Chapter 47

33.4K 544 79
                                    

Chapter 47

Nakangiti ako habang naglalakad. Daig ko pa ang Miss Universe na si Pia. Sa sobrang saya dahil akin ang korona. Pak na pak! Maniningil na ako sa'yo Ann. Maghintay ka lang. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito. Korean simcard parin pala ang naka insert sa phone ko. Malamang Korean alang-alang Chinese dahil sa Seoul ako nang-galing. Napailing na lang ako sa naisip ko.

Pumunta muna ako sa Duty Free at namili ng mga ga-gamitin ko. Tinignan ko muna ang presyo bago ito kinuha. Kahit kailan ang mamahal ng mga presyo nila. Paano hindi mag ma-mahal tax din 'yan. For pete's sake ang mura lang ng mga 'to kapag na-import na nila ang mga goods na 'to tapos ibebenta nila ng mahal! Nasaan ang hustisya?! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas! Dahil mismong mga namamahala sa gobyerno mga kurakot. At problema pa sa atin hindi natin tinatangkilik ang sariling atin. Hindi sila tumulad sa SG na no tax. Bakit ba G na G ako sa gobyerno. Dapat ang dyosang katulad ko hindi na dapat iniisip to dahil wala naman akong mapapala. Basta tulong lang para sa ekonomiya! Lul.

Nagbayad ako at umalis na din ako. Wala naman kasi akong gagawin do'n e. Paglabas ko ng airport sumakay agad ako ng taxi.

Ako naman ang manonopresa kay Ann. Kinapalan ko pa ang lipstick ko. Bongga!

Hindi naman kami masyadong natagalan.

This is it pansit! "Manong diyan na lang po." Nandito na ako sa harap ng bahay nila.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon nasa labas ang mga anak ko naglalaro.

Tiktok! Time's up. It's my turn now.

"Salamat po ma'am." Ngumiti na lang ako ng inabot ko ang bayad ko.

Inayusan ko muna ang sarili ko. Syempre kailangan yon no ng tapos na ako. Ay naglakad ng papunta sa mga anak ko.

"Mommy/Nanay!" Sabay pa talaga sila. May be instinct.

"Babies!" Niyakap ako ng mga ito.

"Mommy, Let's go back na po sa Albay. She's a witch mom!" Si Trem ang nagsasalita.

Hinaplos ko ang mukha nito. Si Trevor tahimik ito na umiiyak. Ang anak ko umiiyak ng dahil sa walang hiyang babae na iyon.

"Sinaktan niya ba kayo?" Hindi sila umimik nung una pero unti-unti silang tumango.

Wala syang karapatan na saktan ang mga anak ko. Tumayo ako at pinunasan ang luha nila. Pumasok kami sa bahay.

Ang unang nakita ko ay si Nay Mila. Binati ako nito at hinabilin ko ang mga bata sa kanya.

Tumuloy-tuloy ako sa kwarto ni Ann. Hindi na ako nag-atubili na kumatok pa.

Nagulat ito ng makita ako nito. Ngumisi naman ako sa kanya.

Change is coming.

"Miss me bitch?" Tuluyan na akong pumasok.

Nandito pala ang anak na sinasabe nya. Hindi man lang nito nakuha ang features ni Travis. Ni isa wala itong minana. I doubt kung anak ba talaga to ni Travis.

"Sinong nagpapasok sayo sa pamamahay ko?" She said.

"Pamamahay mo? Ilang beses ko bang dapat ulitin sa iyo na hiwalay na kayo? Masyado ka talagang ilusyunada kahit kailan." Lumapit ako sa kanya.

Gusto kong tumawa dahil nag-iba ang ekspresyon niya. One point for me.

"Kahit kailan hindi ka niya papakasalan. Kung ako ilusyunado ikaw ano? KABIT?!" Sinampal niya ako.

Sinampal ko din ito sa magkabilaan nyang pisngi.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na makasampal ng ilusyunada na at desperada na babae." Ngumiti ako."Ako ang unang pinakasal---"

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now