Chapter 15

31.9K 656 10
                                    

Published: September 12, 2013

Hello po sa readers ko ng AILYS!  To all KQ's here at kahit sa mga hindi masyadong fan pero trip din naman ang tandem nila, please do support the upcoming story of KQ_Watty on Sept. 17, 2013.  Spread the love guys!  God bless everyone! :D

********

CHAPTER 15

 

KATIE’s POV

            Gabi na nang maihatid ako ni Albie.  Actually, parang wala din naman ako sa kundisyon umuwi dahil for sure mag-iisip lang naman din ako. Pero ano nga bang magagawa ko, kung puwede ko lang sana hilingin kay Albie kanina na uminom kami nang marami para pag-uwi tulog. 

            “Señorita, nandito na po kanina pa 'yung tutor ninyo.”  Bungad pa ng isang katulong namin.  I can’t remember her name, or mas tamang sabihin na hindi naman ako nagtatanong.  Pero wait?  Ano nga sabi niya?  Tutor?  Akala ko nagkaringgan lang kami!

            “Si Ricky?” Pagkumpirma ko pa.  As if may iba kang tutor, Katie!

            “Opo.”  Tumango pa siya at bahagyang ngumiti.

            He’s here.  Pero bakit ba kinakabahan ako?  Oh no, 'wag naman sana sa away mapunta ang gabi namin.

            “Si papa?”

          “Wala po.  Kakaalis lang kanina.  May i-meet lang daw pong tao at mukhang bukas na daw po siya mauuwi.”

          “Sige, thank you.” 

            Breathe Katie. Breathe…

           

            I used the elevator para makaakyat sa second floor. I hope he’s not mad. I don’t want to see him mad.  Nang tuluyan na akong makalapit sa may library ay agad ko rin siyang nakita.  He look so serious and I think I’m dead.  Pumasok ako doon sabay kinabig ang pinto para magsara.

            “I-I’m sorry…”  Inunahan ko na siya.  “I texted you naman, pero hindi ka naman sumagot. So, I assumed na hindi ka pupunta dito.”  Paliwanag ko pa agad dahil sa totoo lang ay hindi ko siya mabasa.

            Hindi siya nagreact agad kaya't mas lalo akong kinabahan. Oh my Katie, ilabas mo naman ang katapangan mo pagkaminsan!  Yumuko ako upang paglabanan ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.

            “I’m sorry too.” 

            Noon na lang ulit ako napaangat nang tingin at malayang tumulo ang luha ko sa pisngi.

            “A-ano ba problema mo?  May nagawa ba akong m-mali?”  Nabasag ang boses ko.

          “No, baby…”  Noon na siya lumapit sa akin at agad na niyakap ako nang sobrang higpit.  “I’m sorry… I am really sorry…”  Bulong pa niya sa may tainga ko.

            “Please tell me, what went wrong?  I need to know please…”  I wrapped my arms on his waist and bury my face into his chest.

          “Nothing is wrong with you,”  Noon na siya kumalas nang yakap sa akin at agad na pinunasan ang luha ko.  “Ako 'yung problema.”

          “Are you in any way breaking up with me?”  Mas lalo yata akong nakaramdam nang panghihina hindi pa man.  Hindi ako nakagayak para dito. 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon