Chapter 45

37.4K 517 90
                                    

CHAPTER 45

Morgan's POV

"I'm sorry wife." Travis caressed my back while saying those words.

Mas pinili ko na mag tulog-tulugan kesa kausapin ko siya. Hindi ko din kasi alam kung paano ko siya haharapin ngayon. Kung paano kami magkakaroon ng maayos na pag u-usap. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon, 'yon ay patayin ang higad na si Ann.

Hindi ko nga alam kung nandito pa siya, pero kung sakali na nandito siya sa pamamahay namin napaka kapal naman niya. Wala na siyang tinirang hiya sa katawan niya. I hate that bitch!

Gusto ko man matulog kasama ang mga bata dahil hindi ako makatulog ng maayos kaya lang nandito si Travis sa likuran ko. Hayyyys.

Ang daming what if's na gumugulo sa akin ngayon. At ang mga what if's na iyon ay lalo lang pinapagulo ang isipan ko at ang sitwasyon.

Sa ganitong sitwasyon hindi dapat ang puso ang pinapaandar. Dahil emosyon ang iiral sa iyo. Pero kapag ang utak ang ginamit makakaya mong kontrolin ang sarili mo.

I chose to use my brain instead my heart. Ayokong magkagalit kami ni Travis ng dahil lang muli nitong pagbabalik.

"You know how much I love you right? Hindi ko naman alam na buntis siya. Mamatay man ako dito hindi ko talaga alam kung paano siya nabuntis." Patuloy lang siya sa pagsasalita. Para bang alam nya na gising ako.

"Para akong tanga na nagsasalita dito kahit tulog ang kasama ko." He sighed. At muli siyang nagsalita. "Ayoko man na umalis ngayon, pero kailangan e. Kailangan kong malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. Promise babalik ako-- papakasalan pa kita. I love you." Hinalikan niya ang buhok ko.

Naramdaman ko na wala na siya sa tabi ko. At narinig ko na lang ang pag sara ng pintuan.

Saktong paglabas nya siya naman pag buhos ng mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Maniniwala pa ba ako sa kanya? Kung nasaktan na nya ako ng isang beses, hindi siya mag dadalawang isip na saktan ulit ako.

Hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak ko. Sana... Sana tuparin mo ang pangako mo. Aasa ako Travis.

"I hope bumalik ka. I love you too" I whispered.

Tumayo ako sa kama ko dahil narinig ko ang ugong ng makina ng sasakyan niya. Simbulo na paalis na siya. Hinawi ko ng ka unti ang kurtina.

Nakita ko na pasakay na si Ann. At agad din silang umalis. Hindi nila kasama si Trem. Nakahinga ako ng maluwag dahil iniwan nila ang mga bata.

May panghahawakan ako. Bumalik ka sana kaagad. Hihintayin kita.

Bumaba ako ng hagdanan para hanapin ang mga anak ko. Pero wala sila. Tinignan ko sila sa kusina, game room at sala wala din sila.

Muli akong bumalik sa kwarto at binuksan ko ang mga closet wala ang damit nila!

No! Mali ang iniisip ko. Hindi sinama ni Travis ang mga bata. I'm sure na walang tao sa backseat.

Dinail ko agad ang number Trin.

"Trin! Nandyan ba ang mga anak ko?" Pambungan ko sa kanya ni Hi-Ho wala akong sinabi. What for?

"Huh? wala sila dito . Diba dinala ni Troy dyan kagabe?" He said "Hoy! Troy dinala mo ba ang mga bata kina Morgan kagabe?" Sigaw niya . "Oo." Narinig ko naman na sagot ni Troy.

"Okay." pinatay ko agad ang tawag.

Si Travis naman ang tinatawagan ko. Pero hindi ito sumasagot. Pumunta ako sa living room at may narinig ako na nag ri-ring.

Pagkita ko ang cellphone ni Travis ang nag ri-ring! Fck! Naiwan niya!

Nataranta na ako. Lumabas ako ng bahay na ang suot ko ay ang suot ko simula kagabi at dala ko ang passport ko.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver na sa airport ako dalhin.

Habang nasa sasakyan ako. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Positive side lang dapat ang iniisip ko.

Nang makarating ako sa airport nagbayad ako sa taxi driver at pumasok sa loob. Hinarangan pa ako ng mga security guard at hiningan ako ng passport pinakita ko naman sa kanila ang passport ko at pinapasok na nila ako.

Mabilis akong pumasok sa domestic flight. Tinignan ko sa screen kung naka board na ba ang Seoul-Manila flight.

Nanghina ako ng makita ko na nakaalis na eroplano. Napaluhod ako sa sahig at umiyak. Tinignan ko ang relos ko, nakita ko na alas diyes na pala ng umaga. Ganun na ba ako katagal na naghahanap sa kanila.

Umiyak lang ako ng umiyak. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Ang iba marahil iniisip na baliw na ako.

Walang akong pakialam! Sobrang sakit. Mas masakit pa ito sa nangyari dati.

Paano ko na makikita ang mga anak ko kung nasa Pilipinas sila. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Isa na dito kung pinagplanuhan ba lahat ito ni Travis.

Gusto kong maniwala na hindi. Pero aminado ako sa sarili ko na mas matimbang ang oo. What if nga kung oo? Na kinuha lang nito ang tiwala ko?

Lalo akong napahagulgol sa inisip ko na dahilan at pwedeng mangyari. Ayoko. Hindi ako papayag.

Tumayo ako at parang zombie na naglalakad. Hindi parin tumitigil sa pagluha ang aking mga mata. I'm so hopeless right now.

Nang maka labas na ako sa airport. May huminto na taxi sa harapan ko kaya sumakay na ako. Nagpadala ako sa Namsan Tower.

Ang tower kung saan nag-proposed si Travis. Ang tower na saksi sa lahat.

Hindi ko napansin na nakaidlip ako sa byahe. Naramdaman ko na kinalabit ako ng driver at sinenyasan na nandito na kami. Bumaba na ako.

Hapon na din pala. Ang daming couples na nakikita ko. Ang lahat masaya habang ako nag-iisa. Pinuntahan ko ang exact place na nangyari kagabe.

Pinipigilan ko na umiyak. Hanggang sa may mag-anak ako na nakita. Napaka saya nila. Iniisip ko paano kung kami nila Travis ang nakatayo doon.

"Travis." Usal ko.

Umalis na ang mag-anak. Marahil kasing edad narin nila Trevor at Trem ang mga bata.

Nanatili ako sa lugar na iyon hanggang gabi. Nagdadasal na pag-uwi ko sa bahay ay makita ko na ang mga anak ko na naka higa sa kama nila at mahimbing na natutulog.

Naglakad nalang ako. Mas okay naman maglakad at least hindi ko mararamdaman na mag-isa ako.

Alas nueve na ako nakauwi sa apartment. Binuksan ko ang pintuan malamig na simoy ng bahay ang sumalubong sa akin.

Iba parin ang pakiramdam na nandito ang mag-ama ko. Umupo ako at tinanggal ang coat ko. Pumunta na rin ako sa kwarto ng mga bata at binuksan ito.

It was an empty room. Humiga ako sa higaan nila at umiyak. Namimiss ko ang amoy nila. Ang kakulitan nila. I miss everything.

Pagkatapos, Napag pasyahan ko na pumunta na kwarto namin. Katulad ng kwarto ng mga bata walang sasalubong na Travis sa akin.

Habang naghahanap ng damit na susuotin ko. May picture na nahulog. Pagdampot ko sa picture nakita ko na family picture pala namin ito.

Pagtingin ko sa likod ng picture may nakasulat doon. Kagabe lang ang date na nakalagay ito.

May 14, 2016 4:25 pm

Hindi ko na kaya pang magpanggap. Aalis na ako at bu-buo ng sarili kong pamilya. I'm sorry. - Travis

"W--Wha-t?!"


Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt