Chapter 13.3.3

29K 647 4
                                    

Published: September 8, 2013

CHAPTER 13.3.3

KATIE's POV Cont.

Isang himala na nakapasok ako ng banyo nang hindi natatakot. Strange, pero parang mas gusto ko pang manatili sa madilim na lugar na ito.  Mabilis na naglandas ang luha ko kasabay nang pagkirot ng puso ko.  Bakit ba ako umiiyak?! Nagsisimula pa lang naman kami ni Ricky. Natural na gagawa pa lang kami ng magagandang memories together. Pero si Alexa, kilalang-kilala na niya niya si Ricky.  Ang mga ayaw at gusto nito. E ako? Ano nga bang alam ko kay Ricky bukod sa mga pagkaing gusto niya? I gave him a very expensive gift but I can sense that he didn't like it.  I am a failure girlfriend now because I knew too little about him. Now you find your weakness, Katie... it's Ricky.  Just because of him, I can't function the way I should be.

Nagbuhos na lang ako nang nagbuhos ng tubig sa mukha at katawan ko. Kailangan kong alisin lahat ng mga negative emotions. It won't be good for me.  It won't be good for the relationship. Trust him, Katie. Have faith.

I don't know kung gaano ako katagal sa banyo but surprisingly, paglabas ko ay sumalubong kaagad sa akin si Ricky. Matagal na ba siyang nagbabantay sa akin?

"Hindi mo na ako tinawag para magbantay sa'yo?"  Alala pang tanong niya.

Sa halip na magsalita ay mahigpit na lamang akong yumakap sa kanya.

********

RICKY's POV

It breaks my heart to see my Katie this way. Nasasaktan ba siya nang dahil sa akin? Noong pagkakataong  umalis siya kanina habang abala si Alexa sa pagkukuwento sa masasayang nakaraan namin ay gusto ko sana siyang sundan. Kaya lang ay  nakahiyan ko dahil alam kong nag-travel sila all the way here para lang batiin ako sa birthday ko. At kahit papaano, naging mga kaibigan ko sila.

Hindi naman din ako manhid para hindi maramdaman na sinasadya ni Alexa na pasakitan siya dahil alam niyang saglit pa lang kaming magkakilala ni Katie. But I really don't mind if I knew too little about her because the only thing that is important to me is her. Her love for me and my love for her. The rest is upcoming and I am looking forward to it. May mga doubts man ako sa aming dalawa, deep in my heart, alam kong hindi ko siya kayang pakawalan. Mahal ko si Katie. Ang nag-iisang Malditz ng buhay ko.

"Hey," Niyakap ko siya at alam kong kanina pa siya emosyonal sa loob ng banyo. Hindi naman ganoon kakulong ang banyo para hindi ko marinig ang mga pagsinghot-singhot niya.

"You don't like my gift, aren't you?" Tumingala siya sa akin habang ang mga kamay niya'y nakapulupot sa baywang ko. Sa tingin ko pa lang, any minute iiyak na naman siya.

"Honestly?" I took a deep sigh. "Not really..."

Agad kong nakita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"But baby, hindi naman itong relo lang na ito ang gift mo sa akin diba?" Gusto kong gumaan ang pakiramdam niya. "Ipinagluto mo ako ng breakfast.  Ipinaghanda mo pa ako ng merienda ngayon. You kissed me." Ikiniskis ko ang ilong ko sa ilong niya. "It's more than enough. You're more than enough."  Sinsero pang sabi ko at iyon naman ang totoo.

"Totoo ba 'yan?" Ngumuso siya at alam kong kinikilig siya.  Gusto ko ring makaramdam siya palagi nang kilig. At gan'un din naman ako sa kanya.  We're really in love.

"Uhumm..." Tumango lang ako at buong pagmamahal kong sinakop ang kanyang labi. I kissed her passionately like the way she always wanted. 

Ngumiti lang siya sa ginawa ko at alam kong nagustuhan niya iyon and so do I. Alam ko ring nanonood sa amin sina Alexa kaya't gusto ko lang iparating nang malinaw sa kanila kung sino si Katie sa buhay ko ngayon. I am hopeful na nakuha nila nang maayos ang message ko. I love my Katie.  Only her.

Matapos na makakain nila Alexa, Julia at Jane ay hindi na rin naman sila nagtagal. I'm sure nakuha nila nang maayos ang mga kilos ko kay Katie kanina. Though medyo parinigang walang kapararakan ang nangyari sa kanila ay masaya pa rin ako na pinigilan ni Katie ang sarili niya at tinorture na lang si Alexa sa pamamagitan ng pagyakap-yakap niya sa akin. Which I welcome of course, heartily. I don't like to see her sad. She's so possessive of me.

"So," Tulog na ang lahat maliban sa aming dalawa. Nasa sala pa rin kami at nanonood lang ng t.v. "...malapit na matapos ang birthday ko..." Dinungaw ko siya habang nakasandal at nakapulupot ang mga kamay niya sa baywang ko. Actually, kanina pa ako frustrated. Hindi ko naman masaway na medyo dumistansya sa akin. Kanina pa niya ako tinotorture sa pagdikit-dikit niya sa akin.

"Oo nga, happy birthday ulit. Maya-maya belated na." Tumingala siya at matamis na ngumiti. 

"Napagod ka ba?"  Hinagod-hagod ko ang braso niya.

"Yeah," Bahagya pa siyang tumango. "I've never worked this hard in my entire life."  Inikot niya ang kanyang mga mata at hindi ko naiwasang mapatawa.

"Nanunumbat ka na ba?"  Ngumuso ako at nakangiti lang siyang umirap.

"Never!" Dinilatan niya ako pero nakangiti pa rin naman. "You can thank me enough through this," Pinatulis niya ang kanyang nguso sabay pumikit. 

Ibang klase talaga itong baby ko. I never thought she was this playful.

"Fine..."  Bumaling ako paharap at hinawakan siya sa leeg.  Yumuko ako at hinalikan ko siya. Supposedly, smack lang naman talaga ang kiss na gagawin ko. Pero ewan ko ba, nang medyo nawala na ang panunulis ng kanyang labi ay para bang may sariling utak na ang labi ko. Ibinuka ko ang kanyang labi at pinalalim ang paghalik.  Napakapit siya sa aking leeg at gigil na tumugon. Inihiga ko siya sa sofa habang patuloy pa rin kaming naghahalikan. And now that I am on top of her, pakiramdam ko ay  may sudden rush of heat na dumaloy sa buong sistema ko.  "Ugh," I immediately took my distance and left her confused and breathless. "Nababaliw ako sa'yo, alam mo ba 'yun?" Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay hinila ko ulit siya palapit sa akin.  Niyakap ko siya nang sobrang higpit at gigil na bumulong sa kanya. "I needed to control myself when I'm around you."

"You don't have to." Seryosong sagot pa niya at hindi ako makapaniwala.  She loves me that much and I love her that much too. Pero masyado pang maaga para gawin namin ang bagay na 'to. Alam kong masyado lang din siyang nadadala sa emosyon niya dahil ako ang first boyfriend niya.

"Kung alam mo lang ang nararamdaman ko sa'yo ngayon." I took a deep sigh again and pinched her blushing face. "Thanks for a wonderful day, baby."

"You're welcome, my baby."

"Sleep na tayo?"

Tumango lang siya at noon na ako kumilos para patayin ang t.v. Nang masiguro ko nang wala nang mga nakasaksak ay tsaka ulit ako lumapit sa kanya para abutin ang kamay niya.

"You're my best gift for my birthday." Sabi ko pa bago pa man kami humakbang sa hagdan.

"I hope ikaw pa rin ang magiging gift ko sa birthday ko."

"I hope so too, baby." Ngumiti lang ako at pinisil ang palad niya.

Marahan kaming umakyat sa kwarto upang hindi na makaabala sa nanay at sa mga kapatid ko.

At bago pa man namin tapusin ang aming gabi, I kissed her again lovingly. She's more than enough for me. Sana nga ay kayanin namin lahat nang magkasama.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon