Chapter 2.2.2

38.4K 775 7
                                    

Published: July 26, 2013

CHAPTER 2.2.2

RICKY's POV

            Ang malas ko naman talaga!  Ang dami namang estudyante dito bakit kailangang maka-klase ko pa ang babaeng 'yun!  Oh well, bakit ba ako magpapa-apekto sa kanya?  Mas marami pang mas importanteng bagay na dapat iniisip ko kaysa sa kanya.

            Ngayon pabalik na ako sa canteen.  Ano kaya ang kailangan ni madam Lily?  Ngayon lang nangyari na ipinatawag niya ako.  Hindi kaya tatanggalin na niya ako sa trabaho?  Damn it!  'Wag naman sana.  May sakit kasi ang bunsong kapatid ko na si Pikoy.  Mukhang madadala pa sa hospital.  Mas kakailanganin namin ng pera. 'Wag naman sana...

            "Tita, ipinapatawag n'yo daw po ako."  I must admit, kabado ako.  Medyo seryoso kasi ang mukha niya.

            "Ricky,"  Parang alanganin siya.  "Remember Katie?"

          "Katie?"  Kumunot ako.  "Bakit po?"

          "I am really sorry pero ipinatatanggal ka na niya dito.  Bastos ka daw at arogante."  Pagkarinig ko pa lang noon ay nag-igting na ang bagang ko.  Damn it! Sinasabi ko na nga ba! 

            "Hindi niya puwedeng gawin 'yun!"

          "I am really sorry.  Winarningan na kita diba?"  Umiling-iling pa siya.  "Mahirap tanggihan ang request ni Katie.  Sorry talaga."  Yumuko siya at parang pinal na talaga ang desisyon niyang tanggalin ako.

            Hindi na ako nakakibo sa sinabi niya dahil gigil na gigil ako.  Who the hell she think she is?!  Ang sama ng ugali niya!

            "Salamat na lang po sa lahat, tita."  Tumango ako at 'di ko na mahintay na makita siya.  Humanda sa akin ang babaeng 'yun!

            "Mag-iingat ka, Ricky..."

          "Sige po."  Tumalikod na ako at naglakad palayo. 

            I went blank for a while. Malalagot talaga sa akin ang babaeng 'yun! 

            Ewan ko ba kung saan ako dinala ng mga paa ko.  I think alam ko ang huling klase niya.  Magkatabi ang classroom namin sa huling subject ko ng araw na iyon.  Hindi nga ako nagkamali, nakita ko kaagad siya kasabay pa rin 'yung kaibigan niya.  Hindi ako nag-aksaya ng oras at kinompronta ko kaagad siya.

            "Hey!"  Hinawakan ko siya sa balikat para humarap sa akin.  Believe me, sobrang galit talaga ako!

            "What is your problem?!"  As expected, gan'un kaagad ang reaksyon niya.

            "Who the hell do you think you are?!"  Halos manginig ang katawan ko sa galit.  Akala yata niya, aatrasan ko siya this time!  Hell no!

          "Oh,"  She gave me that evil grin.  "So, alam mo naman na siguro kung saan ka lulugar?"

          "Ang sama ng ugali mo!"  Hinawakan ko siya sa braso at diretsang tinitigan sa mga mata.  "Darating din ang araw mo!"

            "Oh, I am so scared..."  Nakangisi pang sabi niya sabay umarteng natatakot. 

            "Kailangan ko ang trabaho na 'yun!  Ipanalangin mong walang mangyaring masama sa kapatid ko, hindi ko talaga alam ang magagawa ko sa'yo!"  Noon ko na lang siya binitiwan at umalis na lang.  Nakatawag na rin kasi kami nang pansin at alam kong magiging usap-usapan kami sa araw na 'to. Pero kailangan kong kontrolin sarili ko dahil mahirap na, baka pati scholarship ko idamay pa ng bwisit na babaeng 'yun!  May araw talaga siya sa akin! 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon