Chapter 3.1.2

39.1K 798 19
                                    

Published: July 30, 2013

CHAPTER 3.1.2

 

RICKY’s POV

            Damn it!  Tama ba talaga ‘tong papasukan ko?  Kaya ko bang sikmurain ang masamang ugali ng babaeng 'yun?!  Aish!  Bahala na nga!  'Di pa man ako nagsisimula, binayaran na agad ng papa ni Malditz ang bill ni Pikoy sa hospital.  Oh yeah, Malditz! si Katie na 'yun at wala nang iba!

            At ngayon, nasa tapat ako ng mansion ng mga Del Castillo.  Holy shit, I wasn't expecting na ganito pala kayaman si Malditz?!  No wonder ang lakas ng loob manlait ng tao. Pero kahit pa mayaman siya, puputulin ko talaga ang sungay nang maitim na babaeng 'yun!  Yeah, maitim!  Maputi pa nga ako sa kanya!  Pasalamat na lang siya at maganda siya!  Anyway, nandito na ‘to!  Bahala na nga!

            Actually, mukhang inaasahan  na n'ung mga guards ang pagdating ko dahil pinapasok kaagad nila ako sa mansion.  Medyo nakaka-intimidate ang paligid ko at hindi yata ako bagay dito.  Nagmukha tuloy akong basahan nang matapak na ako sa makintab nilang sahig.  Shit!  Wrong move Ricky! 

            “Señor, nandito na po ang tutor ni señorita Katie.”  Sabi pa n'ung katulong na nag-escort sa akin papasok sa sobrang laking living room.  Ang lamig sa loob at mukhang centralized pa ang aircon.

            “Good afternoon po.”  Tumango pa ako kay Don Alonzo. 

            “Ricky,”  Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at agad akong inakbayan.  “I’m glad to see you.  She’s waiting on the library.”

            “S-sige po…”  Tipid naman akong ngumiti sa kanya.  Wish ko lang ay magawa kong pigilan ang sarili ko talaga.  Damn! 

            Nakaakbay pa rin siya sa akin habang patungo kami sa second floor.  And take note, may elevator sila.  Parang mall lang!  Nakakapanghina ng tuhod ‘to!  Makalabas pa kaya ako ng buhay kapag sinagot-sagot ko si Malditz?!

          “You’re not thinking of backing out aren’t you?”  Nakangiting sabi pa niya sa akin.  Ramdam siguro niyang tensyonado ako.

            “N-no, sir…”  Tinanggal ko ang bara sa aking lalamunan. 

          “Relax ka lang.  Like I said, treat her like you normally does.  Hindi ako makikialam.”  Kumindat pa siya sa akin.  I think he’s cool. Mukha namang mabait talaga si Don Alonzo kahit pa may aura siyang parang ang tapang. 

            “Alam po ba niya na ako ang tutor niya?”

          “No, I wanted to surprise her.”  Nakangisi pang sabi niya at napatango na lang ako.   

            Sa totoo lang ay sumasakit na ang mga mata ko sa view ng bahay nila.  Malayong-malayo sa tila kahong tirahan namin ng mga nanay sa probinsya.

            “Dito ang library.”  Tinapik pa niya ako sa balikat bago niya buksan ang pinto.

            “Katie, nandito na 'yung tutor mo.”  Ang Señor.  Hindi pa niya ako pinapasok agad. 

            “Papa, I don’t need a tutor!”  Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya nasisiguro kong nakasimangot na siya!

            “Like I will listen to you.”  Umiling-iling pa ang señor at noon na niya ako sinenyasang pumasok.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon