Chapter 26.2.2

29.1K 602 10
                                    

Published: October 10, 2013

CHAPTER 26.2.2

KATIE's POV

Natahimik kaming lahat sa rebelasyong iyon habang nakangisi sina tito Rogelio pati na rin si uncle Jeremy.  May kung ilang beses kong sinubukang magsalita pero walang lumabas sa bibig ko.  Hinarap ko si mama at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.

            “MaH-he’s making up stories, r-right?  Tinatakot ka lang nila diba?”

          “This is exciting!  Para lang akong nanonood ng teleserye!”  Malakas pang sabi uncle Jeremy na lumagay pa talaga sa sentro para titigan kaming mag-ina.  “Continue, please…”  Sumenyas pa siya at nakakalokong tumitig kay papa.

            “Veronica!”  Nanlilisik din ang mga mata ni papa sa pagtitig kay mama at nagbabadya rin ang luha sa kanyang mga mata.

            “H-hindi si Alonzo ang papa mo.  S-si R-rogelio…  I’m sorry, a-anak…”  Nanginginig pa niyang sabi kasabay nang 'di maampat kong luha.

            “Mga manloloko kayo!”  Sigaw pa ni papa na nagpupuyos sa sobrang galit at matalim na tinitigan lang din sina tito Rogelio at Uncle Jeremy.

            “Pirmahan mo na ang mga dapat pirmahan!”  Pasigaw pang sabi ni uncle Jeremy kay papa.  “Tutal naman hindi na rin natin puwedeng ibalik pa ang pagiging magkapatid natin!”

          “Wala akong ginagawang masama sa’yo, Jeremy!”  Nanggugumigil ding sagot ni papa.  “Ikaw ang nanloko sa ating dalawa!”

          “Nakukuha mo pang magalit ngayon?!”  Sarkastiko pa siyang ngumiti at sa totoo lang sa sobrang dami nang narinig ko ay gusto ko na lang mawalan nang ulirat.  Nakakapagod na umiyak nang umiyak.  “Kundi rin naman sa illegal na gawain ko, as you wanted to call it, hindi ka naman din yayaman ng ganito diba?!”

          “Pinagsikapan ko kung ano man ang mayroon ako!”  Dinuro pa niya si uncle.  “Kung nakulong ka man, 'yun lang din ang nararapat sa’yo!”

          “Tsk, tsk, tsk…”  Umiling-iling pa siya kay papa.  “Ikaw ang may kagagawan kung bakit ako nakulong!”  Galit din niyang dinuro si papa.  “At ano?  lahat ng kayamanan ko kinuha at inari mo?!”

          “Wala akong kinuha ni isang kusing sa’yo!  Lahat ng perang nakuha mo sa masamang gawain mo, nasa mabuting kamay na!  Nasa mga charity na kunwari lang pala ay tinutulungan mo para magmukhang wala kang ginagawang masama!”

          “Hindi ako kasing bait mo!”  Sarkastiko pa siyang ngumiti.  “Kahit ano pang sabihin mo, pera ang nagpapaikot sa mundo!”  

            “Magkapatid tayo!  Magbago ka lang, tutulungan kita!”  Pilit pang pinakalma ni papa ang boses niya.

            “I don’t need your help, brother.  I’ll just get what is supposed to be mine.  And that means… lahat ito!”  Iginala pa niya ang paningin.  “Pirmahan mo na yan!  Naiinip na ako!”

          “I am not signing that!”  Pagmamatigas pa ni papa.

            “Oh really?” May kung sino pa siyang sinenyasan at agad akong hinawakan sa magkabilang braso.  Agad akong natakot at mahigpit ang hawak nila sa braso ko.  Nakakatakot.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon