Chapter 5.1.2

34K 658 12
                                    

Published: August 12, 2013

CHAPTER 5.1.2

KATIE’s POV

            Fine!  Sumuko na ako sa dare ni papa.  Hindi talaga kinaya ng powers ko.  Ayaw ko nang magkasakit ulit.  Gan'un pala ang feeling at ayaw ko na ulit mangyari 'yun.  Hindi ko pa feel mamatay nang maaga.  Gusto ko pa rin maranasang ma-inlove.  Ewan ko ba, lately puro love yata ang pumapasok sa utak ko.  Nakikita ko pa si Liz na super happy kahit na mangitian lang ng pangit na 'yun!  Ano ba talaga 'yung feeling ng in love?  Wala bang may balak na manligaw sa akin?  Gan'un ba talaga ako kasungit tulad nang sinasabi ni Liz?  Parang ang normal ko naman a.

            “OMG, Katie!  You won’t believe this!”  Si Liz as usual. 

            “What?”  Tiningnan ko lang siya at halos mapunit na naman ang labi niya sa pagngiti.

            “Nasa canteen na ulit si Ricky!” 

          “Huh?  And?”  I frowned.

          “Imagine, palagi ko na ulit siya makikita habang kumakain tayo!  Ang sarap lang diba?”  Wala na, adik na talaga ‘tong isang ‘to!

            “Bakit?  Ulam ba ang tingin mo sa pangit na 'yun?”

          “Kung makapangit ka naman, wagas!” Umismid lang siya.  “E mukha pa nga siyang mayaman sa’yo.  Tisoy e!”

          “Excuse me?”  I glared at her.  Narinig ko na naman ang tungkol sa kulay na 'yan!

            “Joke lang!”  She faked her smile.  Sabunutan ko kaya ‘to?  “Bawasan mo nga 'yang kasungitan mo!  Kaya ka pumapangit e!  Kahit wala naman dapat ipagsungit, nagsusungit ka pa rin!  Aren’t you tired?”

          “Gusto mo ingudngod kita d'yan sa pasilyo nang makita mo kung sino ang kausap mo?!”  Pagsusungit ko pa. 

          “Sabi ko nga!”  Sumimangot lang siya.  Minsan naiisip ko rin kung gaano ka-mean ang mga salita ko pero hindi ko talaga mapigil e.  Mabuti na nga lang din at tumatagal sa akin si Liz.  Kung sabagay, kilala naman na niya akong ganito.  At tulad nga nang sabi ko noon, may pagkakahawig ang ugali naming dalawa. Siguro medyo mas mabait lang ako ng bahagya?!

           

            After nang ilang subjects namin, nagmerienda na kami ni Liz sa canteen.  And positive, he’s back.  Ang lakas talaga niya kay papa.

            “OMG!  Ang gwapo talaga ni Ricky. Bagong gupit pa siya kaya lalong nagmukhang mabango!”  Tsk, tsk, tsk… malala na ‘tong isang ‘to.

            “Isara mo ang bibig mo at baka pasukin ng bangaw 'yan!”  Umirap ako sabay sumimple nang tingin kay Ricky.  Well, she's right.  Bagay nga sa kanya ang gupit niya.  Medyo gumuwapo lang. Take note, medyo lang.

            “But who the hell is that girl?”  Agad na nagbago ang sumama ang mukha ni Liz.  Napatingin ulit tuloy ako sa gawi ni Ricky.  May girl nga na nakayakap sa kanya at parang sobrang happy na ewan.  At 'yung mukha niya ay sobrang maaliwalas din. Huh?  Seriously?

            “This is not happening!  That can’t be his girlfriend, right?”  Kunot-noo pang tanong sabi ni Liz at irritable na.  Sino nga ba ang babaeng 'yun?  Parang hindi naman familiar ang hitsura niya.  Student ba siya dito?  “Oh no, he’s not yet taken. Hindi puwede!”  Maktol pa niya na may kasamang padyak.  Obssessed din ang isang 'to.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon