Chapter 23

30K 567 10
                                    

Published: October 5, 2013

CHAPTER 23

KATIE's POV

After that brief conversation with Ricky somehow ay medyo gumaan-gaan na rin ang pakiramdam ko. Tama naman siya.  Para sa aming dalawa rin ang ginawa niyang desisyon.

But this job is really killing me. It won't be too much naman siguro if lumabas at mamasyal na lang muna ako. Yes, that's what I need. I wonder if I can call mama and join me? Hmmm, ano na kaya nangyari d'un? Ilang days na rin ang nakakaraan pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. Oh well, baka naman busy lang sa work at sa family life. I just hope she's okay.

Sa pinakamalapit na mall na lang ako pumunta. Namiss kong mag-shopping. Ang dami kong namiss for the past two years. Puro page-emote kasi ang ginawa ko. Haist!

Shopping. Iyon ang pinakamagandang pampalipas oras. Bigla ko tuloy namiss si Liz. Kumusta na kaya ang bruhang 'yun? Last time I heard from her, she's having a date. Buti pa siya. Oh come on, Katie! Doon ka na naman sa favorite subject mo pupunta eh! Quit it now!

I don't know kung gaano na ako katagal nag-iikot. Medyo marami na rin ang mga napamili ko. Excited na rin akong isuot ang mga damit na binili ko. Naupo muna ako sa stone bench at nagpipindot sa phone. Jeez, mukhang seryoso na si Albie a. Simula kasi nang mabalitaan niya ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Ricky, parang may something na sa mga pangangamusta niya. 'Di pa naman siya totally nanliligaw or anything but I am not that dumb para hindi maramdamang may something siya for me. Minsan pumapasok sa isip ko na bigyan siya ng chance.  Pero ewan, wala na talaga e. Si Ricky pa rin ang kabuuan ng puso ko. Baduy ko lang pero iyon talaga ang nararamdaman ko.

"Katie..." Napaangat ako nang tingin at hindi ko napansin na may lalaki na sa harapan ko. I think he was about my father's age. Gwapo rin at kayumanggi. Pero hindi ko siya kilala, pero kilala niya ako. "Kumusta ka na?"

"Po? S-sorry..." Hingi ko rin naman nang paumanhin sa kanya. "Pero hindi ko po kayo nakikilala? Sino po ba sila?" I asked in casual tone.

"Oh, I'm surprised hindi mo pala ako nakikilala."

Jeez, give me a break! Sino ba siya para kilalanin ko?!

"I am Rogelio. I'm your mom's current husband." Napatanga ako at napatitig sa kanyang mukha.  Oh, this is a surprised. Tamang alam kong sumama si mama sa first love niya but I never met him.

"Oh sir," Tumango naman ako sa kanya. "I'm sorry. Nice meeting you po." Tipid naman akong ngumiti sa kanya at inabot ko rin ang kamay niya.

"Can I?" Paalam pa niyang tumabi sa akin.

"S-sure po!" Umusad ako nang kaunti para makaupo rin siya sa stone bench. "Ano pong ginagawa ninyo dito? Nandito po ba si mama?"

"Yeah." Bahagya pa siyang tumango. "Nasa grocery siya. Para lang namukhaan kita kaya lumapit ako. Hindi naman pala ako nagkamali."  Nakangiting sabi pa niya.  He seemed nice.

"Ahhh..." Tumango-tango lang ako. It felt awkward actually, talking to a person I just met.

"Ganda mo pala talaga. Kamukha ka ng mommy mo."

"Thanks." Tipid lang ulit akong ngumiti. Parang napapaso ako sa mga titig niya.

"Kumusta na nga pala ang father mo? Don Alonzo del Castillo?"

"He's okay naman po." Tipid pa ring sagot ko. I still need to see mama para ma-confirm kong siya talaga ang current husband niya.

"Alam mo bang may mabigat na pinagdadaanan kami ng mama mo." Seryoso pang sabi niya.  "Medyo siguro nabanggit naman niya sa'yo n'ung manghiram siya ng pera sa'yo, right?"

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon