Chapter 35

55.5K 626 20
                                    

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

Play the song

Chapter 35 Love Her

Terrence POV

Tatlong araw na din ang nakalipas simula ng nagka-ayos sina Travis at Morgan. Masaya ako para sa kanila pero bakit hindi ko magawang tumawa kapag naririnig ko silang nagtatawanan. Dahil may kung anong kirot akong nadarama sa dibdib ko kapag nakikita ko siyang tumatawa, ang mga tawang hindi ko nakita kahit minsan. Maybe nasanay lang ako na ako lagi ang kasama niya at ako ang nagpapatawa sa kaniya pero hindi kagaya ng ginagawa ni Travis. I should be happy for them.

"Hey." Napalingon ako sa katabi ko.

"Yeah." Naka pokerface na sagot ko. Wala ako sa mood na makipag argumyento sa kahit kanino ngayon.

"Penny for your thoughts?" Hindi ko na lang siya pinansin. Kaya nga ako pumunta dito dahil gusto kong pagnilayan ang mga nagawa ko.

"Kilala kita at kahit hindi pa tayo ganon katagal magkasama. I know when you're happy, sad and irritated. Uhm. So tell me, what happen?" Lintanya niya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Wag mo na akong intindihin pa. Okay lang ako. Tuloy mo yan ginagawa mo daldal ka ng daldal." Sagot ko at nanahimik naman ito.

Hindi ko alam, pero kahit anong gawin niya ay hindi ko makuhang mainis sa kanya. Kahit na napakagulo niyang babae. At kahit na minsan hindi ko siya maintindihan, pinipilit niya na intindihan ako at samahan. Kaya sanay na ako nandyan siya.

"Minsan kasi kailangan mong i let go ang mga bagay na alam mong nakakasakit na sayo. Hindi iyong hold on ka ng hold on at lalo ka lang nasasaktan. Mas lalong lumalaki tuloy ang damage. Done!" Binigay nito sa akin ang kaniyang papel at umalis na din 'to. May nakasulat sa labas na para sa akin kaya binuksan ko ito.

To: Terrence

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito pero gusto kong sabihin na nagpapasalamat ako dahil nakilala kita at naging parte ako ng buhay mo. Sa loob ng dalawang taon tinupad mo yung pangako mo na babalik ka. Maraming salamat sa lahat. Mahal kita kahit nasasaktan ako na puro Morgan at Tyra na lang ang bukam-bibig mo. Ingatan mo ang sarili mo. Hanggang dito na lang.

Love
-T

Is this a goodbye letter from her? Pati rin ba siya aalis? No! This can't
be. Tumayo ako at hinanap siya sa labas, pero bigo ako. Ni anino niya hindi ko makita. Napa-upo na lang sa isang banda dahil sa sobrang panlulumo.

What a wonderful Christmas gift from her. Pasko na bukas pero wala naman siya. Great! Lumipas ang ilang oras na paghihintay hindi siya bumalik. Tumayo na ako at umalis. Sumakay ako sa kotse ko at tinahak ang daan pauwi sa amin.

Pag uwi ko nakita ko silang lahat sila Travis, Morgan at anak nilang sina Tremendoux at Trevor. Si Trin naman at ang fianceé niya na nakaupo malapit sa Christmas Tree. Si Tyron ay busy sa kausap niya. Kilala ko ang babaeng kasama niya, kasama niya lagi yon kahit saan siya pumunta. Si Troy naman kausap ang bestfriend ni Tyra. Ang galing talaga! Lahat sila masaya. Napatingin sila sa gawi ko ngumiti ako ng pilit at pumunta sa kwarto ko.

Pakiramdam drain na drain ako, para bang hindi ko kayang maging masaya ngayon. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito. Hindi ko na pinansin kung sino ang caller.

"Terrence... Merry Christmas... I'm sorry... Christmas Eve na... Bye--e. "

"Wait. Na--nasaan ka?"

"Nasa eroplano na. I miss you. Goodbye&iloveyou.. "

Narinig ko syang humihikbi sa kabilang linya. Unti-unti akong pinapatay sa naririnig ko.

"Byee-ee.."

Naputol na ang kabilang linya. Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa nangyari. Hanggang sa may mumunting ungol ako na narinig na nanggagaling sa bibig ko. She made me cry! Damn! Huminga ako ng malalim at naiyak nanaman ako. Ang sakit para akong sinaksak ng libong beses. I miss you my angel.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now