I'm Married ♡: Chapter 1

29.7K 351 21
                                    

Chapter 1

“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.” Wala na. Durug na durog na ko. Hindi ko na kaya. Nabitawan ko na yung blind fold na hawak ko.

 

Akala ko pwede pa. Akala ko kaya ko pa. Hindi na pala.

 

Hindi ko din na nakayanan. Kaya tumakbo na ako. Ayoko na.

 

“BESTFRIEND!!!!!!”

 

Yung mapapa-isip ka na lang kung ano ba ang mali mong nagawa para i-deserve ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.

 

Wala akong maisip na dahilan para maideserve ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

 

Diretso pa din ako sa pagtakbo ko. Gusto kong makapag-isa.

 

*BOOM*

And everything went black.

 

~~~~~~~Bago mangyari ang aksidenteng naganap. Balikan natin ang mga nangyari sa kin 4 months ago.

                                                                   ****

4th Y E A R   H I G H  S C H O O L  (J U L Y)

“Good morning Mommy! ^o^” Sabay halik ko sa pisngi ni Mama.

“Breakfast is ready baby. Eat na.” Sabi nito sa akin. Umupo naman ako sa hapag-kainan at binuksan ang cellphone ko. Ang ganda na tuloy ng umaga ko. Wallpaper ko kasi si crush. :”””) Sinong crush ko? Wait.. Isisigaw ko lang ang kilig ko….

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Yan, okay na! :D Yieeeee. Si Ivan Anthony Nathan Sy lang naman ang crush ko. :”> Mali. Love na pala. Grade 5 naging crush ko na siya nung nag-transfer siya sa school namin. Well, hanggang ngayon namang 4th year high school kami eh. ;) Waaaah. Ang pogi niya kasi. Sobra. Matangkad, matalino, mayaman, basketball player, at……. Ang BANGO-BANGO niya. <3333

Kaya “Sy” ang apelyido nya… Hmmm. Aba’y ewan ko! :PP

Ako nga pala si Alisa! Alisa Jveonica Lopez. Hindi ko alam sa magulang ko kung san nila nakuha ang Jveonica. Pero, cute naman di ba? Unique sya para sa akin. Tatlo kaming magkakapatid. Panganay, si Kuya Allen. Nasa ibang bansa sya at ginagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin. At ang bunso ko namang kapatid ay si Lei, ang napaka-ingay, parent’s girl, at napaka-childish. Nagkakaboyfriend ba yan? Sa tingin ko hindi. Hahahahaha! Ok. Ang height ko ay 5’4 lang. =_= Ang buhok ko naman ay simple lang. Hindi ganoon mahaba at may pagka-brownish.

At iisang lalaki lang ang aking inaasam-asam. Kilala nyo na hindi ba? Sya lang naman si IVAN ANTHONY NATHAN SY!!! Waaa. Excited na talaga akong pumasok! I want to see him na!! :””)

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now