Chapter 5.2.2

32.1K 653 10
                                    

Published: August 13, 2013

btw, yung KATIE eh malandi ang bigkas! parang KAYE TEE hehe

at oo nga pala, medyo mag mature ang kwento nito sa lumaon.  dun naka set ang utak ko lately... so, bahala na kayo malalaki na kayo hahaha

CHAPTER 5.2.2

KATIE’s POV

            Eto na naman kami ni Liz, nakamatyag na naman kami kay Ricky.  Ewan ko ba, pati ako ay  nahahawa na sa pagiging obsessed nitong bruhang ‘to!  Fine!  Curious din ako d'un sa girl.  Para kasing first time ko nakitaang may ganoong eksena si Ricky.  'Yung snob na 'yun, magkaka-gf?  Paano? 

            “Naitanong mo ba kay Ricky?”  Nakasimangot na tanong pa ni Liz.

            “Ano?”  Pretending not interested.

            “About d'un sa girl?” 

          “I don’t care, okay?  Hindi ko itatanong sa kanya ang mga ganoong ka-cheapan na question.”  Deny to death.

            “Aish!”  Inirapan lang ako ng bruha.  “Dapat kasi tinanong mo!” 

          “Bakit hindi ikaw ang magtanong?”

          “As if naman kinakausap ako niyan?  Panay nga ang iwas at isa ka pang kontrabida na palaging nakatawag!  Hmp!”  Umirap pa siya at ngumuso.  I am actually guilty on that part.  Parang ayaw ko kasing makipag-close si Liz kay Ricky pero gan'un lang 'yun.  I care about Liz too much. Hindi sila bagay n'ung pangit na 'yun.

            “Hindi siya bagay sa’yo, okay?”  Tinaasan ko siya ng kilay sabay irap.

            “Oh no, not again…”  Tarantang sabi na naman ni Liz at  napatingin din tuloy ako sa gawing tiningnan niya.  'Yung girl ulit.  Hmm… sino ba siya?  “Kill me now, girl!  Kill me now!”  Selos na selos pang sabi niya.

            “Tatawag ako ng ibang papatay sa’yo!  'Wag mo na ako idamay!”  Sinimangutan ko siya at pasimpleng tumingin d'un sa kinalalagyan nina Ricky at n'ung mystery girl niya.

            “Sino ba 'yun?  Grabe naman makalingkis kay papa Ricky, daig pa ahas!”  Nagmamaktol pang sabi ng obsessed na bruha.  Pero tama siya, grabe nga makalingkis.  Sarap sapakin ha!  Shit!  Did I just say that?  Mananapak ako ng babae ni Ricky?  Baliw na yata ako.  “Pigilan mo ako, susugurin kong babae na 'yan!”

            “Bahala ka sa buhay mo!”  Of course, I acted cool pero naiinis din ako.  This is weird, bakit nga ba naiinis ako?  In the first place, I don’t like him.  I actually hate him.  So, bahala siya sa buhay niya!  At magsama silang parehas na pangit!

            “Mukhang like naman ni Ricky 'yung girl.  Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya.” 

            Tama siya, mukhang like nga n'ung pangit na 'yun, 'yung haliparot na girl.  Halos mapunit ang mukha sa kakangiti.  Sarap pagbuhulin!  At anong kalokohan pa ang nalalaman ni pangit na pahawak-hawak sa pisngi n'ung girl?!  Like seriously?!  It's annoying!

            “I am dead…”  Parang pinagbagsakan rin ng langit at lupa  ‘tong bruha kong friend. Kakabad-trip ha!

            “Tara na, male-late na tayo sa next class natin.”  Kayag ko na lang sa kanya.  Feeling ko kasi masusuka ako sa view!  Sakit sa mata!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon