Chapter 14.2.2

28.5K 547 3
                                    

Published: September 11, 2013

Chapter 14.2.2

KATIE's POV

Nang manood kami ng sine ay parang mas nadoble ang pagiging tahimik niya.  Seryoso lang ba talaga siya?  Nagfo-focus nang husto sa movie? 

“Uhm…”  Shit, why is this hard?  Halos wala namang laman na itong sinehan pero ni hawak ng kamay parang hindi niya magawa.  Ano pa nga bang magagawa ko, e 'di ako na ang nangunang gumalaw.  Kumapit ako sa braso niya at sumandal ako sa balikat niya.  Nag-react naman din siya kaagad at parang mas umayos nang upo para makaposisyon ako nang maayos.  Pero 'yun lang!  He did not even dare touch me again.

Now, I am getting bored. Maganda naman sana ang pinapanood namin pero wala naman talaga akong interest manood.  Excuse ko lang 'yun para makapag-date man lang kami ni Ricky.  Sumimple ako nang tingin sa paligid at puro couples din ang mga kasama namin at iilan-ilan lang kami.  At karamihan pa sa kanila are not watching and just making out. Jeez, kung puwede sa kanila, hindi ba puwede rin sa amin?  Pero parang wala naman siyang balak gawin 'yun.  He’s a man of virtues. 

Tinuon ko na lang ang attention ko sa panonood. Nasa part na n'ung eksena na nagto-torid kissing ang mga bida tapos ay humantong sa bed.  And now, getting naked.  This is awkward.  Napatingin ako kay Ricky na seryoso pa ring nanonood. Wala man lang ba siyang maramdamang something sa pinapanood namin?  'Yung ibang couples nga panay pa rin ang halikan at sinasabayan ang mga bida sa pelikula.  Ako ba?  'Di ba niya ako hahalikan talaga?!

Kaya naman sa halip na maghintay ay bahagya akong pumihit paharap sa kanya at kinabig ko ang kanyang batok.  I initiated the kiss at parang nagulat pa siya sa ginawa ko.  Eventually ay tumugon din naman siya pero saglit lang iyon at pinutol lang din niya. 

And believe it or not, iyon lang ang nangyari at hindi na talaga siya nag-attempt na halikan ako hanggang sa matapos 'yung movie.  Just the thought that he doesn’t really felt like doing anything to me, made me sad.

At gan'un lang, natapos ang gabi namin na hindi man lang kami masyadong nag-uusap. Ano bang problema niya?  Natatakot naman akong tanungin siya.  Kalma ka lang, Katie baka naman pagod lang siya. Be patient with him. Tomorrow for sure ay okay na siya.  Sana nga. Sana nga.

           

********

RICKY’s POV

            I totally lost myself last night and I don't know what’s wrong with me. Sinira ko lang ang moment namin ni Katie.  I am such an asshole!  This is giving me a lot of headache!  Sa totoo lang, lately, masyado akong nabo-bothered sa situation namin.  Puro negative vibes lang ang pumapasok sa akin.  What if hindi ako magustuhan ng papa niya?  What if paglayuin kaming dalawa?  What if hindi ako magtagumpay sa buhay?  Paano ko pa siya makukuha?  Itong mga negative thoughts na ‘to ang pumipigil sa akin na ipakita ang nararamdaman ko para sa kanya. Noong nasa sinehan kami, alam kong gusto niyang halikan ko siya.  And when she did made a move to kiss me ay hindi pa rin ako nakagalaw nang maayos at alam kong nadismaya ko siya. Puro doubts ang nangingibabaw sa akin.  Iniisip ko kung tama pa bang mag-invest ako nang husto sa feelings ko para sa kanya kung balang araw, hindi rin naman kami magkakatuluyan.  Or dapat ba talagang mag-isip pa ako nang ganito?!  Dumagdag pa ang alaala ko d'un sa bestfriend niyang si Albie. Mayaman si Albie, bagay na wala ako. Malapit sila sa isa’t-isa. She even let him kissed her on the cheek.  Oh fvck!  Am I being unreasonable now?  Natural lang naman ang beso beso sa panahon ngayon.  But still, that made me so jealous and mad at the same time.

            At ngayon, kahit nakikita ko na si Katie sa loob ng canteen ay hindi ko pa rin siya magawang lapitan. What’s wrong with you, Ricky?!  Mula sa kinalalagyan ko ay nakikita kong panay ang linga niya sa loob. She must be looking for me.  Damn it, Ricky!  Lapitan mo siya and apologize for your behavior!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon