Chapter 7.2.4

31.9K 618 4
                                    

Published: August 25, 2013

okey, pasensya naman! hahaha na-cut ko pala ang phenomenal first kiss ni Malditz!  hahaha waley lang naman 'to pero isa sa highlights siya pa palang na-cut ko hahaha! thanks kay belle at kay blue na napansin ha! detailed talaga! hahaha oh well, kahit ako di ko napansin at busy ang lola nyo sa pagtapos nito!  so, pano? basa!

********

CHAPTER 7.2.4

Matapos kong kumain ng umagahan na ang ulam ay pritong itlog, iyon lang at wala nang iba ay nag-toothbrush muna ako bago ulit umakyat sa ikalawang palapag.  Hmm, bakit nga ba ako nag-toothbrush agad?  Umaasa ba talaga ako sa kiss?!  Oh no.  No way!  Natural na pagkakain ko sa umaga ay nagba-brush naman ako.  So, 'wag siyang asa na feel ko magpahalik sa kanya.  Hmp!  Maghintay siya sa wala!  Pangit siya!

            “Malditz!”  OMG!  My heart skip a bit!  Sa boses pa lang niya, alam kong inis na siya.  But no.  Wala akong balak magtanim!

            Agad kong nasalubong ang nagliliyab sa galit na mga mata niya.  Mabilis ang kanyang paghinga at kuyom ang palad.  Chill, Katie.  Huwag kang papasindak sa pangit na 'yan.

            “Akala mo ba nagbibiro lang ako?!”  Kunot pa siya at mataas ang boses.

            “I’m not kidding either.”  I tried to stay calm kahit na sa totoo lang parang gusto kong himatayin. Nakakatakot rin pala siya kapag ganito kagalit.  Oh man…

            “I’m giving you second chance para sundin ako sa gusto ko.”  Seryosong sabi pa niya at igting ang kanyang bagang.

            Hindi ako gumalaw sa kinakaupuan ko.  Nakaupo ako sa may bintana hawak ang cp ko na katatapos ko lang kalikutin.

            “Hindi ako utusan mo!  So, sorry ka na lang dahil hinding-hindi ako susunod sa’yo!  Never!  You heard that?!”

            Hindi na siya kumibo matapos n'un.  Tinikom lang niya ang bibig niya at unti-unting lumapit sa akin
Oh shit, bakit siya lumalapit?!  Napatingin ako sa labi niyang natural na mapula.  Pilit kong itinaas ang tingin sa kanyang mga mata pero masyadong distracting ang pagbasa niya sa kanyang ibabang labi.  That's hot.  Shit.

            “Don’t tell me I did not warn you.”  Mariin niya akong hinawakan sa magkabilang braso dahilan para  mapatayo ako. Shit, seryoso ba talaga siya?!  Hahalikan talaga niya ako?!

            “A-anong gagawin m-mo..?”  Napatitig lang ako sa mukha niya at halos ang lapit na niya sa mukha ko.

            “Ang tigas talaga ng ulo mo,”  Napasinghap ako nang maamoy ko ang kanyang hininga. “You really want this, huh?”

          “E-excuse me?” 

            Tumigil ang mundo ko nang biglang lumapat ang labi niya sa labi ko.  Kumalabog ang puso ko at tila nanghina ang tuhod ko.  Shit Katie!  Do something!  Pero bakit hindi ako makakilos?  At bakit ganito ang tibok ng puso ko?  This is not happening!  No!

            Lumuwag ang hawak niya sa braso ko pero parang halos 'di ko 'yun pansin.  Masyado pa akong lutang sa nangyari.  Napatitig lang ako sa kanya at parang lumamlam din ang mga titig niya. Pero agad ding nabago 'yun at napangisi na siya.

            “So, you like it huh?”  Napalunok ako at 'di ko talaga ang dapat na maramdaman.  Ano bang reaction ko?  Pumikit ba ako?!  Ano bang nangyari?!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon