Chapter 13.1.3

32.4K 653 5
                                    

Published: September 6, 2013

CHAPTER 13.1.3

 

KATIE’s POV

            OMG!  Birthday ng baby ko today!  Excited ako kasi at least mag-celebrate kami together.  Madaling araw pa lang ay bumangon na kami ni nanay Teresita para mamili sa palengke.  Yeah, take note, nanay. Oh diba?  Parang nagpa-practice na rin ako.  Magluluto kami ni nanay ngayon and for the first time, ako talaga ang magluluto.  With her help of course. Hindi ko naman din kakayanin mag-isa kahit pa lately, pasikreto akong nagpapaturo kay nanay.  She’s a bit puzzled why all of a sudden nagka-interest ako sa pagluluto. I can’t tell her naman kasi nga ang worry namin ni Ricky she’ll react differently.  Pero the way I see it naman, parang excited naman siyang magka-gf na rin ang anak niya.  In time, sana masabi na rin namin.  Para kasing incomplete kapag may mga taong hindi nakakaalam ng tungkol sa amin.

            Nang makabalik kami sa bahay surprisingly, tulog pa ang boyfriend ko.  Yes, I’m proud.  Boyfriend ko ang gwapo at matalinong si Ricky.  Buti na lang din at nasa ibaba na ang mga kapatid niya. Gusto ko kasi paggising niya, ako ang una niyang makita.  I am wearing a party hat na sinulatan ko ng ‘Happy Birthday, our Ricky’.  As much as I wanted to make it ‘my’, hindi ko magawa at sobrang obvious.  Noon ko na siya marahang ginising.

            “Baby… Baby…”  Oh, I just love calling him that way and vise versa of course.  Ang sweet kaya. Lalo na kapag siya na ang tumawag sa akin ng ganoon.  Sobrang laglag ang panty ko talaga!  But of course, I can’t tell him that.  Parang ang pervert ko lang kasi.  Dumapa ako malapit sa kanya and watched him wakes up.

            “Ohh…  H-hi…”  Pupungas-pungas niyang iminulat ang kanyang mga mata at mas lalong lumuwag ang ngiti ko. 

            “Happy birthday…”  Masaya ko pang bati at wala akong pag-aalangang hinalikan siya sa labi.

            Napangiti lang siya sa ginawa ko at bahagyang umiling.

          “Morning breath can kill you.”  Nakangiting sabi pa niya.

            “Possible, but I’d risk it just to kiss you.”  I sweetly said.

            “Yeah, me too…”  Kinabig niya ako at mabilis akong hinalikan sa labi.  “Thanks, baby.  A morning kiss is enough birthday present for me.”

          “Nagluto ako ng breakfast for you.” 

          “Really now?”  Hindi pa siya  makapaniwalang ngumiti at tumango-tango.  Alam naman din kasi niya how much I hate cooking.

            “I tried hard not to burn the eggs.”  Bahagya pa akong napangiwi.

            “I’m glad to hear that.”  Pinisil pa niya ang ilong ko.

          “I think I did not burn the hotdog too.”

          “Hmm,  I don’t like my hotdog burnt.”  Pilyo pa siyang ngumiti at  obviously ay nabasa niya ang iniisip ko.  I am so naughty!

            “May bacon din akong niluto and garlic rice.”

          “That’s a lot of effort, baby. Thank you.”  Hinaplos niya ang pisngi ko at matamis na ngumiti.

          “Bumangon ka na diyan, okay?  Hintayin ka na namin sa kusina.”

          “Okay, sige.”  Tumango-tango pa siya. 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon