Chapter 16.1.3

31.3K 612 4
                                    

Published: September 14, 2013

CHAPTER 16.1.3

KATIE's POV

So far ng mga sumunod na linggo ay  umayos na ulit ang mood ng boyfriend ko. Ang sarap lang. Ang sarap n'ung feeling na minamahal namin ang isa't-isa. Actually, ang dami ngang naninibago rin sa akin. Nabawasan na daw ang pagiging maldita ko. Though not completely. Hindi ko pa rin maiwasan magtaray paminsan-minsan. Part na yata 'yun ng sistema ko. Kay Ricky lang naman ako maamo. As in super amo. Ewan ko ba. Good ba 'yun or bad? Whatever!

"Happy birthday, my sis, Katie!" Umalingawngaw sa tainga ko ang boses ni Liz.  Birthday ko ba? I totally forgot.

"Oh, nakalimutan kong birthday ko ngayon."  Matapat na pag-amin ko pa at iyon naman ang totoo. 

Napailing lang si Liz sa sinabi ko at umirap.

"Masyado ka kasing focus sa lovelife mo!" She smirked. "Kaya kahit sarili mong birthday nakakalimutan mo! Aish!"

"Sorry naman, pero mas important sa akin ang lovelife ko." Umirap ako at kung 'di ko pa alam ay naiinggit siya sa akin. Super crush pa rin kaya niya ang bf ko.

"Eww, kadiri ka na ngayon alam mo ba!" Ngumiwi pa siya. "Dati rati kung makasumpa ka kay Ricky ganon-ganon na lang. Ngayon naman halos sambahin mo siya sa iyong sobrang pagmamahal!"

"Well," She's right. Hindi ko rin naman expect na maiinlove ako nang ganito sa kanya. Isa siyang blessing in disguise.

"Hmm, ano kayang regalo ng mokong na 'yun sa'yo?"  Napaisip pa siya at pilyang ngumisi.

"Ano ka ba! Kahit wala okay na ako!" And I meant that. Kiss and hug okay na 'yun.

"May party ka later right?"

"Party?" Oh shit! Oo nga pala, for sure ipaghahanda ako ni papa! Bakit ba kasi nakalimutan ko.

"You totally forgot?" She frowned.

"It's not like that. Alam mo naman si papa magpa-party talaga kahit walang permission ko."

"So, are you going to invite Ricky?"

"Oo naman. Iyon nga lang, will he be comfortable there? Kung sana kasi nasabi na namin kay papa." Actually, I hate parties. 

"Mabait naman ang papa mo, bakit hindi ninyo subukan?"

"I can't decide alone. Ayaw pa ni Ricky e."  I wonder kung naalala ba niya ang birthday ko?

"What about your dress? For sure star of the night ka mamaya?"

"I think it's in my room. I haven't seen it yet."

"OMG! Who are you and what have you done to my bestfriend?!"  Namilog ang mga mata niya at ako man ay naninibago sa sarili ko. It's something new for her. 'Yun bang kahit sa fashion ay nawala ang interest ko.

"Maganda naman 'yun for sure. 'Yun siguro ang binabanggit sa akin ni yaya Rosing n'ung nakaraang gabi pero wala sa loob ko dahil magka-text kami ni baby."

"You're impossible, Katie! Ano bang mayroon ang Ricky na 'yan and you totally neglected the things that are important to you before?"

"My heart, Liz. My heart."  Madrama pang sagot ko at napailing lang siya.

"You're sick!"

Natawa lang ako sa sinabi niya because she's right, I am sickly in love with Ricky.

~~

Nakalimutan kaya niya ang birthday ko? Kahit kasi sa text ay hindi naman niya ako binati. Malapit na matapos ang klase ko sa hapon pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi rin siya sumasagot sa text. Huwag naman sana may iniisip na naman siyang kung ano. 'Wag naman sana...

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon