Chapter 42

48.4K 532 27
                                    

Chapter 42

MORGAN POV

Nasa labas pa lang ako ng ICU room ni Terrence, natatanaw ko na mula dito sa kinatatayuan ko ang mga apparatus na nakasaksak sa buong katawan niya. Hindi lang isa, dalawa o tatlo kundi marami ang mga ito. Mahirap mang tanggapin at sabihin ay life support niya na lang daw ang mga ito, 'yon kasi ang paliwanag sa amin ng mga Doctor na sumusuri sa kanya.

I sighed. Aware naman ako kung para saan nagpa-function ang mga apparatus na nakalagay sa kaniya. Mostly, sa kamay at sa dibdib niya nakalagay ang mga ito. Bilin din kasi ng Doctor na dapat hindi bababa o tataas ang heartbeat niya dapat sakto lang ito. Kasi pwede din itong maging isa sa mga rason sa pagkakaroon niya ng komplikasyon.

May CCTV at emergency button din sa tabi niya. Para kung sakaling magising siya ay madaling malalaman ng mga Doctor. Hindi ako nanawalan ng pag-asa na basta na lang susuko si Terrence ng ganon-ganon.

Kanina nauna ng pumasok sina Tyron at Troy pina suot muna sila ng hospital gown at naka face mask pa sila. Delikado daw kasi ang kondisyon ni Terrence kaya hiniling ng mga na nurse na sundin na lang ang policy.

"Hindi ka pa ba papasok?" Napatalon ako bigla dahil sa takot. Paano ba naman biglang magsasalita at itatapat pa sa tenga ko. Humarap ako sa kanya at binigyan ko ng isang matalim na tingin.

Nakangisi naman siya. Mukhang pinipigilan pa ng mokong ang kalokohan na ginawa niya.

"Travis! Papatayin mo ba ako sa sobrang takot?! Juicecolored!" Inakbayan niya lang ako.

Tumahimik na ako sa pagsasalita at sinuri kung kasama niya si Trin. Mukhang naintindihan niya ang gustong iparating ng mga gestures ko kaya umiling lang siya.

"I told Nay Donna, na dalhin ang mga bata dito. So we can celebrate our New Year's Eve here." Oo nga pala mamaya na ang bagong taon. Ito ang kauna-unahan na kumpleto kami, sadly sa hospital pa magaganap.

I sighed. Madaling araw na rin kasi. Niyakap ko ng mahigpit si Travis habang nakatingin siya mga kaibigan niya na nasa loob.

"I hope we can stay like this forever." Humarap siya akin na kumunot ang noo niya. "Ibig kong sabihin na sana ganito na lang tayo, hindi ko naman sinasabi na forever na magkaganyan si Terrence para lang maging ganito tayo." Pinitik naman niya ang ilong ko.

"Silly, I get it." Humalakhak pa siya. "Sino ba kasing nagsabi na I translate mo pa. Mahal mo talaga ako no?" Yumuko siya at hinalikan ang noo ko. "iloveyou"

Kahit na nakapikit ako ramdam ko na sincere siya sa sinabi niya at ngayon ko lang siya narinig na sabihin niya ang three magic word.

"iloveyoutoo" Ayokong mawala pa si Travis. Kahit na demonyo siya noon sa mga pinangga-gawa niya ay napatawad ko na siya bago pa siya nag sorry sa akin. At ngayon para naman siyang prinsipe kung umasta.

Nagtagal muna kami sa ganon na posisyon bago ko siya niyaya na mag suot ng hospital gown at ng face mask para makapasok na din kami.

Mas nauna akong nagpalit sa kaniya at hinintay naman niya ako sa labas. Paglabas ko laking gulat ko na naka suot na sa kanya ang mga kailangan niya na isuot. Saan nag bihis ito?

"Let's go?" Nilahad niya ang kamay niya sa akin at inabot ko naman ito. Kaya ang dating lumabas kami na magkahawak ang mga kamay namin.

Ang saya ko. God answered all my Prayers. God is good, all the time.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Habang si Travis naman humigpit ang pagkakahawak sa akin.

Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan. Kumpleto na ang mga kaibigan niya ng makapasok kami. Ngumiti ako sa kanila kahit hindi nila nakikita dahil nga naka face mask ako. Humarap muna ko kay Travis bago ako lumapit sa tabi ni Terrence.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now