I'm Married ♡: Chapter 46

5.3K 94 3
                                    

Chapter 46

 

Austin’s POV

 

“I really need to go.” Sabi ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit ko.

“But Austin ----“

“You heard it right? I really need to go.” Medyo naiinis kong sabi sa kanila.

“Austin.. Hindi ba’t makakaabala tayo sa kanila kung bukas pa natin itutuloy ang mga photoshoots mo?” This time, si Manager na ang kumausap sa akin.

“Look. Dapat, wala ako dito. Kung tutuusin, it’s a surprise photoshoot to.  Hindi ba dapat tanungin nyo muna ako kung free ba ko this day? I don’t even agreed to accept new films, and commercials. Buti at napayag pa ko sa photoshoot na’to.” Sabi ko. Di ko alam pero naiinis na ko. Baka naghihintay sa kin si Alisa. Ayokong nagaantay ang mahal ko.

Huminga ng malalim si Manager, “Fine.” Sabi nito. Lumapit sya sa taenga ko at bumulong, “She’s waiting am I right?” Tanong nito.

“Yes. And I don’t like her waiting.” Sabi ko.

“Ah. I see. Ok! Let’s continue this photo shoot tomorrow.” Sabi ni Manager sa lahat. Pumayag naman sila. Aba. Wala silang karapatan magreklamo dahil in the first place, hindi ko ginusto ang photoshoots na’to.

Hanggang ngayon, wala pa ding nakakaalam ang tungkol sa marriage namin ni Alisa kundi si Manager lang. Ang alam lang ng ibang staffs ay may girlfriend ako pero tago sa public. Kung ganun lang siguro kadali bitawan ang pagiging isang celebrity, nagawa ko na. Isang taon at kalahati na rin akong namamahinga sa acting at singing career ko. Tanging modeling career nalang ang nagagawa ko. Gusto kong mag-focus muna na mag-work ang marriage namin ni Alisa.

Agad akong lumabas ng building at nagmadaling magmaneho. Dumaretso rin kaagad ako sa mcdo para makabili ng mcflurry. At ayun, isang oras bago ako nakalabas. At pakiramdam ko, natunaw na yung mcflurry na binili ko. Paano ba naman…. Pictures, autographs and some questions ang napala ko dun. Sobra daw nila akong na-miss. Masyado na rin daw ako matagal na nagpapahinga sa singing at acting career. Hayy. Busy ako. Busying-busy ako sa paggawa ng paraan para mapasaakin ang puso nya.

Agad na rin akong dumaretso sa beach resort. Napapangiti ako habang naglalakad dahil makikita ko na sya. Hindi pa rin kasi sapat para sa akin ang marinig lang ang boses nya. Pero nawala ang mga ngiti kong lahat ng yon ng makita ko silang magkasama ni Ivan na naglalakad na magkahawak ang kamay. Nagtago ako sa may puno don. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at sakit sa puso ko. Bakit ganun… Kahit walang ginagawa si Ivan, napangiti nya si Alisa.

 

Bakit kahit anong gawin ko… Si Ivan pa din.

Alisa’s POV

 

Ilang minuto bago kami naghiwalay sa isa’t isa. Sa mga oras na yun, parang nakaramdam ako ng mga sparks. At… May pumasok rin sa utak ko na isang senaryo na may isang lalaki na humalik rin sa akin. Blurred ang mukha nya. Pero… Bakit ganto ang nararamdaman ko kay Ivan? Kakaiba.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now