Chapter 20.2.2

29.9K 592 25
                                    

Published: September 29, 2013

CHAPTER 20.2.2

KATIE's POV

Paglabas namin ay naabutan namin sina papa at nanay Teresita na nag-uusap.  Malungkot silang napabaling sa amin at parang bigla akong kinabahan.  Binalewala ko ang kaba at masayang ngumiti sa kanila.

          “P-papa, just in time.”  Humalik ako kay papa na parang tulala lang at mapait na ngumiti.  “Papa, I think you've met.  She's Ricky’s mom, nanay Teresita.”  Personal pang pakilala ko sa kanila nanatili lang silang tahimik na parehas.

            Makahulugang tinapunan nang tingin ni papa si nanay Teresita na nakayuko lang at parang nagluluha.

            “W-what’s going on?”  Hindi ko na rin napigil ang magtanong at sinulyapan din si Ricky na nagtataka rin sa ikinikilos nila.

            “M-may nangyari po ba?”  Tanong na rin ni Ricky at bakas din sa kanya ang kaba.

            “S-si Ricky ba-”  Seryosong tanong pa ni papa kay nanay Teresita na noo'y bahagyang nag-angat nang tingin.  “…siya ba?”

            Tumango lang si nanay  Teresita at agad na nangilid ang luha.  Napatitig siya kay Ricky na nakakunot-noo na rin at parehas kaming nangangapa sa ibig nilang sabihin.

          “Ano po bang nangyayari?” Kunot-noong tanong na rin ni Ricky sa kanyang nanay.  Makahulugan siyang sumulyap sa akin na para ring nagtatanong.

            “R-ricky, anak…”  Nabasag ang boses ni nanay Teresita at mahigpit na hinawakan sa kamay si Ricky. Mabilis na naglandas ang luha niya sa pisngi at mas lalo akong kinabahan.  Ano bang nangyayari?

            “Okay ka lang ba, 'nay?  May problema po ba?”  Alalang tanong ni Ricky at hinagod-hagod ang braso ng nanay niya.

            “Patawad, anak… h-hindi ko a-alam…”  Humagulgol ito nang iyak at mas lalo akong naalarma. 

            “What’s going on, papa?  Please say something!”  Tanong ko pa kay papa na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa.  Hinawakan ko siya sa braso at ramdam ko ang panlalamig niya.

            Hindi kaagad nakasagot si papa at sa halip ay malungkot lang kaming pinaghalinhinan nang tingin ni Ricky.  What the hell is happening?

            “R-ricky... He’s my...”  Bahagya pang natigilan si papa at alanganin pang tumingin kay nanay Teresita na noo'y humahagulgol na nang iyak.  Ibinalik niya ang tingin sa akin at para bang alanganin ding magsabi.   “…he’s our son…”  Halos pabulong pa niyang sabi pero malinaw na malinaw ang dinig ko sa mga salitang iyon. 

            Tila bombang sumabog iyon sa aking tainga at kahit na ilang beses ko sinubukang magsalita ay parang walang lumabas sa bibig ko.  Nag-unahan ang luha ko sa aking mga mata at napabaling din nang tingin kay Ricky na para ring minulto at awang lang din ang labing napatitig sa aking papa at sa nanay niya.

            “W-what..?”  Nangatog ang buong katawan ko at ultimo pagsasalita ay napakahirap sa akin.

            “P-paanong-?”  Naguguluhang nasambit lang ni Ricky at hindi rin makapaniwala sa rebelasyong iyon.  Salit-salitan niyang tiningnan ang nanay niya at si papa.

            “I-is this s-some kind of a j-joke?!”  Halinhinan ko silang tiningnan at parang nawalan nang lakas ang tuhod ko.  Mas humigpit ang kapit ko sa braso ni papa at parang matutumba ako.  Bumalong ang luha ko at hindi ko nagawang tapunan nang tingin si Ricky.  Parang bigla akong napaso.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon