Chapter 9.3.3

30.6K 649 11
                                    

Published: August 30, 2013

CHAPTER 9.3.3

KATIE's POV

Nang makababa kami sa sala ay tsaka na lang niya binitiwan ang kamay ko.  Nanguna na siya sa pagpunta sa kusina at naggayak ng pagkain niya.

“Gusto mong kumain ulit?”  Nag-angat siya ng kilay nang lingunin ako.

“Ayoko na.”  Bahagya lang ako umiling at sa totoo lang ay panay na naman ang kalabog ng puso ko.  Shit Katie!  Get a grip will you?!

Naupo ako sa usual position naming dalawa.  Side by side.

Nagsimula na rin kaagad siyang kumain at mukhang nagutom nang husto.

“Marami kang nahuling isda?”  I broke the silence between us.

“Okay lang, enough pang ulam later.”  Bahagya lang niya akong sinulyapan at parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.  “Akala ko ba kaunti lang ang nakain mo?  'Di mo type ang ulam?”

“Hun?  Hindi. Wala ka kasi…”  Matapat namang sagot ko.

“Worried about me?”  Seryosong tanong pa niya.

“Malay ko ba kung naanod ka na d'un.”  Umismid ako at iyon naman din talaga ang tumatakbo sa isip ko.

“Naanod?”  Natawa lang siya sabay marahang umiling.  “Not unless madulas ako, mabagok ang ulo ko at nalaglag ako sa tubig baka nga maanod na ako.”

“Funny…”  Inirapan ko lang siya. 

“Here,”  Itinapat niya ang kutsarang may kanin at ulam sa bibig ko.  “Eat.”

“Hindi na nga.”  Bahagya pa akong umiling.

“Kumain ka na.”  Ipinipilit pa rin niya sa akin ang pagkain at mukhang hindi ako lulubayan ng loko.

“Sama nito,”  Tinapik ko lang siya nang bahagya sa balikat.

“Don’t worry, nag-brush ako ng teeth.  Ako ang lugi kanina pagkagising mo.”  Nakangising biro pa niya at hindi ko maiwasang pamulahan.  Mabaho ba ang hininga ko kanina?  Shit.

“Ang sama talaga nito.”  Umirap ulit ako at nakakahiya talaga kung gan'un ang amoy ng hininga ko.

“But I’d love to do that every morning if you insist.”  Half serious pa niyang sabi at hindi ko alam kung seseryosohin ko ba 'yun o papaano. Sobrang init nang pakiramdam ko sa pisngi ko.  “Just kidding.”  Bawi pa niya at agad naman akong nadismaya.  “Ubusin mo na 'yang nasa bibig mo.  Subuan pa kita.”  Nakangiting sabi pa niya at nagwawala na naman ang puso ko. 

“Medyo nag-loose ka ng weight sa pagtira mo dito. May gusto ka ba?  Bilhan kita sa palengke bukas?  Binigyan naman ako ng papa mo ng pang allowance mo dito.”

“Binigyan ka?”

“Oo.”  Tumango pa siya at bahagyang napangiwi.  “Tinatanggihan ko naman pero ayaw niya.  Ano bang mga gusto mo?”

“Sasama na lang ako sa’yo.”  Masayang sabi ko pa at 'di pa man ay excited na ako.

“Hmm, okay…”  Tumango lang siya at nagpatuloy ulit sa pagkain.  At dahil sadyang matigas din ang ulo niya ay sinubuan pa rin niya ako. At aaminin ko, sobrang kinikilig ako sa sweetness niya.  We're like lovers.  Pero ano nga ba ang matatawag sa aming dalawa?

Nang makatapos siyang kumain ay nag-volunteer na akong hugasan ang plato niya.

“May improvement ka na ha.”  Parang impressed pang sabi niya. 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon