Chapter 24

29.9K 579 7
                                    

Published: October 6, 2013

CHAPTER 24

 

KATIE’s POV

            Maaga pa lang ay nakatanggap na ako nang tawag mula doon sa current husband ni mama na si tito Rogelio.  Hindi ko naman maikuwento kay papa ang tungkol sa perang hinihiram nila mama dahil ang worry ko ay hindi siya pumayag.  Ewan ko ba, I am still not comfortable depositing a huge amount of money to their account pero feeling ko rin ay  hindi ko dapat pabayaan si mama.  She’s sick.  And, I would never want to loose her.  At kahit pa hindi kami magkasama, the thought that she’s okay and in good health will be enough for me.  At least she’s alive.

            But lately, medyo nababalot rin ako nang takot dahil nakapag bail-out na raw si uncle Jeremy sa kulungan.  Remember my father’s brother?  Ang rason kung bakit ako napunta sa Isabela and live there with Ricky?  It’s so frustrating na napapaligiran ako ngayon ng mga bodyguards.  Knowing papa, he’s really worried about me.  Oh well, talagang maraming nagagawa ang pera sa tao. It’s just the two options, it’s either one get contented or greed for more. 

            It’s seven o'clock in the evening at medyo kinakabahan ako sa date namin ni Albie.  This will be an official date.  Pinagbigyan ko na at ang kulit kasi!  Medyo nag-effort naman ako nang kaunti sa pag-aayos.  Nag make-up at itinali ko nang mataas ang buhok ko.  Isinuot ko na rin ang binili kong damit sa mall noong isang araw.  Floral chiffon blouse at soft layered skirt ang napili kong isuot na tinernuhan ko ng white wedge shoes.  Just perfect!  Isinuot ko lang naman ‘to not to satisfy Albie but myself.  Ang tagal ko na ring napabayaan ang sarili ko.  

            Hindi naman din nagtagal ay  dumating na rin si Albie.  As usual, gwapo pa rin naman siya.  Mukhang bagong gupit ang kanyang buhok at bagong shave rin dahil ang kinis tingnan ng kanyang mukha. 

            Sa isang fine dining restaurant niya ako dinala at romantic ang ambiance.  Ewan ko ba, naiilang ako sa pakikitungo sa akin ni Albie ngayon.  Extra effort siya sa pagpapaka-sweet. The thing is, isa yata akong manhid.  Hindi ako tablan kahit gaano pang pagpapaka-sweet ang gawin niya.  Samantalang kay Ricky, titig pa lang niya ay nanlalambot na ang tuhod ko. Oh jeez, Katie!  Si Albie ang kasama mo pero si Ricky pa rin ang iniisip mo!  Give Albie a chance and move on!  Mariin akong napapikit at malalim na napahugot nang buntong-hininga.  When will this pass huh?

            Nilibang ko ang sarili ko at nagmasid sa paligid.  Hindi naman karamihan pa ang tao sa mga oras na 'yun pero puro reserved seats na halos lahat. 

            “What would you like to eat?”  Tanong pa niya habang magkaharap kaming nakaupo.

            “Ikaw na ang bahala.”  Ngumiti ako at iniikot ko na lang ang tingin ko sa paligid.

            Actually kahit romantic ang ambiance sa resto ay may mga pamilya ring kumakain.  That’s a good thing for me dahil bawas pressure sa akin ang ganoong view. 

            “Ang dami mong bodyguards.”  Puna pa ni Albie sabay sulyap d'un sa dalawang bodyguards ko na hindi kalayuang nakatayo sa main entrance.

            “Oo nga,”  napangiti lang din ako sa sinabi niya.  Parang alam ko na ang iniisip niya. Wala man lang kaming privacy.  And, for the first time, hindi ako na-frustrate sa presence nila.

            “Paano naman ako maka first base sa’yo niyan?”  Pabirong sabi pa niya sabay tawa nang medyo malakas.  “E mukhang kapag hinawakan ko lang ang kamay mo, babarilin na nila ako kaagad!”

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon