Chapter 6.1.3

31.3K 618 11
                                    

Published: August 15, 2013

CHAPTER 6.1.3

 

RICKY’s POV

            Mag-uumaga na nang makarating kami dito sa Isabela.  Dito ang hometown ko. Dito ako lumaki at nagkaisip.  Dito rin ako nakapagtapos ng elementary at high school.  Dito ko rin naiwan ang aking pamilya.  Ang tagal ko na ring hindi nakauwi.  Sobrang miss na miss ko na sila!

            “Kuya?”  Si bunso, our Pikoy!

            “Pikoy!”  Nagtatakbo pa ako palapit sa kanya at agad ko rin siyang binuhat.  Sobrang miss na miss ko na siya.  Simula kasi ng ma-hospital si Pikoy nitong nakaraan, nagdesisyon na rin ang nanay na umuwi na ulit dito sa Isabela.  Hindi daw sila hiyang sa Maynila at wala pa silang dalawang linggo doon ay na-hospital na kaagad si Pikoy.  At siyempre pa, hindi rin naman kayang iwanan nang matagal ni nanay ang isa ko pang kapatid na si Gelyn.

            “Kamusta ka na?”  Pinisil ko ang kanyang pisngi at medyo namayat din siya.

            “Okay lang ako, kuya.  Ikaw?  Bakit ka nauwi dito?”  Kumunot pa siya habang ang pisngi niya’y talaga namang naglilimahid sa dumi.

            “May kailangan lang akong asikasuhin.  Mahirap ipaliwanag,”  Bahagya kong pinalis-palis ang dumi niya sa pisngi.  “Maligo ka na nga, diba may school ka today?”

            “Mayroon po.  Diniligan ko lang ang mga tanim na petchay ko.”  Seven years old pa lang si Pikoy, pero responsable na sa buhay.  Kung sabagay, kailangan naman din naming magtulungan sa hirap ng buhay.  “Naks, kuya!  May kasamang girlfriend!”  Nakangisi pa siyang tumitig kay Katie. 

            “Loko!  Ke bata-bata mo tsismoso ka na!”  Bahagya ko pa siyang binatukan bago ibaba.  “Pikoy, si Katie.  Anak ng amo ko.”

            “Hello ate!”  Agad pa niyang inilahad ang nanglilimahid na kamay kay Malditz.

            Napatingin lang siya sa kamay ni bunso at 'di maikakailang nandidiri siyang makipagkamay! 

            “Hi!”  Kumaway na lang siya as expected.  The entire trip namin, sobrang tahimik lang niya at marahil ay shocked pa rin sa mga nangyayari. 

            “Maligo ka na nga!”  Ipinagtabuyan ko si bunso papuntang banyo at binalingan ko muna ulit si Malditz.  “Hindi mo ikakamatay ang maduming kamay.  Ganyan ang klase ng mga kamay na makikita mo dito sa bukid.”  Pasuplado ko pang sabi.

            “Bakit ba dito mo ako dinala?”  Nagmamaktol pa siya.

            “May choice ba ako?  Wala naman kaming mansion.  Kung ano lang ang nakikita mo ngayon, ito lang ang mayroon kami at 'wag ka na maghanap pa.”  Umismid lang ako at agad na naglakad palapit sa munting bahay namin.  Sinaunang yari ang bahay ang namin.  Sinuwerteng bato naman na ang unang palapag at lawanit naman ang ikalawang palapag ng bahay.  Mana lang din sa mga lolo at lola ko sa father’s side.  May malaki-laki na ring sakahan sa palibot ng bahay.

            Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng bahay ay agad na sumalubong sa amin si nanay at ang dalaginding kong kapatid na si Gelyn.

            “Anak!”  Ngiting-ngiti pa si Nanay.  Halos manlaki ang mga mata niya sa pagkasorpresa.  Sabay ko pa silang niyakap nang mahigpit.  Grabe ang pagkamiss ko sa kanila.  Simula kasi ng mag-college ako, madalang pa sa patak ng ulan na mabisita ko sila dito.  Kaya naman n'ung nakaraan na binisita nila ako sa maliit na apartment na inuupahan ko, masaya na sana ako kaso naman nga nagkasakit pa si Pikoy at umuwi na rin sila kaagad.  “Anong ginagawa mo dito?”  Nag-aalala ang boses niya.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon