C H A P T E R - F O U R T E E N

66.6K 934 17
                                    

CHAPTER 14 -
Maybe

Morgan's POV

Ilang linggo na din ang nakakaraan simula ng huli kong makita si Terrence, at 'yon ay ang huling bumisita siya sa bahay. Nami-miss na nga din siya ni Trevor at ilang beses na din akong kinulit ng anak ko na tawagan siya. Sa tuwing tumatawag ako ay hindi niya ito sinagot pero mas madalas siyang cannot be reach. Hindi ko alam kung bakit ganon, wala naman akong nagawang hindi maganda. Sahalip na mag-isip ako ng kung ano-ano ay pinapaliwanag kong mabuti sa anak ko na busy ang Dr. Daddy niya dahil marami siyang pasyente na nangangailangan ng tulong niya at hindi lang sa amin umiikot ang mundo niya.

Kani-kanina lang ay tinawagan ako ni Trin na pupunta siya dito, siguro on the way na siya ngayon. Hindi na din ako nag abalang mag-ayos pa, dahil sana'y naman siya na makita niya akong ganito, na hindi naka-ayos. Wala naman kasi akong itatago kaya okay lang.

Napatigil ako sa pagmumuni ko ng may marinig akong kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at binuksan ang pinto, pagbukas ko ay nakita kong naka-pamulsang nakatayo si Trin. Sinenyasan ko naman siyang pumasok na sa loob ng bahay. "Hello, Smiel." Agad niya ako binati ng maka-pasok siya ay hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Sana'y na din ako na ganito lagi ang nangyayari kapag nagkikita kaming dalawa. "Hello, Trin." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Where's the mini version of Travis? So, how's life?" Tanong niya sa akin at sinipat kung nandito ba ang anak ko.

"Trevor's not here, he's still in school. Busy din ako sa ngayon dahil may bago kong trabaho, mas stable siya kumpara sa dati. At sa tingin ko naman mas makakapagtabi na ako ng pera ngayon, para kahit papaano ay makuha ako sa oras ng pangangailangan." Kwento ko sa kanya.

"Kaya pala walang ma-inggay ngayon." Natawa naman ako sa sinabi niya, madalas kasi silang magkwentuhan ni Trevor kapag nandito siya. Akala mo naman ay matanda na anak ko kung makipag-usap siya. "Bakit kailangan mo pang magtrabaho? Hindi ba sinabihan kana namin ni Terrence na kami na ang bahala sa pang araw-araw na gastusin niyo. Bakit ba ayaw mo pang tanggapin ang ina-alok namin." At sa tuwing nagkakausap kami ni Trin ay pilit niya din akong pinipilit na tanggapin ko ang offer nila sa akin. Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil wala naman akong karapatan mag-inarte sa sitwasyon ko ngayon. Sadyang ayoko lang tanggapin ang ino-offer nila sa akin dahil ayaw kong maging mas pabigat pa sakanila.

"Trin, hindi ba sinabi ko na ang sagot ko tungkol dyan? Ayokong umasa sa inyo at kung nagu-guilty kayo dahil sa nagawa ni Travis sa akin na pagkatapos niya akong buntisin ay iniwan niya kami ng anak ko. Kung ito din ang rason kaya niyo kami tinutulungan ay nagkakamali kayo. Hindi ko kailangan ng tulong." Ayoko lang na akuin nila ang responsibilidad na hindi naman para sa kanila.

"Look, Morgan. I'm not guilty, okay. Gusto ko lang na magkaroon si Trevor ng maayos na kinabukasan, huwag mong masamain ang sinabi ko at hindi ko pinapa-mukha sayo na wala kang kakayahan sa ganon sabagay. Bagkus gusto ko lang na mas maging maayos ang kinabukasan niya, kaya nga binibigay lahat namin ni Terrence ang aming makakaya." Kaya i-spoiled ang anak ko pagdating sa kanilang dalawa pero pagdating sakin ay tinutulungan niya kong magtinda.

"Alam ko naman iyon, Trin. At nire-respeto ko ang desisyon niyo sana naman ay respetuhin niyo din ang akin. Nga pala matagal ko na rin na hindi nakikita si Terrence. Nasaaan ba siya?" Pagsang-ayon ko sa kanya at pag-iiba ko sa topic namin.

"He's busy and I heared his currently dealing with some serious issues." Sana naman ay maging okay ang kalabasan ng ginagawa niya kung ano man ito.

"I know he can do it, si Terrence pa ba?" Masiglang sagot ko sa kanya. Totoo iyon, dahil naniniwala ako sa kanya.

"Of course, he can. Kaya nga sinabihan ko siya na tapusin niya agad kung ano man ang ginagawa niya." Nag-iba ang tono ng pananalita niya. "Hinahanap ka niya."

At don palang at alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Trin, hindi niya kami mahahanap."

"I hope so dahil kapag nangyari iyo ay maghahalo ang balat sa tinalupan." Umiling na lang siya. "Kailangan ko na nga palang umalis. Pakisabi na lang kay Trevor saka na yung regalo niya pagbalik ko. Napadaan lang kasi ako ngayon, mauna na ako." Hinalikan niya ulit ako sa pisngi bago lumabas ng bahay.

"Sige, mag-ingat ka sa biyahe mo." Hinatid ko siya hanggang sa labas ng bahay.

"Next time na lang, babawi ako." Sagot niya bago pumasok ng sasakyan.

Binaba niya ang salamin ng kotse niya. "Mag-ingat ka." Muli kong paalala sa kanya saka ako kumaway sa kanya. At nakita ko na he mouthed thank you, tumango lang ako sa kanya.

Naging mabilis na nagdaan ang buong maghapon ko. At ngayon ay nakahiga kami ng anak ko dahil pina-patulog ko na siya.

"Nanay, mahal ba po ako ni Tatay? Kasi kung mahal niya ako hahanapin niya tayo diba, at uuwi siya sa atin." Nagulat ako sa biglang sinabi ng anak ko. Out of blue moon kasi siyang nagtanong tungkol sa ama niya.

"Trevor, mahal tayo ng Papa mo. Sadyang busy lang siya kaya hindi siya nakakauwi sa atin." Pagda-dahilan ko, ayokong magtanim ng sama ng loob si Trevor sa ama niya habang lumalaki siya. Kapag nalaman niya ang totoo ay ako mismo ang magpapaliwanag sa kanya.

"May be, Nanay." Sagot niya at tuluyan ng nakatulog. Huminga ako ng malalim, hindi ko maiwasan na mapa-isip ako sa sinabe ng anak ko.

"Anak, promise ko sayo na mabubuo din tayo." Bulong ko saka ko siya hinalikan sa noo. Inayos ko din ang pagkakahiga niya at kinumutan siya bago ako lumabas sa kwarto niya.

03/29/19 This chapter is now edited and more updated scenes.

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now