Chapter 11.2.3

31K 627 10
                                    

Published: September 3, 2013

Bitin 'to!  oo na! hahaha

********

CHAPTER 11.2.3

RICKY’s POV

            Tama ba itong ginagawa ko?  Tama bang umabot pa kami ni Katie sa ganitong sitwasyon?  Alam kong mabait ang papa niya pero hindi ako sigurado kung gugustuhin niyang maging boyfriend ako ng anak niya.  Paano kung malaman niya at ilayo niya sa akin si Katie? These worries keeps on bugging me.  Alam kong hindi naman habang buhay magkasama kami.  Alam kong darating din ang araw na matatapos lahat ng problema nila at magkakahiwalay na ulit kami.  At ang isipin pa lang na 'yun, was already killing me inside. I love my Katie.

            “Hi.”  Nagulat na lang ako sa bigla niyang pagyakap sa akin mula sa likuran.  Kakaligo ko pa lang at ni hindi ko namalayan ang pagpanik niya.  Nakaharap ako sa cabinet para maghanap ng isusuot.  Hindi ko rin nga alam kung gaano na ako katagal nakatanga doon.

          “Hi…”  Nilingon ko siya at hinawakan ang kamay niyang nakayakap pa rin sa hubad kong katawan.  “Baka mabasa ka, 'di pa ako nakakapagpunas ng maigi.”  Sinubukan kong magpakaswal kahit na sa totoo lang ay nagdadala ng kakaibang init sa pagkalalaki ko ang hawak niya.  Our position was just so intimate.

            “It’s alright.  I want to stay this way.”  Isinandal pa niya ang ulo niya sa may balikat ko malapit sa kili-kili ko.

            “Hmmm…”  Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pumaling paharap sa kanya habang nakapulupot pa rin ang mga kamay niya sa baywang ko.  “Makita tayo ng nanay. Strict ang parents ko.”  Pabirong sabi ko pa at manipis lang siyang napatawa.

          “Oh really?”  Tinitigan ko siya at malayo na siya sa pagiging maldita niya noon.  “Pananagutan kita don’t worry.”  Mas lumapit pa siya at alam ko naman ang gusto niya.  Gusto niyang halikan ko siya.  But lately, pinipigilan kong hindi masyadong magdidikit dahil nga ayaw ko ring matukso.

            “Alam mo bang ginagawa mo sa akin, baby?”  Ginagap ko ang kanyang mukha at malagkit lang siyang tumitig sa akin. 

            “What?” 

            “You’re killing me,”  Gigil na sabi ko lang.  By this time, nararamdaman ko na naman ang init na gusto kong iwasan hangga’t kaya ko.

            “How?” Inosenteng tanong pa niya.

“Umamin ka nga sa akin, nagka-boyfriend ka na talaga?”  Mataman ko siyang tinitigan at mariin lang niyang kinagat ang labi niya.

          “O-oo…”  Alanganin pang sagot niya and I know she's lying.

            “The truth, Katie.”  Demand ko pa.

            Napangiwi lang siya at agad na namula. 

          “No…”  Nag-iwas siya nang tingin.  I knew it!

            “Hmm, ako ang first kiss mo right?”  Iniangat ko ang baba niya para titigan siya nang diretso sa mga mata.

            Marahan siyang tumango at napailing na lang ako.  Aish!  Sabi ko na nga ba!

            “Galit ka?”  Alanganin pa niyang tanong.

            “A little.”  Sagot ko lang out of exasperation.  “I felt guilty.”

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon