ng maglihim pa .

"Travis, you need to know something, but before that promise me, na hindi ka magagalit sa akin." Ngumiti lang siya at tumango.

"I promise." Hinawakan niya ang mga kamay ko at umupo kami.

Naka upo ako ngayon sa lap niya.

"I lied." Nakayuko ako, ayokong makita ang reaksiyon. Natatakot ako. "I'm the reason why Ann broke up with you. Kilala ko na si Ann noon pa. Naglihim ako sa'yo. Pero.... Hindi ko naman alam na magkaka-ganito e. Wag mo sanang isipin na niloko kita. Sorry." I sighed. Hindi binibitawan ni Travis ang mga kamay ko kaya tinuloy ko ang pagkukwento ko. "Tumira ako sa Pampanga ng dumating ako sa Pilipinas at hindi lang 'yon. Pinalitan ko ang apelyido ko. Plinano ko talaga ang mag apply bilang sekretarya mo. At hindi ako nabigo dahil tinanggap mo ako." Kinagat ko ang labi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "Kinainggitan ko si Ann. Alam ko na mahal niyo ang isa't-isa. Kaya ng malaman ko na hiwalay na kayo kinuha ko ang opurtunidad na mapalapit sa'yo. Ayos lang sa akin kung sabihan mo ko ng malandi, pero mahal kasi kita. I'm sorry."

"I know." Yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

Paano? Kunot noo ko siyang tinignan. "How?"

Ngumiti lang siya at hinalikan ako na nakapagpapikit naman sa akin. Sa mga oras na 'to nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa simpleng paghalik niya. Damn him!

"Hmmm. Sabihin na lang natin na sinabe sa akin ng nanay mo." Nakilala na niya ang nanay ko? Paano nangyari 'yon. Pinagloloko ata ako ng lalaki na 'to, e.

"When?" Mababaliw na ako sa kakaisip kung kailan niya nakilala.

He pinched my nose. "I ask your parents if I can marry you. Happy?"

Ano daw? He asked my parents if he can marry me? Jongdae nga 'to! Nasa Greece ang magulang ko.

"Weeeeee?" Natawa naman ako. "Pauso ka talaga, Travis!" Hinampas ko ang balikat niya.

"Kaya two weeks akong nag tiis na hindi kita kausapin e. Tsaka pumunta talaga ako sa kanila." Seryosong sagot niya.

Tinitigan ko siya at mukha ngang hindi siya nagloloko.

Yinakap ko siya ng mas mahigpit at pinugpog ng halik sa mukha. I'm so happy!

He touched my face and kissed me passionately. I kissed him back.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Hindi 'to tumigil hanggat hindi niya natatamaan ang sensitive spot ko. Shit!

"Ahhh" I moan and I touched his hair.

Habang ang mga kamay niya nag gagala na kung saan-saan. Napapa arko naman ang katawan ko dahil sa sensasyon na nararamdaman ko.

Naalis niya na ang t-shirt na suot ko ng saktong marinig namin umiyak ang bata! Tinulak ko siya ng bahagya.

"Travis, si baby umi-iyaaak." Hindi parin siya tumitigil.

Ilang minuto lang may narinig rin kaming mga katok mula sa labas. Tinulak ko siya ng pangalawang beses. At inis siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba!

"Damn!" He frowned.

I gave him a light kiss at sinuot ulit ang t-shirt ko. Nag ayos muna ako at kinuha si baby. Binuksan naman ni Travis ang pintuan at pumasok ang big boys namin.

Lumundag sila sa kama. "Mama, baba mo po si Baby. Babantayan namin siya."

Pinababa nila ang bata sa kama dahil babantayan daw nila ito. Napangiti naman ako at lumapit kay Travis.

"Sisiguraduhin ko sa susunod mabubuntis na talaga kita." Nangilabot naman ako sanabi niya.

Nakangisi siya sa akin.

🈶

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now