Chapter 27

35.2K 623 8
                                    

Published: October 12, 2013

CHAPTER 27

 

KATIE’s POV

            Ilang araw ko ring hindi nakita si Ricky after the incident.  Busy daw siya regarding sa work.  Gusto ko sana siyang makausap about us. Yes, us.  Matapos naming malaman ang katotohang hindi kami magkapatid,  well, I was hoping sana if... puwedeng maging kami na ulit?  Gusto pa rin kaya niya?  Haist, ang hirap talaga maging babae.

            After office hours, surprisingly ay nakita kong naghihintay siya sa lobby ng building namin.  Bigla tuloy akong na-concious kasi naman hindi ako nakapag-retouch bago lumabas sa office.

            “Hi.”  Maluwag pa siyang ngumiti at wala akong masabi sa kanyang kagwapuhan.

            “Hi.”  Fine!  Mas maluwag ang pagkakangiti ko!  At ang masama pa d'un, 'di ko talaga napigilan ang sarili ko at tinalon ko talaga siya sabay yakap!  Jeez, nakalimutan kong building namin ito.  Kaya ayun, pinagtawanan ako ng mga empleyado namin!  Sesantehin ko kaya lahat ‘to!

            “So, you miss me?”  Nakangising bulong pa niya at agad na namula ang pisngi ko.  Sobrang obvious na namiss ko siya. May ebidensya!

            Noon na ako bumitiw sa pagkakayakap ko sa kanya at nakasimangot akong humarap.

            “Ang sama mo!  Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin!”  Sita ko pa habang nakapamaywang.

            Natawa lang siya at nagkibit balikat lang?!  Iyon lang reaction niya?!

            “I am flying back in New York tomorrow morning.”

          “Huh?”  Napatanga ako.  That one is unexpected.  Well, I was hoping he won’t come back there.  And I'll be the reason for him to stay.  “B-but you know, akala ko kasi-”  Shit!  Spit it out, Katie!

            “May contract kasi ako doon.  Besides, maganda rin ang job ko.”  Kaswal na sabi lang niya at hindi ko maiwasan madismaya. Bakit gan'un?  Parang ang dali lang sa kanyang iwanan ako?  Ngayon pa?  Ngayon pang puwedeng-puwede na kaming dalawa!

            “H-hindi ba puwedeng dito ka na lang?  Ngayon pa diba?  Kahit paano may experience ka na at mailalagay ka ni papa sa magandang position.”

            “You know how much I hate being dependent on other people.”  Medyo sumeryoso ang mukha niya.

            “He is not other people.”  I scolded him.  Jeez, 'di nga lang pala kami ang tao sa lobby.

            Hinila lang niya ako palabas ng building sa halip na sumagot.  At doon sa parking area namin itinuloy ang pagtatalo naming dalawa.

          “We’re done with that topic, okay?” 

          “Don’t you want to stay here?”  Kumunot ako.  Nasasakitan ako na parang ang dali lang sa kanya ang lahat.  “D-don’t you want to stay here with me?”

            Tinitigan lang niya ko tsaka malalim na humugot ng buntong-hininga.

            “I wanted to stay here with you, more than you wanted.”  Hinaplos niya ang pisngi ko.  “Pero may magandang opportunity sa akin sa New York.  At ayokong pakawalan 'yun kasi alam kong mabibigyan ko nang magandang future ang pamilya ko.”  Bahagya pa siyang natigilan.  “…and you.”  Malagkit pa siyang tumitig sa akin.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon