A HEARTLESS WINTER

30.5K 276 16
                                    

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

P R O L O G U E

A HEARTLESS WINTER by : SHZMCD

"Winter! Sandali lang!" Pagtawag sa kanya ng kanyang ina.

Huminga siya ng malalamin atsaka huminto sa paglalakad. "Yeah."

"Tatanungin ko sana kung kailan ka ulit bibisita sa amin? Nag-aalala na kasi ako sa'yo kung nakakain ka ba sa oras." Heto na naman sila ng nanay niya. Paulit-ulit siyang kinukumbinsi na bumalik na lang siya ng bahay at manirahan kasama ng kanyang kambal na Kuya.

"Ma, Okay lang naman po ako. Tignan niyo pa ako, hindi naman po ako pumayat at pumangit." Ngumiti siya rito at muling nagsalita. "Atsaka darating din naman yung araw na aalis din po ako sa poder niyo."

"Per--" Naputol ang pakiki-usap ng ginang sa kanya ng may biglang nagsalita sa likuran nito.

"Ma, hayaan niyo na siya. Diyan siya masaya, wag niyo ng problemahin 'yan. Hindi naman dapat pino-problema ang mga katulad niya." Ang Kuya niyang si Tremendoux! Walang mababakas na emosyon sa mukha nito.

"Pumasok na po kayo, aalis na po ako. Atsaka sinabe ko na din po kay Nanay na sa condo po ako nakatira. Paki-kamusta na lang po ako kay Kuya Trevor at Margaret." Tumalikod na siyang tuluyan sa kanyang kinalakhian na pamilya.

Hindi na dapat siya bumalik at ginulo ang 'to. Dahil maayos naman ang kalagayan niya, at kalagayan ng mga 'to. Pero ang kalagayan kaya ng puso niya? Kamusta?

Mas magandang maaga ng masaktan kaysa sa huli.

Pagsakay niya ng kotse ay bumusina pa 'to, dahil hindi pa umalis ang kanyang ina. Ang ina niya na lamang ang nandoon, dahil wala na ang Kuya niya. Baka ayaw lang talaga siyang makita nito. Halata naman kasi na pinakikisamahan lang siya.

Napagpasyahan niya na ibaba ang windshield ng kanyang kotse. "Bye po, Ma!"

Kumaway naman sa kanya ang ginang. "Mag ingat ka, Anak." Pagpapa-alala sa kanya ng ginang.

Hindi naman dapat pino-problema ang mga katulad niya.

Hindi naman dapat pino-problema ang mga katulad niya.

Hindi naman dapat pino-problema ang mga katulad niya.

Paulit-ulit na nag-echo sa pandinig niya ang sinabe ni Trem, na para bang sirang plaka itong paulit-ulit na umaandar.

Prove him wrong, Winter.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang