Chapter 2.1.2

46.9K 749 6
                                    

Published: July 20, 2013

CHAPTER 2.1.2

KATIE’s POV

            Another day in school at nakakatamad talaga pumasok.  Halos kakasimula pa lang ng klase ang dami na agad ginagawa.  Nakakainis!  Dapat pala sarili kong school ang itatayo ko next time para hindi na ako mag-aaral.  Nakakabobo ang mga subjects ko na kung tutuusin naman 'di mai-apply sa buhay ko! 

            Papunta ako ngayon sa next class ko.  Ang daming bagong mukha. 'Yung iba, ngayon ko lang nakita at mukhang mga hindi rin nagsipagpasukan n'ung first day ah!     

            “Oh Shit!  Classmate natin si pogi!”  Si Liz na mukhang namatanda na naman!

            Tumingin ako sa direksyon na tinitingnan niya, and positive 'yung bastos nga!

            “This is just great.”  Sumimangot lang ako at itinuon na lang ang attention ko sa phone ko.

            “OMG, ang gwapo niya!” 

          “Will you stop that!”  Irritable pang sabi ko.

            “May girlfriend na kaya siya?”  Aba’t?!

            “Hindi mo siya ka-level, Liz.  Stop that!”

          “E ano naman?!”  Umirap pa sa akin ang bruha!  “Kung ganyan namang kagwapo ang makikita mo everyday, okay lang na ako na ang bumuhay sa kanya!” 

          “Impossible…”  Inikot ko lang ang mga mata ko.  Sarap ingudngod ng babaeng ‘to!  Ang landi!

            “Admit it!  Naga-gwapuhan ka sa kanya, right?”  Nanghuhuli pa talaga!  Aish!

            “No!” Mabilis na sagot ko lang.  “Hindi ang tulad niyang bastos ang magugustuhan ko.”

          “OA naman nito,”  She smirked.  “Ang tinatanong ko e kung naga-gwapuhan ka, hindi kung nagugustuhan mo!  Nasagot mo na, naga-gwapuhan ka rin!”  Ngumisi siya sabay irap.  Sabunutan ko kaya ‘to?! 

            “He’s pangit!  The end!”  Pasupladang sagot ko lang.

            At ang bruha, hindi lumubay!  Talagang nakatitig pa rin sa bastos na 'yun!  Pero in fairness, gwapo nga siya. Sobrang gwapo.  But nah!  Erase!  Erase!  Bastos pa rin siya!  And, I don’t like him!

            Well, it’s another long day… Halos three subjects ko ring kaklase ang pangit na 'yun!  And yeah, matalino nga siya.  Aish!  Nakakainis!  May mga question ang Prof ko na hindi ko nasagot nang maayos tapos siya, parang wala lang.  What if papalitan ko kaya 'yung Prof na 'yun?! Ipinahiya talaga niya ako d'un kanina!  Kainis!

            Ngayon papunta ulit kami ni Liz sa canteen.  Kanina pa rin ako nagugutom.  Gusto ko sana sa labas na lang kami kumain, pero worry ko ay kakapusin talaga kami sa oras at 'di kami aabot sa susunod na klase ko.  Hindi sa nagpapakatino ako,  malabo sa vocabulary ko 'yun!  It’s only that, sobrang terror ng mga susunod kong prof.  Family friend namin 'yung prof at ayoko lang umabuso dahil for sure, isusumbong ako kay dad.  Haist!

            “Grabe sa sipag si pogi, kahit vacant hours, nagta-trabaho siya dito sa canteen.”  Ang talas talaga ng mga mata nitong si Liz sa mga gwapo. Wala akong masabi.

            Hindi na lang ako nag-react sa sinabi niya at pasimple lang akong nagmatyag sa pangit na 'yun.  Paano kaya niya ginagawa 'yun?  Impressive ang pagiging matalino niya, to think na parang wala naman siyang time para mag-aral pa.  At ako, ganda lang talaga ang mayroon ako!  Nakakatamad kasi mag-aral, parang wala akong matandaan.  Buti pa 'yung mga lifestyle magazine, mas madali kong naa-absorb. 

            “Here is your order.”  Seryoso lang si pangit at hindi nakuhang tumingin sa amin.

            “I change my mind.”  Sadya akong mang-aasar.  “Ayoko nang order ko na 'yan.  Palitan mo ng pinaka-expensive ninyong dish for today.” 

          “P-pero naka-charge na ‘to.”  Aba’t mangangatwiran pa!

            “Like I said, palitan mo 'yan!”

          “Katie, 'wag naman gan'un.”  Si Liz.  “Sige, pogi, akin na lang 'yang order na 'yan.”

            Dinilatan ko si Liz pero dinedma ako ng gaga!

            “Eto.”  Iniabot niya sa akin ang menu nila.  “Ikaw na ang umorder d'un sa counter para hindi na ako madamay sa trip mo.”

          “W-what did you just say?!”

          “Bingi ka?  Kailangan mo ng hearing aid?”  He smirked then he left!  Bastos talaga!

            “Wow, he is so cool when he’s doing that.”

          “Excuse me?”  Sinimangutan ko siya.   

            “No one here in school attempted to say things like that to you. He’s so cool.”  Namatanda talaga ‘to?!

            “Kung ipatanggal ko kaya 'yan dito?  Nang matapos na ang pananaginip mo!”  I meant that.

            “Ang sama mo naman!”  Inirapan niya ako ulit.  “Kaya walang manligaw sa’yo dahil sa ugali mong 'yan! Ano bang prob mo girl, parang lagi kang galit sa mundo?”

            Hindi ako nakasagot sa tanong niya.  Sa akin, walang manligaw?!  Come on!  Wait, sinu-sino nga ba sila?  Shit!  Wala akong maalala. Hindi pa nga pala ako nagkaka-lovelife.  Ang daming bulag sa mundo.  Walang problema sa akin,  maganda ako!  If you’re asking bakit masama ang ugali ko?  Well, I think I am perfectly normal, si Liz lang ang baliw to think na may prob ako. 

            “May araw din ang lalaking iyan sa akin!  Tatanggalin ko ang kayabangan niyang pangit at bastos na 'yan!”  Tumingin ako sa kinalalagyan ni pangit.  Hmm, gwapo pala siya kapag ngumingiti.  What the hell?  Erase!  Erase!  Anong nangyayari sa akin?  May lagnat ba ako?  Hinipo ko ang noo at leeg ko. Mukhang okay naman ako.  For sure, ipinapakulam ako ng pangit na 'yun!  May araw talaga siya sa akin!  Hmp!

          “How can I make him notice me?”  Nakatulala pang sabi ni Liz.  Naka-drugs ba ‘tong babaeng 'to?

            “Earth to Liz!  Hello!”  Itinapat ko talaga ang bibig ko sa tainga niya nang magising!  Aish!

            “You’re so bad,”  Umirap pa sa akin ang bruha.  “Inggit ka lang kasi sa akin kasi sa akin nice siya.”  She shrugged.

            “He’s only playing nice para makakuha ng atensyon sa babaeng tanga kagaya mo.”

          “I don’t think so,”  Umiling pa siya.  “I think he’s a nice guy.”  Nangangarap na naman ang bruha.  “Nakita mo kung gaano siya ka-gentlemanly n'ung mawalan ng upuan ang isang classmate natin?  Ibinigay niya ang upuan niya at siya na lang ang kumuha n'ung para sa kanya sa stock room.”

            “Do you think he’s being sincere?!  You’re unbelievable!  Ang bilis mo pala mapasakay!  Aish!” 

            “Bahala ka na nga sa gusto mong paniwalaan basta ako, I think I’m in love…”  Wala, malakas na talaga ang tagas ng babaeng ‘to!  Pero lagot talaga sa akin ang lalaking 'yan!  Makikita niya kung sino ang kinakalaban niya!  Hmp!

********
A/N

I am not sure about this Hahaha  Bahala na si Batman!  

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon