Chapter 52

28.8K 404 42
                                    

Chapter 52

TRAVIS POV

Pagkatapos ng kasal, kailangan pa namin pumunta sa reception. Bakit ba hindi na lang pwede pagkatapos ng kasal, honeymoon na agad? Do'n din naman ang punta pinapatagal pa. Tss

"Someone is getting excited, but you need to wait, bro." Tudyo sa akin ni Tyron.

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Gagatungan pa ng gago ang pag kaasar ko. Kanina pa 'to sa simbahan, e.

Tinapik niya ang balikat ko at umilis ng umiiling. Madapa ka sana. Bwisit.

Nakita kong ine-entertain ni Morgan ang mga bisita. Tumingin siya sa gawi ko at nginitian ako.

Kumaway naman ako sa kanya. Pagkatapos ay bumaling ulit siya sa mga kausap niya. Ngumiti lang ang mga kausap niya at tumango. Marahil nagpaalam na sila. Dapat lang. Kanina ko pa gustong masolo ang asawa ko. Asawa, ang sarap sa pakiramdam at pandinig.

She's officially mine, mine alone.

Nakangiti lang siya habang papalapit na sa akin. Hindi ako mag sasawa na tumingin sa kanya araw-araw. Siya lang ang bukod tanging nag paramdam sa akin ng ganito. Pakiramdam ko para akong teenager na tinamaan ng sobra.

Kung may makakita sa akin mapagkakamalan akong manyak sa ngiti ko. Isa lang naman minamanyak ko,e. Si Morgan lang wala ng iba. Hinapit ko siya bewang at ginawaran ng isang mabilis na halik.

"Travis, nasaan na si baby?" Bulong niya.

"Kasama nila Trin." Tumango naman siya. "Be ready for our honeymoon. Mabubuntis na din kita ulit."

Naramdaman kong nanigas naman ulit ang katawan niya. Napangiti ako bigla. She's still the same. My naive, Morgan.

"Che! Tatlo na nga sila tapos gusto mo pa ng isa?! Mag focus muna tayo sa kanila. Lalo na kay Margaux ang bata niya pa." Pa nenermon niya. As if naman may makakapigil sa akin. I just smiled.

"Whatever, Wifey. Ang bango bango naman ng baby ko." Ngumisi lang ako sa kanya.

Naging maayos naman ang ceremony sa reception hall. Nagbigay sila ng message about marriage life. As if naman hindi kami kinasal dati. Hanggang sa pumunta ulit ang Emcee sa entablo at nagsalita.

"Good evening ladies and gentlemen. Especially to the newly wedds, congratulations...." Ngumiti lang ito sa gawi namin. "May isa pang importanteng tao ang gustong magpa-abot ng isang importanteng mensahe para sa inyo."

Humigpit naman ang pagkakahawak ni Morgan sa kamay ko. Pinisil ko lang ito. Pina-blocklist ko si Ann dito kaya impossibleng makapunta siya dito.

Biglang umilaw ang pinaka gitna ng entablado.

"Hello! Travis." Ngumisi lang sa akim ang taong nakatayo ngayon sa stage.

Napasinghap naman si Morgan at napatayo ang mga kaibigan ko.

"Te-rren-ce" Narinig ko na usal ni Morgan.

"Gago. Bakit hindi mo ko inimbitahan at hinintay na magising? Nagtatampo na ako sayo. At tsaka bakit ba ganyan ang mga reaksyon parang nakakita kayo ng patay na muling nabuhay." Humalakhak ang siya. "Gusto ko lang sabihin na. At last! After six years ngayon mo lang naisipan na gawin 'yan. Kung kailan limang taon na sila Trevor at Trem tsaka mo ginawa yan. Tapos may four months old baby pa kayo. Sabi ko na nga sa simbahan din ang tuloy niyo. Masyado ka pa kasing nagpabebe, e."

Pagkatapos magsalita ni Terrence, tumawa ang mga bisita sa reception hall.

"Terrence! Buhay ka!" Sigaw ni Morgan.

Ngumiti lang ang kaibigan ko. "I'm still alive and kicking."

Bumaba naman siya ng stage at pumunta sa gawi namin.

Agad ko siyang tinanong ng makalapit na siya sa gawi namin. "Kailan ka pa umuwi?"

"Last week." Cool na sagot niya.

Last week? Ngayon lang siya nagpakita sa amin.

"Ulol! Last week ka pa gising at umuwi dito sa Pilipinas, ni hi-ho hindi ka man lang nagparamdam sa amin? Hindi mo ba naisip na nag-aalala kami sa'yo." Hasik ni Trin sa kanya.

"Patay lang ang nagpaparamdam." Sinapok naman siya ni Troy sa sagot niya. "Ano ba?!"

"Pinag-alala mo kaming gago ka." si Tyron naman ang nagsalita ngayon.

"Kuya Ty, naman." Lumapit siya at inakbayan si Tyron.

"Shut up." Inalis ni Tyron ang pagkakahawak ni Terrence sa kanya.

"Tss. May ipapakilala ako sa inyo. Anyways, Morgan kailangan natin mag usap." Bumaling siya sa asawa ko. Aba! Hindi pwede.

"Huh? Ako?" Naguguluhan na tanong ni Morgan habang tinuturo ang kanyang sarili. Ang ganda talaga ng asawa ko.

Biglang hinatak ni Terrence palayo sa akin si Morgan.

"Tang ina mo! Ibalik mo ang asawa ko!" Sigaw ko pero hindi man lang ito nag abala na lumingon sa akin.

"I bet walang honeymoon na magaganap." Sabat naman ni Troy.

Inirapan ko ito at pumunta sa inu-upuan nila kanina.

"Pupusta ako hindi matutuloy yan." This time si Trin naman.

Hindi ko nalang sila pinakinggan. Niyaya ko nalang silang uminom, kesa alaskahin ako.

Lumipas na ang tatlong oras at hindi parin sila umuwi. Wala pa din sina Morgan, alas onse na ng gabi. Sasamain na talaga sa akin si Terrence.

Tinignan ko ang buong paligid wala na ang mga bisita. Kanina pa sila nag uwian ang mga ito. At kaming mag kakaibigan nalang ang natira.

"Tulad ng sinabi ko kanina. Walang honeymoon." Pasalamat itong Troy na 'to nakaibigan ko siya. Kung hindi mapapatay ko siya ngayon mismo.

"Shut the fuck up Troy. Sasamain ka sa akin." Ngumisi lang siya akin. Napailing na lang ako.

"Ayan na ang asawa mo, bro." Sagot ni Trin. Agad akong luminga sa gawi nila.

Nandito na nga si Morgan. Hindi lang si Terrence ang kasama niya na bumalik. May kasama pa silang isang babae. At hindi ko kilala ang kasama nila at lalong wala akong balak alamin kung sino man siya.

Yinakap ako ni Morgan. "Gusto ko ng umuwi."

Pagod ang tono ng boses niya kaya niyakap ko lang siya pabalik.

"Uuwi na tayo." Sagot ko.

Tyron tapped my shoulder at bumulong na. "It so sad to think na walang honeymoon."

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now