Chapter 7.1.4

35.2K 619 7
                                    

Published: August 25, 2013

CHAPTER 7.1.4

 

KATIE’s POV

            Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko.  Ni wala man lang kasing foam ang higaan.  Hindi ko alam kung anong oras na pero medyo maliwanag na sa labas.  Bumaling ako sa side ni pangit at mahimbing pa rin tulog niya.  Kahit tulog ang gwapo pa rin.  Ang sarap lang kasi parang may katabi akong anghel.  Oh come on, Katie!  Pangit siya at mas lalong malabong maging anghel.

            Nilingon ko ang ibang member ng family niya na tulog pa rin.  Anong oras na ba?  Ni wallclock kasi wala man lang akong makita!  Oh wait, ayun ang deadly weapon ni pangit!  Of course, I am referring to his cellphone.  Gusto ko lang naman malaman ang oras.  Marahan akong umangat para kuhanin ang cellphone niya na nasa ulunan niya.  Grabe, vintage ‘tong cp niya!  Pamatay!  I don’t know what unit it is.  Pero infairness, may camera naman. 1.3 megapixel. Jeez, vintage talaga! Oh well,  five o’ clock pa lang pala pero medyo maliwanag na.  Hmm, ano kaya ang laman ng gallery niya?  Uso kaya sa pangit na ‘to ang selfie?  Sinilip ko ulit siya at mahimbing pa rin siyang natutulog.  Maingat kong binuklat ko ang cp n'ya at nagbrowse ng pictures. 

Boring…
Boring...
Boring...

Wala man lang halos laman. May pictures n'ung mga kapatid niya and oh… that girl!  The girl I saw at school!  Sino ba talaga ‘to?  Girlfriend ba talaga niya ito?  Kung makalait sa kulay ko ay gan'un na lang samantalang magkasing kulay lang pala kami n'ung girlalu n'ya!  Hmp!

            Oh wait, makapag-selfie nga!  Nang makapanura naman nang kaunti.  Itinalikod ko ang cellphone niya sabay dumila.  That's for you, pangit. 

Nang makita kong gumalaw siya ay mabilis kong inilagay ang cp niya sa ulunan sabay humiga ulit.

            Nagkunwari akong tulog at nakiramdam na lang muna.

            “Good morning, 'nay…”  Bati pa ni pangit!  Gising na nga!  Pero ang nanay niya gising na rin?  'Di kaya nakita niya ako?

          “Good morning din, anak.”  Kahit 'di ko siya nakikita, feeling ko ay nakangiti siya kay pangit.  Actually, parang ang loving ng nanay niya. Nakakainggit.  Bigla ko tuloy na-miss si mama pero iyon nga lang, mukhang hindi na niya ako naaalala pa.  Mukhang sobrang saya na niya sa second family niya.  “Babangon ka na rin ba?”

            “Opo, 'nay.  Tulungan ko muna kayo.  Ako na muna bahalang magdilig sa mga tanim natin.”

          “Sige, ikaw ang bahala.”

            Naramdaman kong lumabas na sila sa kulambo.  Ginising na rin ni Aling Teresita 'yung dalawang nakababatang anak niya pero hindi pa rin gumalaw agad at mukhang humirit pa nang tulog.

            Nang tuluyan na silang makababa sa unang palapag ay nilingon ko ulit ang cp niya.  Curious ako sa laman ng mga messages niya. I'm sure, makakakuha ako ng info d'un.  Buti na lang hindi niya naalalang bitbitin cp niya.  Good!

            Mukhang tulog pa rin naman ang mga kapatid niya kaya agad kong binuklat ang inbox ng cp niya. 

Boring...
Boring…

Wala naman masyadong interesting na laman.  Ooops, this one!

            From:  Alexa

           

            Hi Ricky!  Where have you been?  I missed you at school?  What happened?  Hindi ka na nga ba pumapasok?  I am worried.  Please call me… 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon